Monday, November 22, 2010

Pamanahunang Papel(Single Parenthood)


"PURO NA LANG AKO, AKO, AKO!"

Isang pananaliksik papel tungkol sa Single Parenthood


I.PAGPAPASALAMAT

Maraming maraming salamat sa mga tumulong sa akin upang matapos ko itong proyektong ito. Unang una sa lahat maraming salamat sa aking magulang kung hindi dahil sa kanila hindi ko maisasakatuparan ang proyektong ito kung di dahil sa kanila dahil sila ang nagbigay ng pera sa akin upang maayos ko ito. Maraming salamat din sa mga taong tumulong sa akin sa mga classmate ko na kahit malalabo ang mga idea salamat na din. Maraming salamat din sa aming guro dahil sa pagtuturo niya sa amin ng mga bagay bagay.

II.PANIMULA

Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi kailanman mababago sa mundo. Ang ating ama, ina at mga kapatid ay hindi mapapalitan ng sinuman. Malaki ang impluwensiya ng pamilya sa ating buhay. Pamilya man ang itinuturing na pinakamaliit na yunit ng isang pamayanan, sila ang humuhubog sa ating pagkatao.

Sila rin ang unang nagpaparamdam sa atin ng pagmamahal, kasiyahan at kalungkutan. Ang pangkaraniwang depinisyon ng pamilya ay isang grupo ng mga tao na binubuo ng ama, ina at mga anak kung saan ang bawat isa ay pinagbubuklod ng pagmamahal. Sa paglipas ng panahon, maraming nang pagbabago ang nagaganap sa mga pamilya sa buong mundo. Marami na ang mga pamilyang nagkakawatak-watak kaya't patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pamilyang binubuo na lamang ng mga anak at iisang magulang.

(www.answers.com/topic/family)

Ang mga single parent ay humaharap sa maraming pagsubok. Kasama na sa mga suliranin ito ang pinansiyal, emosyonal at sosya na aspeto. Bagama't mahirap ang pagiging isang single parent, mayroon din naman itong mga magagandang naidudulot sa magulang at anak. Ang mga suliranin, epekto sa anak at magulang at iba pang mga isyu ay siyang tatalakayin sa pamanahong papel na ito. Nararapat lamang na mabigyan ng wastong impormasyon ang mga tao ukol dito upang lubos na maintindihan ang sitwasyon ng mga solong magulang at ng kanilang pamilya. (http://singleparent.about.com)

III.MGA LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong magbigay ng karampatang impormasyon tungkol sa iba't ibang aspeto ng single parenthood. Una sa lahat, ang mga mambabasa ay mabibigyan ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa single parenthood tulad ng iba't ibang uri nito at mga epekto nito sa mga magulang at sa kanyang mga anak. Mabibigyang linaw rin ang iba pang mga posibleng isyung kaugnay ng pagiging isang single parent. Sa kalaunan, mapagtatanto ng mga mambabasa ang tunay na sitwasyon ng mga ganitong uri ng pamilya at maaari nila itong gamiting gabay sa kanilang mga buhay sa hinaharap.

Mahalagang pag-aralan ang masamang naidudulot ng pagaasawa sa hindi tamang edad,panahon, at pagkakataon. Upang maiwasan ang iba’t ibang problema katulad na lamang ng pagiging single parent. Ang paggiging single parent ay karamihan makikita sa mga teenager dahil ditto dumadami na ng mga nagiging single parent at mahalagang mapagaralan ito upang malaman ang mga epekto nito sa atin.

IV.SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw at limitasyon ng aking pananaliksik ay ang pagiging single parent at paano ba ito nangyayari at kung bakit ito nangyayari. Napapaloob din dito ang mga tamang at mali na ginagawa natin at ang mga nagiging gabay natin upang maiwasan ang pagiging single parent.

V.KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang mga salitang o katagang aking ginamit ay makatotohanan dahil sa panahon ngayon madami ng mag-asawang naghihiwalay. Upang mailahad ko ng maayos ang gusto kong maiparating gumamit ako ng wikang ingles upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang aking pamanahong papel.

VI.SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA

Upang maisagawa ang pamanahong papel na ito, ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik ay ang pagkalap ng mga datos mula sa mga aklat na kaugnay ng Single Parenthood, mga magasin at pagsangguni sa mga artikulong sumusuporta at nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa internet ukol sa nasabing paksa.

VII.STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS

Ang paraang aking ginamit upang bumuo ng datos ay nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko, at sa mga kaibigan ko. Naginterbyu din ako ng isang babaeng iniwanan ng kanyang boyfriend pagkatapos mabuntis. . Marami pati akong nakuhang makatutulong na impormasyon sa internet.

VIII.PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Ang pagiging isang single parent ay hindi madali. Nangangailangan ito ng buong puso at tapang na pagharap sa mga resposibilidad sa anak at maging sa sarili. Pangunahing dahilan man ang paghihiwalay ng mag-asawa, kailangan pa ring gabayan ng magulang ang anak upang lumaki itong maayos, may kumpyansa sa sarili, umiiwas sa gulo at may pananalig sa Diyos.

Maaaring malaki ang maging epekto ng sitwasyon sa bata, ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay lumalaki itong rebelde at suwail sa magulang, kung kaya't napakahalagang gabayan ang anak ng mabuti sa kanyang paglaki upang makaiwas sa di kaaya-ayang epekto nito. Pananalig sa Diyos at tapang ang kailangan upang harapin ang ganitong sitwasyon.

Tunay ngang maraming epekto sa tao ang pagkakaroon ng solong magulang maging mabubuti man o masasama. Ito ay aming nabigyang diin sa aming mga nakapanayam at nakalap na impormasyon. Bagama't ni isa sa aming grupo ay hindi galing sa isang single parent home, naramdaman namin at napagtanto ang mga hirap at sakit na kanilang napagdaraanan. Ipinapayo namin sa mga solong magulang na huwag bumigay sa mga suliraning dumarating. Hindi nila dapat isiping kanilang mga tungkulin bilang ama at ina.pabigat ito kundi isang paraan upang maging mas matatag. Nararapat na maging bukas sa mga anak tungkol sa mga mahahalagang isyu at pag-usapan ito ng mabuti upang maging malapit ang kanilang loob sa isa't isa. Higit sa lahat, hindi kailanman dapat bumitiw sa Itaas sapagkat lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay may dahilan at ang mga anak ay biyaya ng Diyos. Para naman sa mga anak ng solong magulang, nararapat lamang nilang suklian ng pagmamahal ang sakripisyo ng mga magulang sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, pagrespeto at pagsunod sa magulang. Minsan man ay may pagkukulang ang mga magulang, nararapat pa rin silang intindihin at isipin na ang lahat ng kanilang mga ginagawa ay para sa ikabubuti ng mga anak. Higit sa lahat, magkaroon ng paniniwala at takot sa Diyos.

IX.PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON

Para sa ating mga mamamayan at sa buong lipunan, maaaring may bahid ng pagkadismaya ang pagtingin natin sa broken families tulad ng mga single parent home, ngunit hindi ito batayan upang atin silang pintasan o ituring ng hindi mabuti. Maunawaan sa nating ang mga solong magulang ay dumaraan sa marami't mabibigat na mga pagsubok. Hindi natin sila dapat husgahan o di kaya'y kaawaan. Bagkus, sila ay ating unawain, tulungan kung nararapat at gawing inspirasyon. Sila ay natatangi at tunay na nakabibilib lalo na kung ganap nilang nagagampanan ang

Bilang mga tao, maraming pagsubok ang tiyak na daraan sa pagtahak natin sa landas ng buhay. Nariyan ang pinansiyal, emosyonal at sosyal na problema sa ating pamayanan, paaralan, pamilya at maging sa ating sariling pagkatao. Ang lahat ng pagsubok na ito ay ating mapagtatagumpayan kung hindi tayo susuko at patuloy tayong mananampalataya sa atin g Pangin oon na kahit kalian ay hindi Niya tayo pababayaan.

X.PAGLALAHAD

Ang pagiging magulang ay isang malaking responsibilidad, lalo't higit ang pagiging solong magulang. Tinatawag na single parent ang magulang na mag-isang tinutustusan, pinapalaki at itinataguyod ang kanyang mga anak. Gayunpaman, maaaring magkaiba-iba ang kahulugan ng single parenthood ayon sa mga batas na umiiral sa iba't ibang bansa, subalit ang mga pangkaraniwang kaso ay ang mga magulang na diniborsyo, inabandona ng kanilang kabiyak o di kaya naman ay nabyudo/nabyuda. Nabibilang rin dito ang mga magulang na nag-ampon o dumaan sa prosesong artipisyal na pagpapabinhi. (http://singleparent.about.com)

Maraming suliraning kaakibat ang pagiging solong magulang o single parent. Ayon sa isang pag aaral, ang mga nangungunang hamon para sa kanila ay ang pag- iisa o hindi pagkakaroon ng katuwang sa buhay, lalo't higit kung kasabay ng pagdadalamhati sa kawalan ng kabiyak, pagkakaroon ng mga problemang pinansyal, paglalaan ng sapat na oras upang magampanan ng maayos ang mga tungkulin sa anak, sa trabaho at sa mga gawaing bahay at higit sa lahat, ang pagbuo at pangangalag sa pangalan ng kani-kanilang mga pamilya.

(http://www.parentstoolshop.com/HTML/EffectiveSingleParenting.htm)

Sa artikulong Understanding Family Structures and Dynamics na isinulat ni Michael Meyerhoff, EDD, inilahad ang ilang tips o patnubay sa mga single parents. Una, mahalaga ang pagbibigay ng sapat na atensyon at pagpapakita ng pagmamahal sa mga anak. Ayon sa kanya, maisasagawa ito sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at mga gawain na para sa magulang at anak o ang tinatawag na one-to-one bonding. Napakahalaga ring ugaliing kumain kasama ng anak sa hapagkaina araw-araw. Ito ay magsisilbing oras ng pagkukwentuhan na makatutulong upang mapagtibay ang relasyon ng magulang at anak. Nararapat ding ipaliwanag nang mabuti sa anak ang mga pinansyal na limitasyon at magkaroon ng mga alituntunin sa tahanan upang mahubog ang disiplina ng bata.

Higit sa lahat, dapat maging bukas at matapat sa pagsagot sa mga katanungan ng anak upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at maresolba o maagapan ang mga suliranin sa pagitan ng anak at magulang.

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamics-ga4.htm)

Mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang pagkamulat sa hiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parents kaysa sa mga batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindi mabubuting bunga ay ang pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mga sumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral, pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng maaga, pagkalulong sa droga at alak, pagsali sa gangs, pangangailangan ng tulong ukol sa mga problemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sa hinaharap, pakikipaghiwalay rin sa asawa.

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamics- ga4.htm)

Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki ng solong magulang ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaring magkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa sitwasyon. Ang mga batang naninirahan kasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang karanasan sa mga batang naghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng maayos, nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sa kabila ng mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parent families.

(http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamics-ga4.htm)

Ilang mga batas ang ipinatupad upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng broken families at mahanapan ng solusyon ang mga suliraning naidudulot nito sa mga bata at sa buong komunidad. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga batas na ipinasa ng pamahalaan ng Estados Unidos:

· Marriage Preparation and Preservation Act

· Community-Based Marriage Skills Courses

· 10% use of TANF Surplus Funds

Sa pagdaan ng mga taon, mas napagtibay ng pamahalaan ang pag- iimplementa ng mga karampatang aksyon upang puksain ang lumolobong bilang ng broken families para maitaguyod at maliwanagan ang lahat sa kahalagahan ng pagpapakasal. Ilang halimbawa ay ang mga sumusunod:

· Marriage Savers

· Community Marriage

· Covenants

(http://www.heritage.org/Research/Family/BG1421.cfm)

XI.APENDIKS


broken family, 6

gangs, 7

one-to-one bonding, 6

single parent, 5,6

single parenthood, 5,6


XII.BIBLIOGRAPIYA

www.answers.com/topic/family

http://singleparent.about.com

http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and- dynamics-ga4.htm

http://www.heritage.org/Research/Family/BG1421.cfm

Garrett, D. December 2007; http://www.baby-first-year.net/the-effects-of- single-parenting-on-a-child.htm

Gardner, J. May 2008; http://www.articles3000.com/Parenting/124027/Single- Parenting-And-Effects-On-Children-How Single-Parenting-Can-Impinge-On- Children.html

Unknown Author, Unknown Date; http://family.jrank.org/pages/1577/Single-

Parent-Families-Effects-on-Children.html

Ricciuti, H. Journal of Educational Research, April 2004; vol 97: pp 196-206. News release, Cornell University.

3 comments:

Anonymous said...

tanong ko lang po sino yung original author nito? gagawing related literature po sana para sa thesis namin. thanks

Anonymous said...

kupal

Anonymous said...

haha!

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved