Monday, November 22, 2010

Pamanahunang Papel(Batang Magulang)


Batang Magulang
(BunTeens)


I. PANIMULA
Ang pinakamagandang maaaring ipagkaloob ng Diyos sa mga kababaihan ay ang pagbibigay sa kanila ng munting sanggol. Pinag-uukulan ang sanggol na ito ng sapat na atensyon, pag-aaruga, at binibigyan ng sapat na pagmamahal at nutrisyon. Ngunit sa panahon ngayon, nagiging mapusok na ang mga kabataan at pilit nilang sinusubukan ang kanilang mga limitasyon pagdating sa pakikipagtalik.

Isang malaking suliranin ngayon sa ating lipunan ang maagang pagbubuntis. Ito ay ang pagdadalang tao ng isang babae na kulang pa sa gulang (labintatlo hanggang labinsiyam) o wala pa sa wastong edad upang magbuntis. (Wikipedia, 2008). May mga kabataang edad labinlima hanggang labinsiyam ang madalas na nasasangkot sa suliraning ito at sinasabing sa edad na ito sila pinaka nagiging mausisa.

Maraming dahilan ng maagang pagbubuntis. Isa na rito ang “peer pressure” o ang pag-impluwensiya ng mga taong malapit sa ating paraan ng pamumuhay. Sa ngayon, ang mga kabataan ay laging sumusunod sa uso, at sa paningin ng ibang lalaking kabataan napapatunayan nila ang kanilang pagkalalaki kung sila ay nakipagtalik, na nagbubunga sa pagbubuntis ng isang dalaga. Isa pang dahilan ay ang hindi maayos na paggamit ng contraceptives dahil kulang sa “sex education.” Sinasabi rin na ang mga teenagers na galing sa pamilyang hiwalay na ang magulang ay may mataas na posibilidad at gayun na rin ang pagkukulang na nagdudulot ng maagang magbuntis. (Schultz, 2006). Ang sabi naman ng iba ay dahil wala silang nararamdamang pagmamahal sa kanilang pamilya kaya’t naiisipan na lamang nilang hanapin ang kanilang sarili. Sa kanilang paniniwala, ang batang kanilang ilalabas ay ang makapagbibigay sa kanila ng kaligayahan at pagmamahal. (Butts, 2008)



II. PAGPAPASALAMAT
Nagpapasalamat ako unang una sa aking mga kaibigan na tumulong sa akin kahit na medyo mali mali ang mga impormasyong naibigay nila, pangalawa sa aking mga kaklase dahil sa mga pahayag at mga opninyon nila ukol sa maagang pagbubuntis, sa aking mga magulang salamat sa kanila dahil binigyan nila sa akin ang aking mga pangangailangan upang maisakatuparan ko itong aking proyekto, at sa aming guro na si mrs. Aida t. aspado na walang sawang nagtuturo sa amin. Maraming maraming salamat sa inyong lahat.


III. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa pamanahong papel na ito, layunin ng manunulat na imulat ang mga kabataan sa mga bagay na maaari nilang makaharap kapag sila ay nabuntis sa maagang edad. Pininapakita rin dito ang mga komplikasyon na kanilang maaaring maranasan.

IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Mahalagang mapag-aralan ang maagang pagbubuntis sa murang edad. Upang hindi na dumami pa ang kaso ng mga ito, ngunit hindi ito madaling mapigilan dahil habang tumatagal dumadami pa lalo ang mga batang nabubuntis. Napakahalaga nito upang mamulat ang mga kabataan sa masamang dulot ng maagang pagbubuntis.


V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Mahalagang ito’y matutuhan sapagkat may mga pagkakataon kung kailan nasasama ang usapan tungkol sa maagang pagbubuntis. Bagamat maselan ang mga ganitong bagay, mayroon ka namang kaunting kaalaman tungkol sa masamang dulot ng maagang pagbubuntis kaya kung sakaling may nakapagsabi ng maling impormasyon tungkol sa pakikipagtalik madali mo na ito maitatama.



VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang mga salitang o katagang aking ginamit ay makatotohanan dahil sa panahon ngayon madami ng nangyayari sa mga kabataan na hindi naman dapat mangyari katulad na lamang ng maagang pagbubuntis. Upang mailahad ko ng maayos ang gusto kong maiparating gumamit ako ng mga gumamit din ako ng wikang ingles upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang aking pamanahong papel.


VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAYAN NG
LITERATURA
Sa pamamagitan ng dokumentaryo, balita sa peryodiko at telebisyon, mababatid natin ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Lalung-lalo na ang mga bagay na nagaganap pantungkol sa kalagayan ng mga taong nalululong sa pag-inom ng alak.


VIII. ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUKUNAN NG DATOS
Ang grupo ay nagsaliksik ng mga kaso kaugnay ng maagang pagbubuntis sa pamamagitan ng paggamit ng internet at pagpapanayam ng mga taong nakaranas ng ganitong sitwasyon. Isa sa mga nakapanayam ng grupo ay si Vincent Miguel Monteiro. Nagtapos siya sa mataas ng paaralan bilang valedictorian ng kanilang pangkat at kasalukuyang nasa ikalawang taon niya sa kolehiyo at nag-aaral ng kursong engineering sa Unibersidad ng Pilipinas. Nangyari ang hindi inaasahan ng malaman niyang buntis sa kanya ang kanyang kaibigan noong bakasyon ng 2008 at ngayon ay kanyang pinagsasabay ang kanyang pag-aaral at ang pagiging tatay niya sa kanyang anak.


IX. PAGLALAHAD
A. Mga Kaso Kaugnay ng Maagang Pagbubuntis
Ayon sa mga naunang pag-aaral, isang importanteng dahilan ng maaagang pagbubuntis na dapat pagtuunan ng pansin ay ang “mass media.” (Multiply, 2007). Ayon naman sa “2002 Young Adult Fertility and Sexuality,” isang pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines at Demographic Research and Development Foundation, 26% ng mga kabataang Pilipino na may edad 15-25 ang nagsabing nagkaroon sila ng pre-marital sex habang 38% ng mga kabataan ang nagsabing sila ay nasa live-in arrangement. (http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view/20080614-142572/Teen-pregnancies-in-the-Philippines). May kaugnayan dito, sinasabing 16.5 milyong Pilipino ang kabilang sa mga may edad na labinlima hanggang dalawampu’t apat at 30% sa mga ito ang dumadaan sa suliranin ng maagang pagbubuntis at sa edad na dalawampo 20% na sa mga ito’y mga ina na. (http://www.philippinestoday.net/index.php?module=article& view=1294)

B. Mga Ulat ng mga Kaso ng Maagang Pagbubuntis
Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging “conservative” o mahihinhin kumilos ngunit masasabi ba nating totoo ito kung madami sa ating mga kabataan ngayon ay maagang nakikipagtalik at nagbubunga ito ng mga resultang hindi pa nila lubos na mapanindigan o mapanagutan man lamang?
Ipinapakita sa isang artikulo na may pamagat na “Halt the Hurry” (http://kritiksosyal.blogspot.com/2008/04/teenage-pregnancy-halt-hurry.html) ang isang tipikal na dalagang Pilipina, matalino at konserbatibo. “Ang gusto ko, yung first kiss ko e sa kasal ko na,” batid ni Wilma na malapit na kaibigan ng may akda. Ngunit nang ito ay nagkaroon ng nobyo, hindi niya natupad ang kanyang pinangako sa sarili. Ayon sa nasabing artikulo, ang pagkikipaghalikan ay hindi mapipigilan kung ikaw ay nasa isang relasyon. Pagkaraan ng ilang buwan ng pagsasama nila Wilma at Ace, ang kanyang nobyo, ay nagbunga ang kanilang pagmamahalan at si Wilma ay nabuntis sa edad na labimpito. Nang tanungin siya ng may akda kung ninais niya ba ito, isa lang ang kanyang isinagot sa kanyang kaibigan, “Nabuntis na nga ako hindi ko pa ginusto?”

C. Mga Isyu Kaugnay ng Maagang Pagbubuntis
Maraming pagbabagong nagaganap sa isang buntis na babae. Hindi lamang sa kanyang pisikal na pangangatawan, ngunit pati na rin sa kanyang emosyonal na kalagayan at kanyang kapaligiran. (Philippine Today Online Team, 2008)
Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng maraming pagbabago sa katawan ng babae. Kailangan isaalang-alang ang edad, timbang at taas ng babaeng buntis. Kapag ang babae ay may gulang na labinlima pababa, malaki ang posibilidad na magkaroon sila ng mataas na blood pressure. Gayun din, malaki rin ang posibilidad na maging maliit at payat ang sanggol na kanilang isisilang. (Buban, 2008) Ganito din ang resulta kapag payat ang babae. Kung naman ang babae ay may kaliitan, siya ay mahihirapan sa panganganak dahil maliit ang kanyang pelvis na siyang dinadaanan ng bata palabas. Magdudulot ito ng komplikasyon sa paglabas ng sanggol sa sinapupunan. Gayundin, sila ay maaaring magbuntis sa cesarian seksyon. (Beer, 2003)
Kadalasan ay nagpapalaglag ng sanggol ang mga maagang nabuntis dahil sa ayaw niyang danasin ang mga pagbabagong maaaring maganap sa kanila. Ngunit, hindi lang nila alam na maraming komplikasyon din ang maaring maging resulta ng abortion. Maaring magkaroon ng impeksyon sa loob ng katawan ang babae at ang mga buntis naman na merong STDs o sexually transmitted diseases ay maaaring maipasa ang kanyang sakit sa sanggol sa kanyang sinapupunan. (Beer, 2003)
Bukod sa mga pisikal na pagbabago, may iba pang problema silang mararanasan. Isa na dito ang kanilang relasyon sa mga taong malapit sa kanila. Kadalasan naapektuhan ang kanyang relasyon sa kanyang mga magulang, iba pang kapamilya at mga kaibigan. Una, mawawalan ng tiwala ang mga magulang sa kanilang anak. Mayroon din ibang mga magulang na sa halip na tulungan ang bata ay itatakwil pa nila ang mga ito. May mga kaso na nagiging isang kahihiyan sa parte ng magulang na malaman ng ibang tao na nabuntis o nakabuntis ang kanilang anak. Lalo na kung ang pamilya ay konserbatibo. (http://pregnancyconcerns.info/teenage-pregnancy/knowing-the-emotional-effects-of-teenage-pregnancy/#more-109)
Magbabago rin ang lifestyle ng tinedyer upang mabigyan ng maayos na kalusugan ang batang dinadala niya. Ang pagkain ng hindi masustansya tulad ng fastfoods, paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng droga ay makakapagtaas ng pagkakataon na mapanganib ang bata. (http://www.marchofdimes.com/professionals/14332_1159.asp)
Isa pang maaapektuhan ng teenage pregnancy ay ang edukasyon at mga pangarap ng dalaga, pati na rin ng lalaki. (http://www.womhealth.org.au/studentfactsheets/ teenagepregnancy.htm) Lahat ay nangangarap mabuhay ng matiwasay pagkatapos mag-aral ng kolehiyo, makakuha ng magandang hanapbuhay at magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit dahil sa maagang pagbubuntis, maaaring mawala sa isang iglap ang mga pangarap na ito. Maaring mapatalsik sa eskwelahan ang bata at magsasanhi ng paghinto nito sa pag-aaral. Dahil hindi nakapagtapos, mahihirapan itong makakuha ng trabaho. (Anderson, 2002) Bagkus walang trabaho o maliit lamang ang sweldo, walang gagamitin ang mga ito na kanilang ipambubuhay sa sanggol. Kaya’t may posibilidad na aasa na lamang sila sa kanilang mga magulang. Gayun din, may mga sitwasyon na hindi pa siya matulungan ng kanyang sariling magulang. Mamumuhay ng mahirap ang mag-ina at makadaragdag ito sa bilang ng mga naghihirap sa bansa. (GMANews.TV, 2008)
Mayroon ding epektong pangsikolohikal ang maagang pagbubuntis. Ang ina ang nakadaranas ng pinakamatinding paghihirap. Siya ang nag-iisip ng mga isasagawang plano para sa bata, pagkukunan ng pambili ng pagkain, at pagbuo ng isang pamilya sa maagang edad. Subalit ang mga inang ito ay ang nakararanas ng inisyal o pangunahing saya pagkatapos nilang mailuwal ang kanilang anak. Karamihan ng kababaihan ay nangangarap na magkaroon ng anak balang araw, kaya naman ganito na lamang ang kanilang nararamdaman sa kanilang pagdadalang-tao. Kadalasan nilang itinatanong kung paano nila pakakainin ang bata, paano palalakihin, kung dapat bang iluwal pa ito, at pananagutan ba ng ama ang bata? Sa panahong ito, ang ina ay nangangailangan ng moral na suporta para maiwasan ang mga maling desisyon. Mararanasan din ng mga ina ang matakot sa mga reaksyon ng ibang tao, at ang pisikal na paghihirap na mararanasan nila sa panahon ng pagpapaanak. Kalakip nito ang kanilang pagsisisi. Kadalasa’y nagagalit ang babae sa kanyang sarili o sa ama ng bata. (http://www.aacap.org/cs/root/facts_for_families/when_ children_have_children). Dapat iwasan ito sapagkat ang stress na dinaranas ng ina ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng sanggol sa sinapupunan. (http://optionline.org/ cause-teen-pregnancy.asp)

X. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON
Base sa mga datos na nakalap, napag-alaman ko na maraming salik ang nakakaapekto sa maagang pagbubuntis. Gaya na lang sa kaso ni May, ang nakapanayam ko, nahirapan siya sa nakaranas ng iba’t ibang problema. Ngunit sa kabila ng kanyang sinapit, ang karanasan niyang iyon ang naghulma sa kanyang pagkatao. Naging mas responsable at mas matatag siya. Bukod dito, nalaman ko na sa panahon ng kahirapan o kagipitan, lumalabas ang tunay na ugali ng isang tao. Nalalaman nila na kaya pala nilang lampasan ang pagsubok na iyon. Ganoon din sa kaso ni Vince, naging makahulugan ang karanasan niyang iyon dahil sa murang edad pa lamang ay kinailangan niyang balansehin ang pagiging estudyante at ang pagiging mabuting ama. Hindi madali ang kanyang sitwasyon ngunit sa kabila ng kahirapan, sinisikap niyang mapabuti ang kanyang pag-aaral para na rin sa kinabukasan ng kanyang anak. Bukod kay Vince, si May din ay naging matatag. Lalo na ng sila ay magihiwalay ng kanyang asawa. Pinilit niyang maghanap ng trabaho upang matustusan ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak at dahil dito siya ay mas naging malakas di lamang sa pisikal na katayuan ngunit pati na din sa emosyonal na paraan. Bawat isa sa atin ay natatangi. Iba-iba ang pagtingin at paraan ng paglutas natin sa ating mga problema na hinaharap sa araw-araw.

XI. PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON
Batay sa mga natuklasan ng mga mananaliksik, ang mga sumusunod ay ibinibigay na rekomendasyon: Ang kabataan ay dapat magkaroon ng disiplina sa sarili. Sa tuwing sila ay gigimik kasama ng kanilang barkada, dapat nilang limitahan ang sarili at umiwas sa tukso. Pagkat batay sa pag-aaral ng grupo, kadalasang sanhi ng maagang pagbubuntis ay ang kawalang ng kontrol sa tuwing sila ay nasa impluwensya ng alak. Sunod, kailangan nilang ituon ang kanilang atensyon sa mga mas importanteng bagay katulad ng pagaaral kay sa sa pakikipagtalik. Kaakibat din ng pagiging responsible ng mga kabataan ay ang paggabay ng mga magulang. Kailan bigyang panahon ng mga magulang ang pakikipag-usap o pakikipagkwentuhan sa kanilang mga anak. Ito’y magsisilbing pundasyon ng pagiging matapat sa isa’t isa. Sa pamamagitan nito ay mabibigyang payo ng mga magulang ang kanilang mga anak kaugnay ng mga isyu katulad ng premarital sex. Sa tulong na din nito ay magiging bukas ang mga kabataan sa kanilang mga damdamin at dahil dito masusubaybayan nila ang kanilang mga anak.


XII. BIBLIOGRAPI
Anderson, K. (2008) Broken Homes, Broken Hearts. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://www.leaderu.com/orgs/probe/docs/broken.html

Beer M.H, 2003 The Merck Manual of Medical Information

Buban, C.E (2008)Discouraging Teenage Pregnancy. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view/20080808-153530/Discouraging- teenage-pregnancy

Butts, C. (2008) Root cause of teen pregnancy 'pact' debated. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://www.onenewsnow.com/Culture/Default/.aspx?id=151600

GMANews.TV (2008) RP teenage pregnancy on the rise- World Bank. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://www.gmanews.tv/story/122893/RP-teenage-pregnancy-on-the-rise-- World-Bank

Philippine Today Online Team (2008) Teenage Pregnancy. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://www.philippinestoday.net/index.php?module=article&view=1294

Schultz, G. (2006) Broken Family Structure Leads to Educational Difficulties for Children. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa http://www.lifesitenews.com/ldn/2006/jan/06011605.html

http://en.wikipedia.org/wiki/Teenage_pregnancy

(2007).Mga Dahilan ng Maagang Pagbubuntis. Nakuha noong Nobyembre 29, 2008 sa
(http://binibiningpilipinas.multiply.com/journal/ietm/8)

(http://kritiksosyal.blogspot.com/2008/04/teenage-pregnancy-halt-hurry.html)

(http://www.marchofdimes.com/professionals/14332_1159.asp)

(http://optionline.org/cause-teen-pregnancy.asp)

(http://pregnancyconcerns.info/teenage-pregnancy/knowing-the-emotional-effects-of-teenage- pregnancy/#more-109)

(http://www.aacap.org/cs/root/facts_for_families/when_children_have_children)

(http://www.womhealth.org.au/studentfactsheets/teenagepregnancy.htm)

32 comments:

Anonymous said...

galing... :)

john enrico comia on December 5, 2010 at 8:13 AM said...

SLamat

Anonymous said...

paano maihahabla ang taong nakabuntis sa isang 18 anyos ngunit cla ay pareho halos ng idad

Anonymous said...

perfect!

Anonymous said...

galing ! magkatulad tau ng pamagat

Anonymous said...

ang ganda ng topic mo pre..... \m/

Anonymous said...

....nice

Anonymous said...

salamat pero parang may kapareho kayo sa ibang multiply account??

Anonymous said...

ANG GALING..HANGA AKO

Anonymous said...

akala ko ok..hindi naman pala tama ung mga gramar..peo ok n din

Anonymous said...

nice one . .sana maging inspirasyon to sa mga babaeng maagang nagbubntis . .

jhienny escarmoso said...

thank you !!

Anonymous said...

tnx at binigyan mo ako ng idea..

Anonymous said...

salamat,nakakuha pang project

Anonymous said...

THANK YOU!

Anonymous said...

nice...

Anonymous said...

salamat :)

Anonymous said...

salamat may ipapasa na kami kay de vera :D XD

Anonymous said...

ganda ng topic.

Anonymous said...

isa itosa mga maiinit na isyu ngayon,
kung kaya naman mahalaga itong pag-aralan.

Anonymous said...

enx .. nabigyan mo ako ng idea .. enx again :))

Anonymous said...

nagka ideya kami dahil dito.. salamat..

Anonymous said...

ganda ng paglalahad mu ng isyung ito

Anonymous said...

great!tnx!

Anonymous said...

SALAMAT !! nadagdagan impormasyon ko sa research ! hehe more blessings

Anonymous said...

nice, very inspiring :)
thanks for the infos :))
God bless you ..

Anonymous said...

** SALAMAT !!
GodbLess < :

Anonymous said...

salamat sa info....

Anonymous said...

salamat .. nkatulong ito sa aking proyekto ..

Anonymous said...

gusto ko too

Anonymous said...

Galing Galing mo lang :)

Anonymous said...

nice! astig neto.. ang galing! :D

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved