Tuesday, November 23, 2010

Dula


DULA

Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda.

Tatlong Bahagi ng Dula

Yugto – ang bahaging ito ay ipinanghahati sa dula.

Tanghal – ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan.

Tagpo – ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

Mga Sangkap ng Dula

Simula

Tauhan

Tagpuan

Sulyap sa suliranin


Gitna

Saglit na kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan


Wakas

Kakalasan

Kalutasan


Mga Anyo ng Dula

Iisahing Yugtong Dula o Dula-dulaan – maikli at binubuo lamang ng isang yugto.

Dadalawahing Yugtong Dula – katamtaman lamang ang haba, hindi gaanong maikli, hindi gaanong mahaba, at karaniwang dadalawahing yugto lamang.

Tatatluhing Yugtong Dula – mahaba at binubuo ng tatlong yugto.

Uri ng Dula

Komedya – katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya – kung ang tema nito ay mabigat o nakasasama ng loob kaya nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot.

Melodrama o Soap Opera – Kung ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw.

Tragikomedya – kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli ay nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga
dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.

Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.


18 comments:

Anonymous said...

thanks for the info ..

Predator said...

Thank u for the info....

Anonymous said...

BOKSING TAU AMIN

Sniper said...

Thanks dito Bro.John..Marami kang natutulungan....

Anonymous said...

ano po yung sartira

Anonymous said...

salamaaaaat!

Anonymous said...

tnks...sana may example

Anonymous said...

tnnx.

Anonymous said...

maraming salamat po pero sana po dagdagan pa ho ninyo ng maraming impormasyon salamt.....

Anonymous said...

Thankx,kaxi nhanap ko na ang mga sagot

waffy on November 8, 2011 at 5:33 AM said...

thanks ,sa gumwa nito kasi nagawa ko ung report ko .. :)

Anonymous said...

You helped me a lot. Salamat. :D

Anonymous said...

tnx ...
sna more examples pa ang idag-dag anuh ...
kulangkc ee ...
plz . plz .plz

Anonymous said...

kainis .. nman .. ualah ng ibang halimbawa .
haiii ...
pkidag-dag ..
plz .plz .plz .plz

Anonymous said...

oh baka satira?

Anonymous said...

Teynk Yow xD

Anonymous said...

astig palupitan ng bibig

ryan lester said...

hahaha walaakong alam

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved