1. Ang Anyong Patula
Ang mga anyong patula ay may apat na uri.
Ang mga anyong patula ay may apat na uri. Ito ay mga sumusunod: tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang dula o pantanghalan, at tulang patnigan.
Ang tulang pasalaysay ay naglalarawan ng mga tagpo o pangyayaring mahahalaga sa buhay. Ito ay may tatlong uri – ang epiko, awit at kurido, at balad. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Nauukol ito sa kababalaghan at pagtatagumpay ng pangunahing tauhan laban sa mga panganib at hamong kanyang natatanggap. Ang mga nagsulat nito ay naglayong gamitin ito sa ritwal.
Ang Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) ay isang halimbawa ng epiko. Isinulat ito ni Pedro Bukaneg ng taga-Abra. Ito ay kilala bilang pinakamatandang epikong naitala. Nakasulat ito sa salitang Iloko at tungkol sa mga pambihirang pakikipagsapalaran ni Lam-ang, ang pangunahing tauhan ng epiko. Si Lam-ang daw ay binigyan ng di-pangkaraniwang lakas at pananalita nang ipinanganak. Isa pang halimbawa ng epiko ay ang tungkol sa Ifugao na si Hudhud. Ang epikong ito ay kinakanta tuwing may importanteng mga kasayahan, katulad ng anihan at pagtatanim.
Ang mga paksa sa awit at korido ay tungkol sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhang mga reyna’t hari, prinsesa’t prinsipe. Ang awit ay may 12 ang sukat ng pantig, habang ang korido naman ay may 10 ang sukat. Ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit, at ang mga sumusunod ay halimbawa ng korido: Ang Ibong Adarna, at Buhay na Pinagdaanan ni Donya Mariang Asawa ng Ahas.
Ang balad ay tulang inaawit habang may nagsasayaw. Ginawa ito noong matagal nang panahon. Mayroon itong anim hanggang walong pantig. Isang halimbawa nito ay balitaw. Ang balitaw ay debateng awit at sayaw tungkol sa pagmamahalan ng isang babae at isang lalaki.
Ang tulang paawit o liriko ay mayroon ding iba’t ibang uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Awiting Bayan – ang mga ito ay mula pa sa mga ninuno natin at magpahanggang ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin natin. Pangunahing halimbawa ng awiting bayan ay ang Lupang Hinirang, ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Iba pang halimbawa ay ang Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo at ang Paruparong Bukid.
2. Soneto – ang tulang ito ay tungkol sa damdamin at kaisipan. Ito ay may 14 na taludtod. Dito ay may mapupulot na aral ang mambabasa. Ang halimbawa ng soneto ay ang Sonnet on Worker’s Rights ni Amado M. Yuson na isinalin sa wikang Filipino ni Joey A. Arrogante. Ito ay pinamagatang Soneto sa mga Karapatan ng Mga Manggagawa.
3. Elehiya – ang tulang ito ay patungkol sa kamatayan o sa pagdadalamhati lalo na sa paggunita sa isang sumakabilang-buhay na. Isang halimbawa ng elehiya ay ang isinulat ni Bienvenido A. Ramos na may pamagat na Awit sa Isang Bangkay.
4. Dalit – kilala ito bilang awit sa pagsamba sa mga anito. Ngayon, ito ay awit ng papuri sa Diyos o kaya ay sa Birheng Maria na ina ng Diyos o sa relihiyon.
5. Pastoral – mga tulang tungkol sa buhay sa bukid.
6. Oda – ito ay isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin. Walang tiyak na bilang ang pantig at taludtod.
Ang tulang dula o pantanghalan ay may limang uri. Ito ay ang sumusunod:
1. Komedya – ang layunin nito ay gawing kawili-wili ang panonood sa pamamagitan ng mga ginagawa ng pangunahing tauhan. Ang wakas nito ay masaya. Ang kaguluhan sa bandang simula ay naaayos. Ang pagkakasundo- sundo ng mga tauhan ang nakapagpapasaya sa mga nanonood. Isang halimbawa ng komedya na isinulat ni Juan Crisostomo Soto (o Crissot), na tinaguriang “Ama ng Panitikang Kapampangan” ay ang komedyang Kiki-Riki, isang komedyang nakasulat sa Kapampangan at may isang yugto.
2. Melodrama – ginagamit ang tulang ito sa mga dulang musikal. Isang halimbawa nito ang Sarimanok na isinulat ni Steven Prince “Patrick” C. Fernandez.
3. Trahedya – nauuwi ang dulang ito sa malagim o malungkot na wakas. Isang halimbawa ng trahedya ay Ang Trahedya sa Balay ni Kadil na isinulat ni Don Pagusara.
4. Parsa – ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.
5. Saynete – ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.
Ang tulang patnigan naman ay may tatlong uri. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Karagatan – ginagamit ang tulang ito sa laro, kadalasan tuwing mayroong namatay. Kunwari ay may matandang tutula tungkol sa dahilan ng laro. Tapos ay paiikutin ang isang tabong may tanda. Kapag huminto ang tabo sa pag-ikot, ang matatapatan nito ay tatanungin ng dalaga ng mga salitang matatalinhaga o makahulugan. Ang larong ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan. Ang sinumang binatang makakuha ng singsing ay siya niyang pakakasalan.
2. Duplo – ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya. Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.
3. Balagtasan – ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco “Balagtas” Baltazar. Pinatanyag ito ng “Hari ng Balagtasan” na si Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute).
2. Mga Anyong Patulayan
· Mga Kuwentong-Bayan
Tayong mga Filipino ay madalas na nagtitipun-tipon at karaniwang nauuwi ito sa biruan, awitan, kuwentuhan at paglalaro. Ang kuwentuhan ang pinakakaraniwang nangyayari. Tungkol ito sa kanilang mga buhay-buhay o sa mga namanang salaysay. Ito ngayon ang tinatawag na kuwentong-bayan.
Ang kuwentong-bayan o folktales sa Ingles ay mga pasalitang pagsasalaysayan sa tradisyong patuluyan. Kinukuwento ito sa pamamagitan ng natural na pag-uusap na pasalita na karaniwang nangyayari sa pang-araw-araw na pag-uusap.
Naiiba ito sa patula na kung saan ang pagbigkas ay artipisyal dahil ito’y taludturang may sukat at tugma.
Ang salitang bayan sa kuwentong-bayan ay nagsasaad ng hindi alam kung sino ang taong orihinal na naglahad ng kuwento. Ito’y hindi nasusulat o nakasulat sapagkat ito ay nagpasalin-salin lamang sa bibig ng marami. Walang tanging nagmamay-ari nito kundi ang bayan. Ang mga kuwentong-bayan ay nauuri ayon sa nilalaman at pamamaraan ng pagkakalahad nito. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng kuwentong-bayan.
· Alamat o Mito
Ang alamat ay tumutukoy sa leyenda o legend sa Ingles, na ang ibig sabihin ay isang uri ng kuwentong-bayan na nagsasalaysay tungkol sa pinagsimulan ng mga bagay-bagay. Ito ay mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng simula.
Ito’y karaniwang tungkol sa diyos o diyosa, bathala o mga anito. Kasama na rin dito ang tungkol sa kanilang mga nilalang tulad ng kalikasan, langit, mundo at mga unang tao. Kaugnay na rin dito ang tungkol sa pagsamba ng tao sa maylalang o maykapal (Diyos). May mga pagkakataon ding may mga nilikha na tanging dinadakila o binabayani. Ito’y dahil sa kanilang katapangan, kagitingan kapangyarihan.
Ilan sa mga mito sa ating bansa ay patungkol sa pagsamba tulad nang ang pagkaroon ng mga Bikolano na tinatawag na Gugurang, ang mga Ilokano naman ay may Kabunian, ang mga Bilaan ay may Adwata, at ang mga Tagalog ay may Bathala. Kung tungkol naman sa mga bayani, ang mga Bikolano ay may Handing, isang magiting na bayaning pumatay ng higanteng ahas.
· Ang pabula
Ang pabula ay unang naging tanyag sa Gresya (Greece) dahil sa mga kuwento ni Aesop na taga-Gresya na tinaguriang Aesop’s Fable. Ang pabula ay mga kuwentong-bayan na karaniwang isinasalaysay ng mga magulang sa kanilang mga anak upang sila’y aliwin o pangaralan. Dahil mahihilig ang mga bata sa mga hayop, ang mga tauhan sa kuwento ay pawang mga hayop. Ang mga hayop ay ginagamit upang kumatawan sa mga katangian o pag-uugali ng tao. Halimbawa ang ahas ay inihahalintulad sa isang taong taksil, ang unggoy o matsing sa isang taong tuso, at ang pagong sa taong makupad. Sa mga kalikasan naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae o sa pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong manliligaw at kung anu-ano pa.
Sa ganitong paglalahad, naiiwasan ang makasakit sa damdamin ng tao, sakali mang maynakikinig na maaaring siya ang tinutukoy ng tema. Sabi nga sa isang salawikain: “Bato, bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit”. Sa mga panahong supil ang pamamahayag, ang pabula ang mabisang sandata para maipahayag ang katiwalian at mailantad ito sa mga kinauukulan.
· Ang Parabola
Ang parabola ay karaniwang hango sa Bibliya o Banal na Kasulatan. Sa mga Kristiyano, ang pabula ay mga pagtuturo at pangangaral ni Hesus noong magsimula Siya sa Kanyang misyon sa daigdig. Isang halimbawa ng pabula sa wika Niya ay: “ang tao ay may mga mata ngunit hindi nakakakita, may mga tenga, subalit hindi nakakarinig.” Sa pamamagitan ng kaisipang ito, mamumuni-muni, mauunawaan at makikilala ng isang tao ang kanyang sarili.
Ang parabola, tulad ng pabula ay masimbolo kaya malalim ang kahulugan nito na dapat pag-isipan. Katulad rin sa alamat at pabula, ang parabola ay may mga taglay na aral na nagsisilbing gabay sa ating buhay. Ang anyo nito ay tila kuwentong pambata sa unang tingin dahil payak ang takbo ng banghay at mga karaniwang tao, hayop o mga bagay lamang ang mga tauhan kaya ito ay kagiliw-giliw. Ito’y nababagay sa mga taong may mga sariling isip nang magpasya gaya ng mga magulang at iba pang mga nakatatanda para lalong lumawak ang kanilang pakikitungo sa kanilang sarili, kapwa, lipunan at sa larangang kanilang kinabibilangan.
Mga Kuwentong Kababalaghan
Ito ay isa ring uri ng kuwentong bayan subalit ang kaibahan nito sa mga naunang nabanggit, ito’y sadyang likhang-isip lamang o mula sa makislot na guni-guni ng tagapagsalaysay. Ang kadalasang tema ng kuwentong ito ay tungkol sa mga kababalaghan gaya ng mga maligno, duwende, multo, tikbalang, aswang at iba pa. Kadalasan, walang naniniwala dito at karaniwang pinagkikibitang-balikat lamang ang mga kuwentong ito.
Noong araw, ginagamit na panakot ito ng matatanda sa mga anak nilang matitigas ang ulo. Sa panahon natin ngayong nabago nang lahat ang takbo ng buhay dahil sa pag-unlad ng agham at teknolokiya, ang mga kuwentong ito ay napapakinggan na sa mga programa ng radyo, napapanood sa mga palabas sa telebisyon at pelikula at nababasa na rin sa mga komiks.
Mga Kuwentong Katatawanan
Ang mga kuwentong katatawanan ay maaaring gawa-gawa lamang bilang mga kantiyaw, o kaya’y mga pangyayari sa pang-araw-araw na kapaligiran, na sa halip na takasan ang katotohanan o reyalidad nito, sa mga pabirong paraan ay nakukuhang tanggapin ng maluwag sa buhay.
Mga Palaisipan
Katulad ng bugtong, ang palaisipan ay pahulaang nagpapatalas ng isipan. Ang kaibahan ng palaisipan sa bugtong ay hindi ito nakataludtod, walang sukat o tugma at nakasulat sa anyong pakuwento. Ang mga pananalita ay malaya at ginagamit sa araw araw, at karaniwa’y nagtatapos sa isang tanong.
Ito’y parang isang sanayan ng mga tao noong araw sa larangan ng matematika at lohika. Mapanghamon ito sa sensibilidad at kapasidad ng taong mag-isip. Noong panahong nagdaan, karaniwan sa mga pagtitipun-tipon, inuman, lamayan o pangkatuwaan man, hindi maaaring mawala ito sapagkat ito’y nagsilbing panukat ng talino at pampasigla ng pulso.
· Ang Maikling Kuwento
Ang maikling kuwento ay isang makabagong sangay ng panitikan na sadyang kinakathang masining upang madaling pumasok sa isip at damdamin ng magbabasa ang isang pangyayari sa buhay na inilalarawan sa kuwento.
Mga bahagi at sangkap o elemento ng maikling kuwento
Ang maikling kuwento ay may simula, gitna at katapusan. Sa simula matatagpuan ang tatlong mahahalagang sangkap o elemento: ang tauhan na ipinakikilala ayon sa kaanyuan o papel na gagampanan, halimbawa, ang bida at kontrabida; ang tagpuan na pangyayarihan ng aksyon o insidente na naghahayag ng panahon, halimbawa, kung tag-init, tag-ulan, oras at lugar, at ang sulyap sa suliranin, na magpapahiwatig sa magiging problemang kakaharapin ng pangunahing tauhan o ng tanging tauhan.
Sa gitna, tatlo rin ang sangkap. Ito ay ang sumusunod: ang saglit na kasiglahan, na nagpapakita sa panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa problema; ang tunggalian na tahasan nang nagpapakita ng labanan o pakikibaka ng tanging tauhang inilalahad at ito ay maaaring ang kanyang pakikipagtungali sa sarili, sa kapwa, sa kalikasan; at ang kasukdulan, ang pinakamadulang bahagi ng kuwento kung saan iikot ang kahihinatnan ng tanging tauhan, kung ito ay kasawian o tagumpay. Sa wakas naman matatagpuan ang kakalasan at ang kinatapusang sangkap. Sa kakalasan mababatid ang kamalian o kawastuan ng mga di-inaasahang naganap na pagbubuhol na dapat kalagin. Mababatid naman sa katapusan ang magiging resolusyon ng kuwento at ito’y maaaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo ng pangunahing tauhan. May mga ibang kuwento na hindi na winawakasan at wala ang dalawang huling sangkap nito. Iniiwan na lamang itong bitin sa kasukdulan at hinahayaan na lamang ang magbabasang humatol o magpasya sa dapat na kahinatnan nito. Mapaghamon ang ganitong wakas sa isip ng mga mambabasa. Parang kabilang na rin sila sa mga saksi sa kuwento.
3. Mga Anyong Patuluyan Pa Rin at Mga
Anyong Patanghal
Ang nobela ay isang masining na sangay ng panitikan na naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
Ito’y tinatawag na kathangbuhay sa dahilang katha o likha ito ng manunulat at buhay sapagkat ang mga kasaysayang inilalahad ay mga pangyayaring mamamasdan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao sa mundo. Sa nobela matutunghayan ang iba’t ibang takbo ng buhay ng tao, halimbawa, kung papaano nabaliw ang isang ina dahil sa pagkawala ng kanyang anak, kung papaano, sinuong ang hirap ng buhay sa lunsod ng isang probinsyano para hanapin ang kanyang pinakamamahal, at iba pa.
Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Pero ang mga bahagi, sangkap o elemento ng nobela at maikling kuwento ay magkatulad. Parehong may balangkas ang maikling kuwento at nobela. Dalawa ang maaaring maging balangkas. Ito ay ang linear o kumbensyonal at circular o paikot-ikot.
Ang maikling kuwento o nobela ay may linear o kumbensyonal na balangkas kung ito ay may kaayusang Simula-Gitna-Wakas. Ito ang karaniwang nakagawian ng mga Filipinong manunulat. Sa balangkas na ito, kapag nabasa mo na ang simula, ang wakas ay kadalasa’y madali nang mahulaan.
Circular naman o paikut-ikot ang balangkas ng isang kuwento o nobela kung napag-iiba-iba ang kaayusan ng mga bahagi nito. Halimbawa, Gitna-Simula-Wakas o kaya’y Wakas-Simula-Gitna, o iba pang ayos. Sa kaayusang ito, kung hindi gaano bihasa ang mambabasa, malilito siya sapagkat hindi niya malaman kung saan ang umpisa at dulo ng pangyayari.
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang mga sumusunod:
A. Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan.
B. Pagsaalang-alang ang kailangan na kaasalan.
C. Dapat ay kawili-wili at pumupukaw ito ng damdamin.
D. Pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay, sa mga aspekto ng lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon.
E. Malikhain ito’t dapat maging maguniguning inilalahad.
F. Tumutukoy sa iisang ibig mangyari ang balangkas ng mga pangyayari.
Mga Uri ng Nobela
Ang mga uri ng nobela ay tulad din sa mga uri ng maikling kuwento. Ito ay ang sumusunod: nobela ng tauhan, nobelang makabanghay, nobelang maromansa, nobelang historikal, nobelang malayunin, at nobelang masining.
Sa nobela ng tauhan, binibigyang-diin ang mga pangangailangan, kalagayan, at hangarin ng mga tauhan.
Sa nobelang makabanghay, ang nangingibabaw ay ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari o ang porma ng pagkakalahad ng kuwento.
Historikal o makasaysayan naman ang nobela kung ang layunin ng may-akda bukod sa pag-uulat ng mahahalagang pangyayaring may kinalaman sa kasaysayan, ito’y mapanuro ng kabutihang pambansa.
Masining ang nobela kung mahusay ang pagkakahanay ng mga pangyayari, buo ang pagkakalarawan sa mga pagkatao ng mga tauhan na karaniwang umaantig sa damdamin at kumikintal sa isipan ng mga mambabasa. Magagaling ang mga nobelang nabibilang sa uring ito sapagkat hindi lamang ang paksa ang binibigyang-tangi, gayundin ang kawalang-hanggan nito.
Malayunin ang nobela kung ang pinakamimithing layunin o simulain ng nobelista ang pinahahalagahan o pinangingibabaw sa kuwento o sa tauhan. Ang mga layuning ito ay higit sa buhay na kinalalagyan o sa bansang kinamumulatan.
Ang sanaysay
Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng aral at aliw ng mga mambabasa. Kasama sa mga paksang naisusulat sa sanaysay ang mga panlasa at hilig, reaksiyon at palagay, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat may akda.
Sa uring ito ng panitikan, mabibilang ang mga sulating pampahayagan (artikulo, natatanging pilak o lathalain, tudling); ang mga akdang pandalub-aral (tesis, disertasyon, diskurso o talumpati); at gayun din ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang pananaliksik.
May dalawang uri ang sanaysay: pormal at pamilyar o personal.
Ang sanaysay ay nasa uring pormal kung ito ay maimpormasyon. Ito ay naghahatid o nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungkol sa ikalilinaw ng paksang tinatalakay. Ang mga salitang ginagamit ay pinipili kaya mabigat basahin. Mapitagan ang tono dahil sa bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tema nito ay seryoso, maintelektuwal at walang halong pagbibiro.
Ang sanaysay ay nasa pamilyar o personal na anyo kung ito ay mapang-aliw – nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw- araw at personal. Ididiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan at mga isyung bukod sa kababakasan ng personalidad ng may-akda ay maaaring kasangkutan ng mambabasang madla. Ang pananalita ay magaan, madaling maintindihan, nahahaluan pa minsan ng kolokyal. Ang tono ng pananalita ay parang kaibigan lamang at ito’y ginagamitan ng unang panauhan. Subhektibo rin ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda ang pananaw.
May nga katangiang dapat taglay ng isang manananaysay. Ito ay ang mga sumusunod:
1.may mabilis na utak
2.sensitibo sa kapaligiran
3.may laging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at ng mga bagay-bagay
4.may kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas lamang
5.malikhain at orihinal sa isip at damdamin
6.may mapiling panlasa
7.may kalugurang mapagkakatiwalaan
8.may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan
9.pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining
Patanghal
Para sa iyong kaalaman, pakinggan sa tape ang isang halimbawa ng sanaysay. Ito ay bahagi ng talupati ni Debbie Valencia, isang kasapi ng Women’s Committee of Migrants’ Forum of the European Union, na binigkas niya noong Marso 1998 sa Barcelona, Espanya bilang pagkilala sa Araw ng mga Kababaihan.
Naunawaan ba ninyo ang talumpati na inyong napakinggan? Kung ganoon, mabuti.
Mga Anyong Patanghal
Sa panahon natin ngayon ay mga anyong patanghal ay sadya nang nililikha at pinagsasanayan muna bago itanghal sa mga lehitomong dulaan o treatro o tanghalan. Maaari itong itanghal na patula ang diyalogo subalit upang maging katotohanan ang panggagaya sa buhay, karaniwan nang naging anyong patuluyan ang diyalogo. Ito ay para maging tapat sa pang-araw-araw na pamilyar o pormal ang usapan sa loob ng sitwasyon. Maaari ring lagyan ang mga bahagi nito ng awitan at sayawan tulad ng sarsuwela, o kaya nama’y maaari pa ring ipantomina gaya ng mga pagtatanghal na isinasagawa ng PETA (Philippine Educational Theater Association).
MGA DAPAT TANDAAN
♦ Ang nobela ay panitikang anyong patuluyan na naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
♦ Ang nobela at maikling kuwento ay magkapareho, nagkaiba lamang sa dami ng pangyayaring nilalahad. Sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad, samantalang sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad.
♦ Ang sanaysay ay isang uri ng panitikang patuluyan na pumapaksa sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang pakapulutan ng aral at aliw ng mambabasa. Kasama sa sanaysay ang mga sulating pahayagan, artikulo, natatanging pilak o lathalain, tesis, disertasyon, talumpati, mapanuring pampanitikan, at akdang pananaliksik.
♦ Ang sanaysay ay maaaring pormal at pamilyar o personal.
♦ Ang anyong pormal ay maimpormasyon, ang salitang ginagamit ay pinipili, ang modo ay seryoso, maintelektuwal at walang halong biro.
♦ Ang anyong personal o pamilyar ay mapang-aliw at nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksaing karaniwan, pang-araw-araw at personal. Ang pananalita ay magaan, madaling maintindihan at parang kaibigan lamang sapagkat ginagamitan ng unang panauhan.
♦ Ang anyong patanghal ay maaaring nasa anyong patula o patuluyan ang mga diyalogo. Ang panitikan sa patanghal na kaanyuan ay hindi naging ganap hangga’t hindi ipinapalabas o isinasagawa sa tanghalan o dulaan.
124 comments:
there are many kinds of panitikan and thats all you got
WOW
advice:dont make a blog when its incomplete
THANK YOU
thank you so much!!!!! god bless you!!!!!
Love it! Thanks!
wow,,ang gling po,, ehehe,, slmat po,, =)
thanks for the big help...everything is found on this page...excellent one...
thAnk you!!! but it is better for the site to put the meaning of the "panitikan" ,,, but overall it so helpful!!!
This is the best website!, Thank You po! Kumpletong Kumpleto :) God Bless You po!
thank u so much for the info...you are really a big help...
God Bless! =)
kamsa hamnida !!
THANKS POH....!!!
GODBLESS ..!!!
hehe... ty po sa answer.." sana wq mali.."!!
i rili like this site!!it helps me a lot! thankz poh..'godbless
b23k
ty po huh...malaki tulong to sa assignment ko...hehehe
this site is good . malaking tulong sa min'g mga students :)
Thanks! Your blog has been very helpful to me. :).
a great help to me ;) tnx .
thanks
kulang po ata pero okei lng po beg help po ito . . . . .
-Arcel consolacion
It's so he;pfull for my assignment ...thank you so much....
thnk's!.....you've help me in my assignment! thank u so much.........
i like it but i was not so impreesed...but itts a good work keep it up..;0
wow... i like this. it helps students like me...
thanks a lot... ^-^
Where can I find the whole poem of "Sonnet Worker's Right" by Amado Yuson? and also the Filipino translation of that?
Thanks a lot!
something's missing but the blog is good.
grabe tis save my life thank you po :)
magulo! ok narin
magandang maganda para sa research pero meron pa rin wala this blog about philippine lit. deserves a thanks!!! paayos lng:)
i love this page..
maganda pero i think kulang...but ayos na sya ... itz a big help 4 everyone..
haiy...sobrang salamat..niligtas niyo ako sa report namin!!!
kulang ng tulang batutian sa uri ng tulang patnigan!
THANKS FOR THIS BLOG.. IT HELPS ME A LOT...
AND FOR THE BLOGGER THAT BLOG THIS YOU ARE SO AWESOME.. THANKS, THANKS.......... :D
super thank you for this site. it will help us in our study.
god bless
more power^_^
from: phaully_sarte
thank's po ....... nkatulong po ng malaki sa akn 2.......
ewan ko sa inyo
wala namang moro-moro, zarsuela at pasyon
ehh mga bobo kc
putang inah pa yung tunog kasora mga gago
thanks a lot..ganda, my background music pa...a big help tlaga...TCGB..:)
wow!this is the one i'm looking for! :)) tnx
learn to appreciate guys...
thanks for the info...c:
wheew great.. thank you so much
fuck you! sa lahat ng nagcomment di totoo kulang-kulang kaya.
Hahahaha
hELLO GUYS
SALAMAT!
though kulang sya helpful pa rin.atleast meron syang na i.share..ryt?
matagal mgbgay at sana my larawan ng bawat kabanta sa pinaglahuan
wlang ka effort effort hahaha XD :D
daldal mo
OK AMAN EE..ACTUALLY LAKING TULONG AMAN PO SA LAHAT.. LEARN HOW TO APPRECIATE ..ATLEAST NA SHARE NLA UNG KNOWLEDGE NILA..THANKS PO D2..NKATULONG PO SAKIN.
this was a very nice blog cause it has a complete details or an iinformation about panitikan
Thankyou sa post mo about panitikan, Such a big help in here! HAHAHA. =))) Thanks again! (:
Thankyou sa post mo about panitikan, Such a big help in here! HAHAHA. =))) Thanks again! (:
klng nman po ehh .... pro tnx prin po .. lking Help 2 sana tama .. xS
Kala mo naman kung alam mo! Feelers!
YEAH THIS IS SUCH A BIG HELP ...........THANKS FOR THIS INFORMATION........
JUST APPRECIATE THE INFORMATION....IDEAS IT HAS BECAUSE EVEN THOUGH IT'S TO LONG,....IT GIVES MORE KNOWLEDGE AND INFORMATION THAT WE DON'T KNOW......THIS IS SUCH A BIG HELP TO EVERYONE OF US......THANK YOU....
NAKATULONG NG MALAKI ! SALAMAT ! ^^,
anu pinagkaiba ng uri sa amyo ???
grabe kung maka comment ang iba ah, akala mo naman kung gano katalino at alam lahat ng tungkol sa panitika. kulang nga, eh, ano naman ngayon? malaking tulong naman ah, appreciate nyo namn ang gawa nila, at least shi-nare nila ang knowledge nila
ang haba nmn nito hnd bah pde paiksiin to ??
ung mga examples lang kc ung hinahanap ko ee ..
kumpleto sa rekado
it is so complete and it is a big help for my assignments....i have to thank a lot for this info..hope you'll do more a lot about filipino subject.
thank you sa information grabe dami pala......xD
thank you sa info pero kala ko dalawa lang un ....
haha ..
ou nga !! TANGA !
BAHALA KA !! BUHAY MU YAN E .
Y ITS SO MAGULO?? PERO OK NARIN..IT HELPED ME NAMAN..THANK U..
totoo naman ahh..super kulang kaya!..taz..ang gulo pa..
utang na loob, learn how to appreciate, kapatid. humble yourself pakiusap. it may not be complete, you may not find everything in here pero kahit papaano, admit it, may natutunan ka at nakuhang information dito. I tried searching from other sites and for me this is the best. So thank you for the one who posted this blog. salamat sa pagmamalasakit sa mga taong kagaya naming aminadong kulang parin sa kaalaman :)
kulang tama ka >.<
if you got nothing nice to say, just close your mouth. Just thank the author for his/her effort to do such long blog. And please it does help me with my home work. If you got something more to add, then add it rather than saying such nonsense. :)
ANON na nagsasabing Kulang -- > Nag- Anon ka pa. duwag. eh di lumayas ka kung kulang. takte. tanga lang?
I agree! We must appreciate his/her effort , instead of giving such stupid comments. You know what? The author made this blog to help other people, even though its not enough or its incomplete.If these blog doesn't satisfy YOU, or like what you said " SUPER KULANG AT ANG GULO PA " then find another blog that is Complete ! or If You're too SMART then Make your own blog which is you think COMPLETE AND ORGANIZE. Atleast the author is trying his/her best to help, while you on the other hand pulling her/his down.
ADVICE : YOU BETTER SHUT YOUR MOUTH ,BECAUSE YOUR NOT EVEN HELPING. YOU KNOW!
ty for this
weak
LoLo mo .. Wag ka magjoke ..
WALA KA PAKEELAM
tnx sa info.about panitikan.it's a big help 4 students...
Thanks Po! It really helped me a lot! <3
bakit wala yung uri ng maikling kwento,,?sub topic nman un sa maikling kwento..
thanks .. it helps me
thanks a lot
SALAMAT SA NAG BOLG NITO.. ANG LAI NG TULONG SA AKIN.
hahaha ikaw kaya gumawa ng blog para makuntento ka.
MGA KATANGAHAN NG HINDI MARUNONG UMAPPRECIATE, WAG PAIRALIN.
Ang faaaail. =)))))))))))))))
Hindi naman kaya PARABOLA, parabula kaya. Grabe naman, be aware din po sa spelling. Anyy, asaan yun iba pa? Epiko? Talumpati? Kelangan kasi sa Mastery Test namen ehhh. -____- =))
fffffffuuuuccckk
failure.
Grabe naman po, --camillepedracio.
Hi. Nice po yun. :)) Thanks so much po. Pa-add po ahh. :D
hnd nyo nman po kelangang magsbi ng mga masasamang bagay sa iba,... kung hnd man ito naktulong sa inyo,, hnd nyo na kinakailangang pang magcomment ng mga bagay-bagay na hnd maganda... irespeto rin natin ang mga pinaghirapan ng iba para lng makatulong... at sa gumawa po nito,, maraming salamat po!!!! big help pa rin po kht may kaunting kulang!!! tnx po ng marami!!!
please naman .. try nyo kayang mag appreciate instead na kung ano-anong sinasabi nyo.. eh kayo ba?? ano ba nagawa ninyo para makatulong?? kaya nga nagpapasalamat ako sa kun sino man ang gumawa ng blog na ito...laking tulong talaga to...
sino ba yang laging contra ng contra?? kung makareact ka jan [para kang ung sinong hindi marunong masaktan ahh??!
ok naman sya ahh. kayo ang mga tanga. SIGE. KAYO NA ANG MAGALING. kayo nah. da best kayo. kung mga tao kayo alam nyong pahalagahan ang mga ginagawa ng isang tao. nakakatulong namn sya ehh kahit papaano. at saka kung may kulang eh di dagdagan nyo. at kung may mali namn eh di icheck nyo ng maayos hindi yung pagsasalitaan nyo ng kung ano ano isipin nyo rin naman na tao sya may damdamin rin. NASASAKTAN. kya kung ako sa inyo mag apologize kayo sa kanya.
Salamat sa impormasyon. . .Malaki ang naitulong skin nito...
muka mo
makapag demand, maghanap ka sa ibang site.
Thanks
Ang gulo dre
may kulang
thank you so much! this really help! God bless!
thank you, as a third year highschool, it's such a big help although nakakalito siya ng onti, anyway thanks!
akala ko apat na uri bat tatlo lang?
Ang Gulo Ampp*ta
Di Malaman Kung Anu Talga Ung Tama Hayss
Sa Iba Ndi Naman Ganito HIrap PAGKUMPARA KUNG
SAAN UNG TAMA XD
muka nyo. gusto kong malaman ung uri ng panitikan nang kwentong si nana sendang! ano nga ba???
anyo nang panitikan at mga uri nito yung iba 2 anyo eto apat.anu ba talaga??????super gulo lahat na ata nang sight na halug hog ko na di parin tumatama ang guloooooooooo
http://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas parang kaparehas dun sa AYON SA ANYO?????
sa na wlang mali dito sa bawat letra panitikan ha
THANK YOU!!!!!!
thank you! but you still improve this by organizing it very well, para din hindi nakakatanggap ng mga bastos na comments :) Godbless you!
agree po ako sa cnabi na dapat sana wag na makialam kac d po kau gumawa
echoesssssssss
kung mareklamo kayo!!!! punta nlng kayo sa WIKIDEPIA.
wikipedia ? haha kw kaya lht ng sagot don edit .. hehe
Naku! TUMAHIMIK NGA KAU AT MAG COPYPASTE Na Lng! Daming SATSAT! ^_^
thanks talaga! it helped me a LOT
T.Y
thank you sa info !!:)
madali lang naman yan eh, gumawa ka kaya sarili mo diba! nahiya ka pa eh
Thank you so much. :)
Helped a lot.
hayaan nalang ung mga taong walang masabi na matino
Thank You and I have a nifty give: Where To Buy Houses For Renovation house repair near me
Post a Comment