Friday, November 7, 2014

Suring Basa: IWASAN MO!


1. Pagkilala Sa May  Akda
Sagot:
          Jay Procarpio- ang sumulat ng akda na pinamagatang “Iwasan mo!”
                                  
2. Uri ng Panitikan
         Pagtukoy sa mga anyo ng panitikan sinulat sa himig o damdaming taglay nito.
Sagot:
           Sanaysay- ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang nag lalaman ng personal na opinyon nang may akda.

3.Layunin ng Akda
          Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit/sinulat/layunin ba nitong magpakilos o manghikayat,magprotesta at iba pa.
Sagot:
          Layunin nitong mag bigay aliw sa mga mambabasa.

4.Tema o Paksa ng Akda
         Ito ba ay makabuluhan,napapanahon,makatotohanan, at mag-aangat  o tutugon sa sinseridad ng mambabasa.
Sagot:
          Ayon sa akda, ito ay makatotohanan at napapanahon.

5.Mga Tauhan/Karakter sa Akda
          Ang mga karakter ba ay anyo ng mga taong likhang lipunang ginagalawan,mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nabubuhay o namamatay.
Sagot:
          Mga Kabataan na nalulong sa Bisyo.

6.Tagpuan/Panahon
          Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan,kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at lipunan.
Sagot:
          Sa Waiting Area ng mga Kabataan.

7. Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
          Isa bang gasgas na pangyayari ang nilalahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Dating binuo ang balangkas ng may akda?
          May kaisahan ba ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari simula sa simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
Sagot:
          Punong puno ng magagandang aral ang akda na dapat tumugon sa mga mambabasa.


8.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda
         Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral ,tinatanggap at pinatutunayan ang mga tiyak na sitwasyon o karanasan . Maaari ring ang mga kaisipang ito ay saling atin,pabulaanan,mabago o palitan. Ito ang mga makatotohanang unibersal likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan , sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay , mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na batayan sa paglahad ng pangyayari.
Sagot:
Nais ng akda na mapagbago ang mga mambabasa.
         
9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
       Epektibo ba ang paraan ng mga gamit ng mga salita . Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkabuo ng akda.Maylaya ba ang istilo ng pagkasulat sa nilalaman ng akda ? Ito ba ay may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda.
Sagot:
          Kapani-paniwala ang mga nabanggit sa akda.

10.Buod
          Hindi kailangang isulat ng mahaba ang istorya ng akda ang pagbanggit ng mahalagang detalye ang bigyang tuon.

          Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa iyong sistema at ito’y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular na pangangailangan upang makagawa ng pang-araw-araw na gawain. Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay. Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga’t naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa pag-inom ng alcohol. Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang madaragdagan kung patuloy kang iinom ng alak. Ngunit kahit hindi man maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay ngayon at sa darating pang panahon. 





Credits to: Kate Joreen Camandang



 Subscribe in a reader

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved