Friday, November 7, 2014

Suring Basa:NINGNING AT LIWANAG




1: Pagkilala Sa May  Akda
Sagot:
          Emilio Jacinto- ang sumulat ng sanaysay na pinamagatang “Ningning at Liwanag.
                                   
2. Uri ng Panitikan
         Pagtukoy sa mga anyo ng panitikan sinulat sa himig o damdaming taglay nito.
Sagot:
          Sanaysay- ito ay isang maiksing komposisyon na kalimitang nag lalaman ng personal na opinyon nang may akda.

3.Layunin ng Akda
          Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit/sinulat/layunin ba nitong magpakilos o manghikayat,magprotesta at iba pa.
Sagot:
           Layunin nitong mag bigay aliw sa mga mambabasa.

4.Tema ng Paksa ng Akda
         Ito ba ay makabuluhan,napapanahon,makatotohanan, at mag-aangat  o tutugon sa sinseridad ng mambabasa.
Sagot:
          Ayon sa akda, ito ay makatotohanan at mag papasaya sa mga mambabasa.

5.Mga Tauhan/Karakter sa Akda
          Ang mga karakter ba ay anyo ng mga taong likhang lipunang ginagalawan,mga taong di pa nililikha sa panahong kinabibilangan o mga taong nilikha,nabubuhay o namamatay.
Sagot:
          Mga tao at Anak ng Bayan.

6.Tagpuan/Panahon
          Binibigyang pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan,kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal ng kanyang kaugnayan sa kapwa at lipunan.
Sagot:
          Sa ating sariling Bayan.

7. Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari
          Isa bang gasgas na pangyayari ang nilalahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo o pananaw? Dating binuo ang balangkas ng may akda?
          May kaisahan ba ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakalapit ng mga pangyayari simula sa simula hanggang wakas? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
Sagot:
          Punong puno ng magagandang aral ang akda na dapat tumugon sa mga mambabasa.
         
8.Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda
         Ang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral ,tinatanggap at pinatutunayan ang mga tiyak na sitwasyon o karanasan . Maaari ring ang mga kaisipang ito ay saling atin,pabulaanan,mabago o palitan. Ito ang mga makatotohanang unibersal likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan , sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay , mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginagamit na batayan sa paglahad ng pangyayari.
Sagot:
           Nais ng may akda na imulat tayo sa katotohanan at hindi sa kasinungalingan.

9.Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
       Epektibo ba ang paraan ng mga gamit ng mga salita . Angkop ba ang antas ng pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkabuo ng akda.Maylaya ba ang istilo ng pagkasulat sa nilalaman ng akda ? Ito ba ay may kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda.
Sagot:
          Kapani-paniwala ang mga nabanggit sa akda.

10.Buod
          Hindi kailangang isulat ng mahaba ang istorya ng akda ang pagbanggit ng mahalagang detalye ang bigyang tuon.

Ang ningning ay nakasisiLaw sa paningin. Ang Liwanag ay kinakaiLangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot. Ang ningning ay madaya. Ating hanapin ang Liwanag, tayo'y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang kaugaLian: Nagdaraan ang isang karwaheng maningning na hinihiLa ng kabayong matuLin. Tayo'y nagpupugay at ang isasaLoob ay mahaL na tao ang nakalulan. Datapwa'y marahiL naman ay isang magnanakaw; marahiL sa iLaLim ng kanyang ipinatatanghaL na kamahaLan at mga hiyas na tinatagLay ay natatago ang isang pusong sukaban. Nagdaraan ang isang maraLita na nagkakanghirap sa pinapasan. Tayo'y mapapangiti at isasaLoob: Saan kaya ninakaw? Datapwa'y maLiwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan sa siya'y nabubuhay sa sipag at kapagaLang tunay. Ay! Sa ating pang-uga-ugaLi ay Lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwiL sa Liwanag. Ito na nga ang dahiLang isa pa na kung kaya ang tao at ang mga bayan ay namumuhay sa hinagpis at daLita. Ito na nga ang dahiLan na kung kaya ang mga Loob na inaakay ng kapaLaLuan at ng kasakiman ay nagpupumiLit na Lumitaw na maningning, LaLung-LaLo na nga ang mga hari at mga Pinuno na pinagkatiwaLaan ng sa ikagiginhawa ng kaniLang mga kampon, at waLang ibang nasa kundi ang mamaLagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng Bayan na nagbigay sa kaniLa ng kapangyarihang ito. Tayo'y mapagsampaLataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbaLatkayo ng maningning. Ay! Kung ang ating dinuduLugan at hinahainan ng puspos na gaLang ay ang maLiwanag at magandang-asaL at matapat na Loob, ang kahit sino ay waLang mapagningning pagkat di natin pahahaLagahan, at ang mga isip at akaLang ano pa man ay hindi hihiwaLay sa maLiwanag na banaL na Landas ng katwiran. Ang kaLiLuhan at ang katampaLasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmaLas ng mga matang tumatanghaL ang kaniLang kapangitan; ngunit ang kagaLingan at ang pag-ibig na daLisay ay hubad, mahinhin, at maLiwanag na napatatanaw sa paningin. MapaLad ang araw ng Liwanag! Ay! Ang anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kayang kumuha ng haLimbawa at Lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan?



Credits to: Kate Joreen Camandang




 Subscribe in a reader

2 comments:

Unknown on August 3, 2019 at 3:28 AM said...

malaking tulong po salamat

Unknown on October 9, 2019 at 8:32 AM said...

parehas lang naman yung buod sa mismong kwento

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved