I. Pagkilala
sa may Akda
- Lualhati
Bautista
Isa siyang bantog na babaeng manunulat. Ipinanganak
siya noong ika- 2 ng Disyembre 1945 sa Tondo sa Maynila. Marami na siyang
natanggap na parangal dahil sa kanyang mga panulat.
II. Uri ng
Panitikan
- Maikling
Kwento ay isang uri o anyo ng panitikan na nagsasalaysay ng isang totoong
pangyayari sa tunay na buhay.
III. Layunin
ng May – Akda
- Layunin
ng may akda na hikayatin ang mga mambabasa na unawain at buksan ang pananaw ng
mga ito.
IV. Tema
o Paksa ng May – Akda
- Ang
pagsunod ng isang relihiyosong lalaki sa kanyang Diyos na isang babae upang
mabuhay na muli.
V. Tauhan
o Karakter sa Akda
- Relihiyosong
lalaki
- Kannon
Sama – Diyosa ng awa
- Mga
pamilya at kaanak ng lalaki
- Mga
oni o demonyo
- Ang
pastol
- Ang
butihing pari
- Ang
senyor
- Ang
prinsesa
VI. Tagpuan o
Panahon
- Noong
unang panahon sa Rokkaku-do sa Kyoto.
- Bisperas
ng bagong taon sa Modoribashi (isang tulay na daang pauwi sa bahay ng lalaki)
- Sa
palasyo at sa bahay ng lalaki
VII. Nilalaman
o Balangkas ng mga Pangyayari
- Maayos
at kawili-wili ang ang nagging takbo ng kwento. Nakakadala at nakakapanabik ang
bawat eksena.
VIII. Mga
Kaisipan o Ideyang Taglay ng May-Akda
- Ang
kahalagahan ng pananampalataya at paniniwala sa Diyos ng isang tao.
IX.
Istilo ng Pagkakasulat ng Akda
- Epektibo
ang pagkakagamit ng mga salita, kahit na gumamit sila ng mga matatalinhagang
salita upang tumugon at mas maunawaan ng mga mambabasa.
X. Buod
- Isang
relihiyosong lalaki ang naninirahan sa Kyoto, madalas siyang pumupunta sa Rokkaku-do
o dambanang heksagonal at bumibisita kay Kannon – sama ang diyosa ng awa
upang mag-alay ng taimtim na panalangin. Bisperas ng bagong taon noon at
naglalakad pauwi ang lalaki mula sa bahay ng isang kaibigan. Nang siya’y
papatawid na sa Modoribashi ay nakarinig siya ng mga yabag ng tao na inakala
niyang isang grupo ng opisyales kaya agad-agad siyang nagtago sa ilalim ng
tulay. Sa pagtataka niya kung sino ang mga taong iyon ay bahagya siyang sumilip
at nagulat sa kanyang nakita. Mga oni o demonyo pala ang naroroon at siya’y
nakita at naging bilanggo ng mga ito. Sinabi ng isa sa mga oni na hindi siya
maaaring kainin kaya’t pinagduduraan na lamang siya ng mga ito at saka
iniwanan. Nagmadali siyang umuwi sa kanilang bahay ngunit tila hindi siya
nakikita ni naririnig ng kanyang pamilya at kaanak. Dumaan ang bagong taon na
nagmistulang araw ng trahedya para sa kanyang mga kaanak dahil sa kanyang
pagkawala. Agad – agad siyang pumunta sa dambana ni Kannon – Sama upang humingi
ng tulong. Sa kanyang pananampalataya ay hindi niya sinasadyang makatulog. Sa
kanyang panaginip ay nakatagpo siya ng isang budistang pari at sinabi sa
kanyang umalis siya ng dambana bukas ng umaga at sundin ang sasabihin ng kauna
– unahang taong kanyang makakasalubong. Nang siya’y magising ay
maliwanag na kaya agad niyang nilisan ang dambana. Sa kanyang paglalakad ay
nakasalubong siya ng isang pastol at naisip niyang iyon na marahil ang
isinasaad ng budistang pari sa kanyang panaginip. Sumunod siya sa pastol at
pumunta sila sa isang palasyo kung saan mayroong isang matanda ngunit may sakit
na prinsesa ang tila malapit nang malagutan ng hininga. Sinabi
ng pastol na pukpukin niya ng martilyong kahoy ang ulo ng prinsesa,
at sa bawat pag pukpok niya ay namimilipit naman sa sakit ang prinsesa.
Nabahala ang mga kaanak ng prinsesa kaya nagpatawag ito ng budistang pari.
Naghanda ng isang ritwal ang pari at ito’y kumanta upang itaboy ang mga
masasamang espiritu. Habang nakikinig ang lalaking relihiyoso ay nabigla siya
sa biglang pag – apoy ng kanyang suot na kimono kaya nagpagulong gulong siya sa
sahig. Di naglaon ay namatay na ang apoy at lumabas ang kanyang kabuuan kasabay
ng paggaling ng prinsesa. Himala na ituring ng mga taga – palasyo kaya’t
nagpasalamat ang mga ito sa lalaki. Umuwi naman ito sa kanilang bahay at di
matumbasang tuwa ang naramdaman ng kanyang mga kaanak nang siya’y makita. Sa
kabilang banda ang pastol naman na tumulong sa lalaki ay nagsilbing misteryo sa
mga tao hanggang ngayon ngunit pinaniniwalaang isa rin siyang kaluluwa.
Credits to: Jennifer Bayani
Subscribe in a reader
0 comments:
Post a Comment