Friday, November 7, 2014

Suring Basa: Ang Pag-galang ng mga Pilipino




I. Pagkilala sa may akda:
           Si William Nucasa ang sumulat ng sanysay na ito.
               
II.Uri ng Panitikan:
         Sanaysay   ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda
  
III.Layunin ng may akda:
Magbigay ng napakagandang aral.

IV.Tema o Paksa ng may akda:
Ito ay makatotohanan
            
V. Tauhan/ Karakter sa Akda : 
Ang mga Pilipino.

VI.Tagpuan o Panahon:
Sa tirahan ng mga Pilipino
        
VII.Nilalaman/ Balangkas ng mga pangyayari:
Ito ay punong puno ng magagandang aral.
        

VIII. Mga Kaisipan/ Ideyang taglay ng may akda:
Nais ng may akda na imulat sa mga mambabasa ang tunay na kahulugan ng paggalang ng mga Pilipino.

IX. Istilo ng pagkakasulat ng akda:
Ang mga pangyayari ay naglalahad ng mga totoong pangyayari.

X. Buod: 
          Ang paghalik ng kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na hanggang ngayon ay ginagawa parin ng ilang mga Pilipino. Humahalik sila ng kamay pagkatapos ng pagdarasal gayon din bago matulog sa gabi para mabigyan naman ng bendisyon. Bukod diyan ay mayroon pang ibang pagkakataon na ang mga bata ay humahalik ng kamay sa mga matatanda tulad ng pag-alis o pagdating buhat sa malayong pook, matapos makapagsimba, o makapaglakad at makapamasyal sa gabi. May malaking kahulugan napapaloob sa ugaling ito. Sa pamamagitan daw ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ang isang anak. Iginagalang nila ang karapatan ng kanilang mga magulang. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng mga magulang ay isang dakilang tungkulin ng mga anak. Ang kabutihan lamang ang laging hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya't ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang at karaniwang nagbubunga nang masasaya at mauunlad na kabuhayan ng mga anak. 



Credits to: Ariel Rivera

 Subscribe in a reader

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved