Friday, November 7, 2014

Suring Basa; Paano matatagumpay ang isang tao sa kanyang Hanapbuhay?




I. Pagkilala sa may akda:
       
           S.C Samonte- Isang magaling na manunulat ng bansa.
        
II.Uri ng Panitikan:

         Sanaysay   ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na opinyon ng may-akda
  

III.Layunin ng may akda:
              Magbigay ng aral na maaaring mapulutan ng mabuting asal.
IV.Tema o Paksa ng may akda:

              Pagtatagumpay ng isang tao.
            
V. Tauhan/ Karakter sa Akda :

           Ang mga tauhan o karakter sa akda ay binase niya lamang sa kanyang imahinasyon.
VI.Tagpuan o Panahon:

            Ang tagpuan sa akda ay binase niya lamang sa kanyang imahinasyon.
          
        
VII.Nilalaman/ Balangkas ng mga pangyayari:

        Maayos ang pagkakasunod-sunod ng bawat pangyayari kaya ito ay maayos ding naintindihan ng mambabasa.
        

VIII. Mga Kaisipan/ Ideyang taglay ng may akda:

          Tungkol sa kung paano makakamit ang tagumpay sa pamamagitan ng paghahanap buhay 
   
IX. Istilo ng pagkakasulat ng akda:

                Ang bawat pangungusap o pangyayari ay maayos ang pagkakasunodsunod.

X. Buod: 
      Marahil isa ka sa mga taong nagtatanong kung bakit may mga taong nagiging maunlad at mayagumpay sa kanilang hanapbuhay.,samantalang may mga tao naming hindi nagtatagal sa kanilang mga Gawain o hanapbuhay. Narito ang 5 salik sa pagkakaroon ng maunlad,matagumpay,at matatag nahanapbuhay(1) Ang pagkakaron ng ng isang tiyak na layunin sa iyong gawain,(2) Pagpasok sa trabaho sa takdang oras araw-araw, (3) Mag-ukol ng panahon sa ikabubuti at ikauunlad ng iyong Gawain, (4) Pagiging masiyahin at may kasiyasiyang katauhan o personalidad, (5) May kakayahang magdesisyon lalo na kung nakalagay sa alanganin ang iyong desisyon.
May ilang bagay rin na dapat isaalang alang sa katauhan ng isangempleyado (1) Marunong sa tinatawag na interpersonal skills o kasanayan sa pakikipag kapwa tao, (2) Hindi dapat maging bulagsak ang isang empleyado sa kanyang opisina, (3)
Pagkakaroon ng takdang panahon o time table na susundin,

(4) Hindi dapat maubos ang iyong oras sa opisina sa mga walang makabuluhang bagay, (5) Dapat lahat ng empleyado ay pursigidong magkamit na mailagay sa mataas na posisyon.



Credit to: Ariel Rivera


 Subscribe in a reader

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved