Nasyonalismo (Deskriptiv)
Natigmak sa dugo ang payapang lupa. Naputi ang maraming buhay ng magigiting na sundalong Pilipino sa pagtatanggol sa Perlas ng Silangan. Sa napakahabang panahon ang tinaguriang Indiyo lang ay inaruga ng pagkabusabos. Nabuhay sa pagka-alipin. Tinanghal ang mga bayaning sina Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini at marami pang iba. Mga Pilipinong nangamatay alang-alang sa bayan at patuloy na nabubuhay nang walang hanggang sa kasaysayan ng Pilipinas.
Salamat sa kanilang kagitingan disin sana’y ibon pa rin tayong nasa hawla ng mga mapaniil na banyaga.
Salamat sa Walana Lodge na isang organisasyon naging aktibo upang maisulong ang paglaya ng bansa mula sa pananakop ng Espanyol. Itinatag ni Faustino Villaruel sa Binondo, Maynila noong Mayo 2, 1892. Sa mga lider ng Walana Lodge nanguna sina Teodoro Kalaw, Andres Bonificio at Apolinario Mabini ang huli’y tinaguriang “intelektwal na lider” dahil sa matalinong pag-iisip at pagiging kalmadong kabataan. Si Bonifacio nama’y isang manibdib at matapang na tagapagbunsod ng pag-aalsang pulitikal at sosyal. May matuwid na prinsipyo ngunit radikal sa pamamaraan ng pagkilos.
Higit ng matatapang ang mga kasapi ng Walana Lodge sa patuloy na pagpupulong sa kabila ng mahigpit na pagbabawal ng gobyerno. Dahil sa pakikipaglaro sa panganib at kamatayan labing isa (11) kasapi nito kasama ang tagapagtatag na si Villaruel ay dinakip noong Agosto 21, 1896. Binitay siya sa Bagumbayan. Kasama ng sampu (10) pang kasapi limang araw matapos barilin si Dr. Jose Rizal sa makasaysayan ding lugar. Sila ang labing-isang (11) “Martir ng Bagumbayan.”
0 comments:
Post a Comment