Nasyonalismo
May iba’t ibang kaugalian, paniniwala, simulain at pananampalatayang hinubog ng maraming kultura ang kabataang naging mabisang instrumento sa pagpapatingkad ng diwa at damdaming maka-Pilipino. Hindi mapapasubalian na bago pa man makapsulat ng aklat si Rizal sa murang edad, bago pa man naging kalihim ng Katipunan si Jacinto at maghimagsik naman si Bonifacio, sila ang mga kabataang Pilipinong naging pangunahing tagapagmulat sa pagkamit ng kamalayang pambasa. Tanging talino at talim ng pluma ang naging sandata ng kabayanihang naghatid sa kanilang wakas. Tinanggap ng matinding hamon ng kanilang panahon.
Ang kabataang Pilipino’y salaming kasisinagan ng hinaharap ng bansa kaya’t tinawag sila ng ating pambansang bayaning “ Pag-Asa ng Bayan”. Kabataang nais ni Rizal na maging tagapagtuklas ng katotohanang ikinukubli ng kasaysayan upang ang maraming bakit, paano at kailan ay magkaroon ng kaliwanagan tungo sa patuloy na pag-angat ng kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Oo, ang pagpapahalaga sa edukasyon.
Maging tagatanglaw sa landasing madilim ng kapuwa kabataan. Maging larawan ng pagtitiwala at pagpapahalaga sa sarili. Mga kabataang Pilipino ng di inuubos ang panahon sa walang katuturang pagpaparatang, paghihimok o pagdadahilan manapa’y tagabuo ng mga pangarap batay sa pahayag na “Gawin natin para sa susunod na henerasyon ang nais nating sana ay ginawa sa atin ng mga ninuno”.
Pangunahing naririnig sa pag-aaklas at sa EDSA ang tinig ng mga kabataang may sapat na tapang para ipaglaban ang karapatan. Higit na matatapang ang tagapagmana ng kinabukasan ng bansa. Batid na ang kulay at hugis ay kinabukasan ay nakasalalay sa matibay na pananaw at matatag na pagkatao.
Madawag ang landas na tatahakin sa pagsasabansa. Maraming suliraning haharapin ngunit sa nagkakaisang kabataang Pilipino walang imposibleng di makakamit. Totohanang isasabuhay ang pagiging pag-asa ng bayan. Mga kabataang pinangarap ni Rizal na Tagapagpakilala ng magandang bukas at lakas na nagpapatingkad ng nasyonalismo. Patuloy na Tagapagtindig ng isang bansang tunay na malaya.
1 comments:
SANA MAY MGA KABATTAN NGAUN NA MAY GANYANG DAMDAMING MAKABAYAN .. KASI OCCASIONAL LANG .. NKAKALUNGKOT
Post a Comment