A. "Uri ng Karapatan"
Ang mga karapatang tinatadhana ng saligang batas ay maaaring uriin sa sumusunod: (1) karapatang sibil (2) karapatang pampulitika (3) karapatang panlipunan at pangkabuhayan.
Ang mga karapatang sibil ay kinikilala ng batas upang makatiyak ang mga mamamayan sa pagtatamasa ng kaligayahan. Pangunahin sa mga karapatang sibil ang karapatan sa buhay, kalayaan, at ari-arian. Ang mga ito ay itinuturing na mga karapatang di-maiaalis sa tao nang hindi naaayon sa kaparaanan ng batas, at ayon sa karapatan sa pantay na proteksiyon ng batas. Ang karapatan sa pantay na proteksyon ng batas ay nagpapahiwatig ng pagkilala sa likas na pagkakapantay-pantay ng tao.
Ang isa pang karapatang sibil na kinikilala ng saligang batas ay ang karapatang personal sa komunikasyon o korespondensiya. Kinikilala ng karapatang ito ang karapatan laban sa di-makatarungang paghahalughog o pagdakip at ang karapatang panatilihing personal at pribadong bagay ang komunikasyon o korespondensiya. Maliban sa utos na legal ng hukuman o kaya'y kapag ang paglabag sa nasabing lihim ay hinihingi ng kaligtasan at kaayusang pambayan, ang karapatan sa lihim ng komunikasyon ay di-maaaring panghimasukan ng pamahalaan.
Isa ring karapatang sibil ang kalayaan sa paninirahan at paglalakbay. Hindi ito mahahadlangan maliban sa kaparaanan ng batas o kung hinihingi ng katiwasayan at kaligtasan ng bansa o kalusugang pambayan. Halimbawa, ayon sa probisyong ito, ang pagpasok sa leprosarium ng isang maysakit na ketong o ang pagpipiit sa isang krininal ay makatarungan dahil kailangang pangalagaan ang kapakanang panlahat.
Ang kalayaan sa pananampalataya ay isa ring karapatang sibil na kinikilala ng saligang batas. Kaugnay ng karapatan sa kalayaan sa pananampalataya ay ang prinsipyo ng paghihiwalay ng simbahan at estado na kinikilala sa bansa.
10 comments:
:)
okay thanks a lot sa pag-po-post
jhvcdhvgdkvlhdvjhdvhjhvbhdvvdbhvgdyhgvjhdvbjhdvjhdvjdghvjgdvgjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjjkkkkkkkkkkkkkkkkkkk
hindi ba parang kulang ata ito?
kulang eh.
iihh prang may mali ...
kulang ng karapatan ng akusado pero okie lng yon ka c nakatulong nman sa akin!!!! tnx
sure ba ??
Thanks sa info. It helps me a lot
j
Post a Comment