Friday, November 26, 2010

MGA TUNGKULIN NG MAMAMAYAN



Ilan sa mga tungkulin ng mga mamamayang Pilipino ang mga sumusunod:

1. Magpakatapat sa Republika ng Pilipinas. Ito ay nagpapahiwatig ng ganap na pananalig o pagtitiwala sa Republika, gayundin ng pagmamahal dito. Ang iba't ibang anyo ng kataksilan sa bansa gaya ng treason, rebelyon, sedisyon at iba pang kaugnay nito ay taliwas sa dapat asahan mula sa isang mamamayan.

2. Igalang ang bandilang Pilipino. Ang bandila ay di lamang simbolo ng Republika at ng pambansang pagkakaisa, kundi simbolo rin ng pakikipaglaban tungo sa katubusan mula sa pagkakaalipin ng lahi. Igalang din ang iba pang sagisag ng bansa.

3. Ipagtanggol ang estado. Sapagkat ang mamamayan ay nakakatanggap ng mga pakinabang at proteksyon mula sa estado, nararapat lamang na ituring na pangunahin at marangal na tungkulin niya na ipagtanggol ang estado sa anumang panganib.

4. Tumulong sa kaunlaran at kagalingan ng estado. Anumang nakaaapekto sa bansa ay nakaaapekto rin sa bawat mamamayan, kaya dapat pagyamanin ng bawat isa ang kaunlaran at kabutihan ng estado. Ilan dito ay ang kusang-loob at maagap na pagbabayad ng buwis, pagtangkilik sa katutubong produkto at kalakal at pagkakaroon ng kapaki-pakinabang na gawain.

5. Ipagtanggol ang saligang batas. Sapagkat ang saligang batas ay itinuturing na pagpapahayag ng kalooban ng taong bayan, tungkulin ng bawat mamamayan na ito'y ipagtanggol, igalang at sundin upang mapanatili ang panlipunang kaayusan.

6. Tulungan ang mga nangangailangan.

9 comments:

Anonymous said...

7.Maging Produktibo

Anonymous said...

Matapat na pagbabayad ng buwis.

Anonymous said...

lol

Anonymous said...

salamat

Anonymous said...

thank you for that answer for my assignment

Anonymous said...

It's a great reference to my project, Keep up the good work

Anonymous said...

vwbrbrrrdb

Unknown on January 22, 2014 at 2:49 AM said...

thank you for the answer!!
i have now a project!!
:)

Anonymous said...

thank you im happy that you have the answers for my project from now on im finish doing my projects :)

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved