Friday, November 26, 2010

Tuklasin Muli ang Pilipinas



Kamakailan, nanawagan si Pangulong Macapagal – Arroyo sa mga Pilipino na tuklasin ang kasaysayan ng mga natatanging tourist spots sa bansa.

Nananawagan din ang Pangulo sa mga opisyales ng lungsod at munisipalidad na magtayo ng local historical societies na maglalarawan ng kasaysayan ng kanilang pook. Makakatutulong daw ito sa pagpapalaganap ng pagkakaisa sa bansa. Ayon pa sa Pangulo, dapat ipagmalaki ng mga Pilipino, ang Camiguin, Davao, Palawan, Bohol, Zamboanga at iba pa.

Hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na tuklasin muli ang Pilipinas, at sama-samang simulan at isagawa sa panahong ito. Ipinahayag din niyang anyayahan natin ang mga kaibigang dayuhan na dumalaw sa bansa. Idinagdag pa niya na sa pagtataguyod ng mga lokal na tourist spots, kailangan ang balanseng pagpapaunlad ng turismo upang di masira ang likas na yaman ng bansa. Hindi lamang paglilibang ang dapat nating ibahagi sa mga dayuhang turista sa bansa, aniya, kundi pati na rin ang kasaysayan ng bawat pook na kanilang pinupuntahan.

Sinabi rin ng Pangulo na ang katotohanang ang kasaysayan ng Pilipinas ay nagsisimula sa maliliit na munisipal at bayan na kung hindi ito naitala ay mananatili itong tuldok sa mapa ng daigdig.

Nabanggit din ng Pangulo na marami sa mga Pilipino ang di nakaaalam na ang Boracay Island ay bahagi ng munisipalidad ng Malaysia. Sinabi niyang hihingin niya ang kasaysayan ng Malaysia para ito mapatunayan. Kung wala, kailangan ang pagsusuri ay simulan na agad. Kilalanin daw natin ang pinagmulan ng kultura nito sapagkat ito ang yaman ng bansa, mga lungsod at mga lalawigan, pagdidiin ng Pangulo.

Ipinahayag din niya na handang tumulong ang Pangulo sa Aguinaldo Ifugao. Ang taong 2002 Year of Eco-Tourism at Beach Tourism. Tutulong ang administration ng Pangulo kay Secretary Gordon upang gawing pangunahing “toursim destination” ang Ifugao.

Maraming plano ang pangulo at isa sa mga ito ay magtayo ng paliparan upang hikayatin ang mga tao sa siyudad na bisitahin ang mga kabundukan ng Ifugao sa pamamagitan ng helicopter at eroplano. Kasama rin sa plano ang pagsasagawa ng renovation para sa Philippine Tourism Authority Hotels na nasa mga probinsiya.

Ayon a Pangulo, ang turismo ay magiging isa sa mga “major growth sector” para sa Pillipino sa 21st century. Ang iba ay ang “information” at “communication technology”.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved