Thursday, November 25, 2010

TRADISYONG PILIPINO



ni Gng. Erlinda G. Antaran

I

Ang tradisyong Pilipino kung pag-uusapan

Ang pagpapahalagang pantao’y buhay na larawan

Isinapuspong palagi ang kagandaang-asal

Pagkalahi ng bayan, lubos na ginagalang.

II

Tradisyong Pilipino noon at magpasahanggang ngayon

Ipinaglaban ng mga bayaning manatili sa bawat panahon

Mula sa katutubo, Kastila, Amerikano at Hapon

Tradisyon natin ay nagningning at kinikilala sa lahat ng panahon.

III

Kaya nga’t tradisyong Pilipino ay maipagmamalaki

Tulay ito sa pagbabago at simbolong natatangi

Kaugalian at kilos, tunay na kawiliwili

Hagdan ito sa tagumpay at kapayapaang minimithi.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved