Thursday, November 25, 2010

ATI-ATIHAN SA AKLAN



Ati-Atihan… isang pagdiriwang na hindi mapapantayan ng anumang bansa at ito’y sa Pilipinas lamang ginagawa taun-taon.

Subalit, ano nga ba ang Ati-Atihan? Saan at paano naganap ang unang Ati-Atihan?

Sa isang lugar sa Panay, ikalabintatlong daan taon na ngayon ay ipinagpalit ni Haring Marikudo ng mga Ati ang kanilang lupain sa mga Malay ng gintong salakot, batya at isang kondisyon na ang Malay ay hindi na pupunta sa kabundukan na kanilang tinitirhan. Subalit nilabag ito ng mga Malay kaya’t dito nagsimula ang alitan ng dalawang lahi.

Tumagal ang labanan hanggang pagpasyahan ng mga pinunong mag-usap para sa kapayapaan ng bawat lahi. Pumayag din naman si Haring Marikudo at ang kanyang Amang si Polpulan subalit pumunta silang may kasamang mga mandirigma pagkat hindi raw sila nakasisiguro sa kanilang kaligtasan.

Sa Kalibo, ginawang lahat ng mga Malay ang lahat ng maaaring ikasiya ng mga Ati upang ipakita ang kanilang layunin. Sinimulan ang peace talk at pinakinggan ng parehong panig. Napagkasunduan nilang ang mga Ati ay maaari nang mangisda sa karagatan ng mga Malay.

Natapos ang usapan at ito’y sinundan ng napakasayang pagdiriwang. Nag-inuman sila ng tuba at sumayaw ang mga Ati upang ipakita ang kanilang kasiyahan. Umawit naman ang mga Malay na sinaliwan ng malalakas na tunog na ugong na nagsasaaf ng kanilang dakilang layunin sa mga Ati.

Nagsiuwian sa bundok ang mga Ati na may kasiyahan habang ang mga Malay ay kumakaway pa sa knila. Ang kanilang paghihiwalay ay simula ng kanilang pagsasamahan.

Hanggang sa ito’y maging kaugalian taun-taon, sa kabila ng pagbabago ng panahon. At ito ay isa na rin sa mga tourists attraction. Minsan pang napatunayan na ang naghahangad ng kabutihan ay nagdudulot ng kaayusan at kapayapaan.

1 comments:

Learnerswisdom on April 18, 2013 at 6:26 AM said...

Magandang gabi. Ano pong libro ang sanggunian ninyo?

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved