Thursday, November 25, 2010

KAYSARAP MAGING PILIPINO



ni Gng. Erlinda D. G. Antaran

I

Ang dakilang kasaysayan ng ating Inang-Bayan

Pilit mong iwaglit sa puso’t diwa’y hindi maiaalis

Dangal ito ng ating lahi, mabuhay, mainit

Kaya’t halina’t gunitain ganda niya at taginting.

II

Ang bansang Pilipinas na pinakatatangi

Sa silong ng araw ay nananahimik

Wala ni anumang pangamba sa dibdib

Pagkat ang mamamayani’y bayanihan at pag-ibig.

III

Ngunit isang araw ang bayan ay nagdilim

Iba’t ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin

Batas nila at patakaran pili’t nilang ipinaaangkin

Ang karapatang pantao’y hinadlangan at pinigil.

IV

Ang bansang Pilipinas ay kanilang iginupo

Kalayaan ng ating bayan pili’t nilang iginuho

Bibig ay may busal, mata ay may piring

Sinakatan ang damdamin, pinahirapan ang isip at puso.

VI

Noon din ang ating bayan, nagpumiglas at nag-isip

Isinigaw ang katarungang kalayaan ay maibalik

Lahig kayumanggi, buong tapang na lumaban at humarap

Laban sa mga dayuhang mapagkamkam at marahas.

VI

Mga bayani ng lahi isa-isang bumandila

Sina Gat. Jose Rizal, A. Bonifacio, A. Mabini at iba pa

Pagmamahal sa inang bayan kanilang ipinakita

Nagbuwis ng buhay, makamit lamang ang kalayaan

ng bayang sinisinta.

VII

Anupat ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan

Dahila na rin sa mga bayani at henyo ng bayan

Kinilala ang lahing kayumanggi sa kagitingan at katapangan

Ngayo’y may hihigit pa ba sa kulay at ganda

ng kahapong kinagisnan.

VIII

Ang maging Pilipino ay isang karanagalan

Sa ugat at laman ko’y nananalaytay ang kabayanihan

Hindi umuurong sa anubang labanan

Taas-noo at nangunguna sa bawat larangan.

IX

Ang wika ko’y Filipino sagisag ng kaisahan

Pwersang nagpapakilos sa pagsulong bayan

Filipino rin ang kasangkapan sa tunay na kasarinlan

Tatak ito at simbolo ng ating kalayaan.

X

Ang kulturang minana ko’y katutubong talaga

Natatangi, naiiba, ipinagmamalaki ng balana

Ang mga paniniwala at tradisyon, kaugalian at kultura

Kayamanang maipagmamalaki sa bawat bumibisita.

XI

Sa lahat ng larangan. Pilipino’y kinikilala

Ambag nila sa ating sining, buong mundo ay humanga pa

Ma-teatro, mapa-Sining, sa isport man ay nangunguna

Galing ng Pilipino ay angat lagi sa iba.

XII

Mga dayuhan ay nabighani rin sa mga gawain

at pagdiriwang

Moriones, Ati-Atihan, Santa Cruz de Mayo at

pangkat Kawayan

Maging Pasko at Bagong Taon ay kanilang kinagigiliwan

Hinahanap-hanap ang pagbisita sa ating inang-bayan.

XIII

O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!

Ikinararangal ko ang aking lahi kahit saan mapunta

Taas noong ibabandila ang kalinangang nakilala

Pagka’t ito’y sariling atin, simbolo ng demokrasya.

XIV

O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga!

May kulturang marangal na ipinagmamalaki tuwina

Isa para salahat at lahat para sa isa

Ang dakilang layuning Pilipino na angat salba.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved