Thursday, November 25, 2010

A T O M



Ang August Twenty One Movement (ATOM) ay isa sa mga grupong naging bahagi ng isang mahabang krusada upang makamit ang kalayaan mula sa rehimeng Marcos. Nabuo ito ilang araw matapos paslangin si dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino noong August 21, 1993, nang nagbalik siya sa Pilipinas.

Itinatag din ito upang bigyang pansin ang asasinasyon ni Ninoy at ang pagpapasabog sa miting de avance ng Liberal Party (LP) sa Plaza Miranda noong Agost 21, 1970. Ang LP ay binubuo ng mga opisyong tumatakbo laban sa partido ni dating Pang. Ferdinand Marcos.

Ito ay itinatag sa pangunguna ni Agapito “Butz” Aquino, ang nakababatang kapatid ni Ninoy upang humingi ng katarungan sa pagkakapatay sa kapatid. Naging kaanib nito ang maraming lider oposisyon. Nagdadaos sila ng mga rali at kilos protesta laban sa rehimeng Marcos. Naging bukambibig noon ang islogan na, ‘Ninoy, Hindi ka Nag-iisa’. Pinatanyag din nila ang kaisipan at pilosopiya ni Ninoy tulad ng “The Filipino is worth dying for.”

Isa sa pinakamalaking pagkilos ng ATOM ay ang “Tarlac to Tarmac March” noong 1984 kung saan ang mga kalahok ay nagmartsa mula kapitolyo ng Tarlac tungo sa Tarmac ng Manila International Airport (NAIA na ngayon) kung saan si Ninoy ay nabaril.

Naging epktibo rin ang ATOM sa pangangampanya nito para kay Cory Aquino para sa Snap Election noong Peb. 7 naging bahagi rin ng ATOM sa maraming grupong bumubuo sa Cory Aquinpo for President Movement (CAPM), ang pangunahing kumikilos sa kandidatura ni Cory.

Noong EDSA Revolution, Pebrero 23,1986, ang ATOM ang siyang isa sa mga unang nanawagan at nagpakilos sa mga mamamayan na magtungo sa EDSA upang barikadahan ang Camp Crame at Camp Aguinaldo. Sa pangunguna ni Butz Aquino ang mga miyembro ng ATOM

ay nagtipun-tipon sa Cubao at nagtungo sa dalawang kampo at nanatili doon sa kabuuan ng EDSA Rebolusyon.

Minsan pa, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagkakaisa sa panahon na kailangan sila ng kanilang bayan para sa kalayaan.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved