Thursday, November 25, 2010

SULIRANIN SA INDUSTRIYA NG ABAKA, DAPAT HARAPIN NG PAMAHALAAN”



EDITORYAL:

Ang Pilipinas ay kilala bilang exporter ng abaka. Mula 1918 hanggang sa kasalukuyan, ang abaka ang naging palagiang prodyuser ng dolyares para sa Pilipinas. Ang prinsipal na importer ng abaka natin ay ang Estados Unidos, Hapon, United Kingdom, Alemanya at Netherlands. Ang abaka ay siyang pinanggagalingan ng Manila Hemp. Alam nating kilalang-kilala ang kagalingan ng Manila Hemp sa buong mundo, kaya’t tuwing may pangangailangan ang mga bansa ng matataas na uri ng lubid, ang Manila Hemp ang kanilang binibili.

Maraming suliranin ang kinakaharap ng industriya ng abaka gaya ng mga sumusunod: 1.) mahigpit na kompetisyon sa baka na galing sa Gitnang Amerika sa pamamagitan ng subsidi ng Estados Unidos, sisalat himaymay na sintetik; 2) mababang presyo ng abaka sa pamilihang pandaigdig; 3) mataas na bayad sa kargamento; 4) pagkontrol sa mataas na presyo ng abaka ng mga bumibiling bansa; 5) nagkakaroon ng maraming grado ng abaka; 6) di-wastong pangangasiwa ng mga lokal na plantasyon ng abaka; at 7) pagkontrol sa sakit ng abaka.

Ang pagbabang halaga ng produksyon at ang representasyon para bumaba ang pagkakargang asyaniko ng abaka ay makabubuti sa posisyon ng Manila Hemp sa pakikipagkompetisyon nito sa ibang himaymay sa pamilihan ng daigdig. Ang mga bumibiling bansa sa pamilihan ng daigdig. Ang mga bumibiling bansa ay maaarig makontrol ang presyo ng abka pagkat mayroon lamang na mga 20 mamimili sa mundo laban sa 40 eksporter sa mundo ng himaymay na pangkomersyal. Maaaring mapagaling ng Pilipinas ang posisyon nito sa pakikipoagtawaran sa pamantayan ng pagpasok sa kasunduang internasyonal para makotrol ang pagbibili n matitigas na himaymay.

Matutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan ang pagkonrol sa maraming grado ng abaka. Isa ang Abaca Corporatin of the Philippines (ABACORP) na makatutugon upang magkaroon ng balanseng produksyon ng abaka at iba pang himaymay, pagpapanatili ng presyo at pagtugon sa mga suliranin ng abaka.

Kailangan din ang wastong pangangasiwa ng mga lokal na plantasyon ng abaka upang dumami ang ani. Kailangan din ang organisasyon ng maramig kooperatiba na tiyak na makakatulong sa mga prodyuyer. Ang mga kooperatiba ay siyang makakatulong sa mga kasapi nito para sa pagtitinggal, pagdadala sa ibang lugar, pagbibili ng abaka, gayon din ang pagbibigay ng mga produkto sa mga konsyumer, kasangkapan at utang (loans) upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga kasapi na prodyuser din. Kailangan din ang pagkontrol sa sakit na mosaic at iba pang peste na umaatake sa abaka. Maisasagawa ito sa tulong ng pamahalaan upang mapigilan ang pagbaba ng ani at pagkamatay ng mga halamang abaka.

Kung seryoso ang pamahalaan sa pagpapanatili sa ating bansa bilang pangunahing exporter ng abaka, isasaalang-alang nito ang paglutas ng mga nabanggit na suliranin.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved