Friday, November 26, 2010

Sinakop ang Pilipinas



Ang Pilipinas ay sinakop ng Estados Unidos upang gawin itong pamilihan ng kanyang produkto. Ninais din niya itong maging bilihan ng murang hilaw na sangkap upang lalong umangat ang kanilang kabuhayan. Idagdag pa rin ang kanyang paghahangad na panggalingan ito ng murang paggawa para matustusan ang pangangailangan ng industriyang Amerikano.

Noong ika-4 ng Hulyo, 1946, buong giting na ipinagkaloob ng Estados Unidos ang sinasabing kalayaan ng Pilipinas kapalit ng ilang mahigpit na restriksyong pang-ekonomiya. Ang kalayaang ipinagkaloob ay susi para makapasok nang buong laya ang mga produktong Amerikano ayon sa kanilang pangangailangan.

Ang nabanggit na kondisyon ng Estados Unidos ay katulad din ng malungkot na pangyayari noong 1898 nang salakayin ni Komodor Dewey ang Look ng Maynila at ang kalagayang pinayagan nila noong 1935. Para sa Pilipinas, ang pangyayari’y walang pagbabago. Naroon pa rin ang tatak ng tinatawag na neokolonylismo.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved