Ang damdaming pambansa at makasaysayang pangyayari ay mahusay na naipaliliwanag ng sining, literatura at palakasan. Inilalarawan nito ang pang-araw-araw na gawain at pamumuhay ng tao sa iba’t ibang kapanahunan.
Ang mga Pilipino ay malikhain. Sa larangan ng musika, sadyang mapapansin ang kanilang walang-kapantay na kasanayan sa paglikha ng mga komposisyong batay sa kaloobang Asyano. Idagdag pa rito, ang mga kasalukuyang kompositor ay totoong nahikayat din ng makabagong kanlurang kalakasan ng paglikha. Nakilala ang pangalang Jose Maceda, Ramon P. santos at Lucresia Kasilag. Talagang ginamit ni Jose Maceda, isang kilalang etnomyusikologis at kompositor ang mga instrumentong Asyano na ipinagmamalaki nating mga Pilipino: kawayan, patpat, batingaw at mga instrumentong panlabi.
Ang mga nabanggit na instrumento ay lubhang nakapagpapatingkad sa musikang Pilipino at hindi inalintana ng marami ang paggamit ng katutubong instrumento gayong nasa makabagong panahon. Mabilis na lumaganap ito sa iba’t ibang sulok ng bansa.
Ang pagkamalikhain ni Masilag ay hindi rin matatawaran. Pinasimulan niyang pagsama-samahin ang kanluranin at silanganing makabago at makalumang istilo. Hindi niya itinago ang pagkahilig sa batingaw, tambol, kudyapi, plawta at ang kubing.
Hindi rin napigilan ang tumanggap ng maraming gantimpala bilang “Pambansang Alagad ng Sining”, si Professor Antonio Molina ng Unibersidad ng Pilipinas. Ginamit niya sa kanyang musika ang mga etnikong instrumento tulad ng kulintang at gabang.
Sa kasalukuyan, lubhang tinatanggap ng mga Pinoy ang musikang “pop”. Hindi masasabing ito’y walang tatak-katutubo sapagkat ito’y may bahid ng kaugaliang etniko, makaluma at makabagong musika. Ito ang tunay na hindi kumukupas na musikang Pilipino – ang likha ni Joey Ayala at mga kasama.
Sa kasalukuyan, ang musikang Pilipino ay pinagsama-samang tradisyon ng taga-Kanluran at Silangan : isa sa mapagkakakilanlan ng kulturang Pilipino.
2 comments:
Boo this is for noobs!!!
Noob,noob,noob,noob :P!!!
Post a Comment