Isang marangal na seremonya ang ginanap noong ika-15 ng Nobyembre, 1935 para sa panunumpa ng nahalal na Pangulo ng Komonwelt, Manuel L. Quezon. Idinaos ito sa labas ng gusali ng Lehislatura sa Maynila upang masaksihan ng maraming nagbubunying mamamayan. Dito ipinahayag ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang talumpati na ang ibinunsod na pamahalaan ay isang paraan upang makamit ang kanyang minimithi. Idinagdag pa niya na ito ang kasangkapan para mapaghandaang mabuti ang isang ganap na pagsasarili.
Ang ginagawang paghahanda ay naudlot nang bombahin ng mga Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii noong ika-8 ng Disyembre, 1941. Nagdeklara ng digmaan ang Amerika laban sa mga Hapones kaya't ang labanan sa Pasipiko ay tinawag na Digmaang Pandaigdig.
Nagkasakit ang Pangulong Quezon kaya bago siya tumungo sa Corregidor noong ika-24 ng Disyembre, 1941, nagtagubilin siya sa mga opisyal ng gabinete para gawin ang pinakamabuti sa kinabukasan ng ayon sa kanyang bayan. Kailangang gawin ang pakikipagsundo sa mga Hapones upang mailigtas ang mga tao sa kalupitan.
Noong ika-30 ng Disyembre, 1941, si Quezon ay nanumpa bilang Pangulo ng Komonwelt bilang simula ng kanyang pangalawang panunungkulun at noong Pebrero 1941, bago umalis patungong Australia at Estados Unidos, nagpalabas siya ng isang Executive Order para atasan si OsmeƱa na maging pangulo ng bansa kung sakali siyang mamatay.
0 comments:
Post a Comment