Friday, November 26, 2010

SA ABAKA MAN, MAY PERA RIN



Estados Unidos, Alemanya, Hapon, Tatlong malalakas na bansa na may matitibay at malulutong na perang papel. Ang dahilan, hinaluan ng mga hibla ng abaka. Saan nagmula ang abaka? Sa Pilipinas! Nakapagtatakang isipin hindi inihahalo ang abaka sa paggawa ng perang papel sa ating bansa. Kung iisipin, pangunahing produksiyon ng abaka ang Pilipinas. Matagal na ring panahon nagluluwas ang Perlas ng Silangan ng mga hibla ng abaka para gamitin sa paglilimbag ng salaping papel ng ibang bansa.

Bukod sa nabanggit, ang hibla nito’y ginagamit na hilaw na material para sa produksyon ng fibercraft, specially pulp, mat, tela, tea bags, salaan, sapin, bag, dormat at duyan.

Tunay na maraming kapakinabangang nakukuha sa hibla ng abaka. Malaki ang nailuluwas ng Pilipinas sa produktong ito, pinakamalaking tagumpay sa pagluwas sa mundo. Manila hemp ang tawag dito ng mga dayuhan.

Subalit may naging suliranin sa industriya ng abaka, umaabot na sa 50 hanggang 70% ng potensiyal na ani ng abaka sa rehiyon ng Bikol ang nganganib mawala dahil sa iba’t ibang sakit. Bukod pa sa bulanggugo ang ilang taniman ng abaka, walang habas gumasta ng perang di kaugnay sa lubusang pagpapaunlad ng industriyang ito. Mabuti na lamang naglaan ang Southern Luzon at Central Philippines Rehabilatation Task Force na isang puwersang itinataguyod ng pamahalaan sector ng pagnenegosyo at mga non-government organization (NGO) ng P7 milyong pondo upang mapanatiling aktibo ang pagsasaka ng abaka.

Naglaan naman ng P12 milyon ang Kagawaran ng Agrikultura (DA) sa pakikipagtulungan ng Phil. Export Bikol para sa Abaka Contract Growing Program. Layunin nitong maitaguyod ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka ng abaka.

Sa tulong ng mga nasabing ahensiya at programang isasagawa, inaasahang sisiglang muli ang nabanggit na industriya sa ating bansa.

Sa pag-unlad ng industriya ng abaka malaking bahagdan ng populasyon ang di na nagugutom, di nakakalam ang tiyan ng lahi ni Mang Pandoy.

Isang magandang negosyo ang pag-aabaka, nagsilbi itong magandang negosyo sa ilang maunlad na bansa sa mundo.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved