Friday, November 26, 2010

MGA SALIK SA PRODUKSYON


Ekonomiya (Informativ)


Pinakamahalagang yugto sa prosesong pang-ekonomiya ang produksyon. Nililikha nito ang mga bagay o produksyong sadyang kailangan ng mga mamamayan .Sa pag-ikot ng ekonomiya, siklong masasabi, kailangan ang pagpapalitan o distribusyon at pagkunsumo. Isang patuloy na proseso ng produksiyon, palitan at pagkunsumo ng mga produkto at serbisyo.

Isang mahalagang salik nito ay pag-gawa, lakas na ibinubuhos ng tao, pisikal o mental upang makagawa ng mga bagay na pakikinabangan ng mga tao. Itinuturing itong pinakamahalagang sangkap sa produksyon sapagkat tinutuklas at nililikha ang mga bagong bagay mula sa mga umiiral na mga bagay. Mahalagang maunawaan na di nauuna ang kariton sa kalabaw, walang produksyon ng mga produkto at serbisyo kung walang paggawa.

Magiging makabuluhan lamang ang prutas kapag itoy pinitas na. Ang pagpitas ay isang anyo ng paggawa. Walang saysay, di magkakaroong halaga ang mga mineral tulad ng ginto, dyamante at tanso kung nasa ilalim pa ng lupa pang lupa. Magiging makabuluhan lamang kapag nahukay na.

Patunay lamang na ang mga batayang sangkap (raw materials) ay napagyayaman at nabibigyang halaga sa pamamagitan ng lakas paggawa ng tao. Pansinin ang may pelages ang noong nasa bukid na patuloy sa paggawa kahit matanda na. Maganda naman ang bunga nito sa kabuhayan.

Hindi ba’t ang kamote ay di magiging “comoteque” kung walang magluluto. Kapag mabigyan ang bagong anyo, ng “value added“ ang mga batayang sangkap, tumataas ang halaga nito sa pamilihan.

Itinuring ding salik ng produksiyon ang likas na yaman, lahat ng maaaring makuha mula sa lupa at tubig. Magiging makabuluhan lamang ang mga ito kung gagawa ng paraan ang tao na makuha at magamit ang mga ito.

Huling salik ng produksyon ay gamit nito. Mga bahagi ng kalikasang kailangang dumaan sa proseso ng produksiyon upang maging tunay na produkto. Nariyan ang mga kagamitan at makinaryang nilikha ng tao upang makagawa ng mga bagay tulad ng mga makinang kailangan sa paggawa ng produkto.

Samakatuwid ang paggawa ng likas na yaman at gamit sa produksyon ay mga salik sa produksyong mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

5 comments:

Anonymous said...

nice .. mai background music pa !! :)

joana :)) said...

WOW NICE !

Maica on November 14, 2011 at 1:52 PM said...

ohh. Nice :) especially the background music. haha. Love it.

Anonymous said...

ano ung title ng background music mo?

Anonymous said...

nice !:)

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved