Friday, November 26, 2010

PRODUKSYON NOON AT NGAYON


Informativ:


Nahaharap sa sitwasyon ang mga pamilyang Pilipino noon kahit sa ngayon na kayod-kalabaw na gawa nang gawa ngunit di pa rin sapat sa pangangailangan ang kita. Paano’y ang proseso ng produksyon noon ay nasa tradisyonal na ekonomiya, umiikot lamang sa pagitan ng pamilya at sa kumunidad. Nakasasapat lamang ang produksyon sa sariling konsumo o kung minsa’y kulang pa. Tinatawag itong “subsistence economy.” Resulta ito ng mababang antas ng ispesyalismo ng isang tradisyunal na ekonomiya.

Interaksyon ang nagaganap sa pagitan ng mga indibidwal sa tradisyunal na ekonomiya sa pamamagitan ng barter, direktang palitan ng mga produkto.

Halimbawa nito’y dalawang pamilyang nakatira sa magkabilang panig ng baryo.. Ang unang pamilya’y magsasaka kaya’t maraming bigas samantalang ang ikalawang pamilya’y nakalalamang sa larangan ng pag-aalaga ng baboy. Kung parehong may sobrang produkto, maaaring magpalitan ng isang sakong bigas katumbas ng isang baboy.

Sa paglipas ng panahon, nagkaroon ng pagbabago sa tradisyunal na ekonomiya. Ang kaalamang pang-teknolohiya ay nagbunga ng pagbabago, pag-unlad sa paglikha ng mga produkto. Hindi na naging pantay ang distribusyon , nagkaroon na ng sobrang produkto (surplus) na napunta sa kamay ng iilan.

Nagkaroon na ng konseptong relasyon sa pag-aari. (property relations) sa mga indibiduwal. Kung noon “subsistence’ ang katangian ng ekonomiya, ang mga tao sa pamayanan ay nagkaroon ng pananaw na kumita mula sa produktong nililikha. Ang lupa na salik sa produksyon ay pag-aari na ng iilan kayat nagbabayad na lamang ng upa ang mga ito sa mga walang lupang sakahan.

Ang produksyon ay nakaranas na ng pagbabago mula sa sariling konsumo hanggang sa pamilihan. Nakaranas na ng pagbabago ang istraktura ng ekonomiya sa pagpasok ng ispesyalisasyon, nasa mga negosyo ang produksyon, pagkonsumo sa mga kabahayan at pagtatayo ng mga imprastraktura gobyerno bilang pangunahing tuon.

Bunga ng impesyalisasyon ang mga transaksyon, negosyong nagaganap sa pamamagitan ng pera bilang kabayaran sa mga produkto at serbisyong nasa pamilihan.

Sa pag-unlad ng modernong ekonomiya, umusbong ang pangangailangan sa midyum ng transaksyon (medium of transaction). Hindi na ito bilang produkto kundi para na rin sa mga bagay na maaaring bilhin nito. Bukod sa kabahayang taga-supply ng lakas-paggawa sa mga negosyo, lumitaw na ang iba’t ibang sektor sa pagpapaunlad ng ekonomiya ngayon. Nariyan ang negosyo (business) na pinanggagalingan ng mga produkto at serbisyong kinokunsumo ng mga kabahayan; institusyong pampinansiyal (financial institution) na nagpapautang sa pagtatayo ng mga negosyo sa kabuhayan tulad ng mga bangkong komersyal , mga institusyong nagpapantay sa pagpapatayo ng negosyo, dayuhang sektor (foreign) na nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan, negosyo at gobyerno; at pamahalaan mismo na pangunahing responsibilidad ay pagtitiyak ng interaksyon sa pagitan ng ibat ibang mga sector ng ekonomiya. Sa pagkamit nito, bumubuo at ipinatutupad ng pamahalaan ang mga patakaran at programang – pangkabuhayan. Ang nakokolektang buwis mula sa mga negosyo at kabahayan ay ginagamit sa mga batayang serbisyo ng mamamayan tulad ng insprastraktura, kuryente, patubig, pabahay at serbisyong – pangkalusugan.

Kapag ganito ang senaryo parang nasa langit ang mamamayang Pilipino, walang alalahanin sapagkat matagumpay ang produksyon sa pamumuhay ng Lahi ni Mang Pandoy.

Sa kabuuan, patuloy ang pag-unlad ng produksyon sa bansang nagkakaisa.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved