Ang mabilis na pagkawala at pagkapinsala sa ating mga kagubatan ay lubhang nakabahala sa ating gobyerno. Iba’t ibang argumentasyon ang naganap sa pag-uusap hinggil dito. Mga problemang nais hanapan ng solusyon. Sa katunayan, ang kakulangan sa tubig at koryente na ating dinaranas sa kasalukuyan ay efekto ng pagkapinsala sa ating mga kagubatan. Ang malalakas na bagyong dumarating sa ating bansa taun-taon ay nakapipinsala hindi lamang sa ating mga bukid kundi kumikitil din ng buhay ng maraming individwal. Nakalulungkot na pangyayari para sa ating bayan at nakapanghihinayang na likas na yaman. Dahil sa malubhang kalagayan ng ating bansa, kumilos ang ating gobyerno at inilunsad sa Department ng Environment at Natural Resources ang “REFORESTEYSYON”.
Ano ang reforesteysyon? Ang reforesteysyon ay isang projek ng gobyerno upang mapalitan ang mga pinutol na mga punungkahoy sa ating mga kagubatan.
Upang mapabilis ang aksyon ng projek na ito, hindi lamang ang DENR ang kumilos. Kasama rin dito ang mga privadong sektor, mga organisasyon sa labas ng gobyerno o non-governmental organizations (NGO), mga iba pang sangay ng gobyerno, mga komunidad at mga pamilya. Ang objectiv nito ay magsagawa ng mga projek kaugnay sa paglinang at pangangalaga sa mga kagubatan.
Ang sinumang sasali sa reforesteysyon ay babayaran ng gobyerno ng halagang P20,000.00. Sa pamamagitan nito ay hinihikayat ng gobyerno ang bawat mamamayang makiisa at makipagtulungan para na rin sa ating kaligtasan. Napapabilis ang pagsasakatuparan ng “reforesteysyon” at nabibigyan pa ng trabaho ang ang mga mamamayan. Ito’y isang faynal na panawagan ng gobyerno para sa kabutihan ng ating bansa.
Sa mga pamilyang sumasali sa projek, isinasama ng mga magulang ang kanilang mga anak na nasa elementari para magtanim ng punungkahoy. Makabubuting imulat ang mga kabataan at magkaroon ng kamalayan sa kahalagahan ng ekoloji.
0 comments:
Post a Comment