Thursday, November 25, 2010

POLUSYONG INGAY: NAKABIBINGI, NAKAMAMATAY



Kung ang teknoloji man ay nakapagbibigay ng maraming kaginhawahan sa kapaligiran, may maidudulot din itong kapansanan o pinsala sa tao. Isa rito ang labis na ingay na nakabibingi at nakasisira sa nerbiyos.

Isa sa pinakamahalagang organong pandamdam ng tao ang pandinig. Sang-ayon sa pagsusuri ng Surian ng Pambansang Kalusugan sa Estados Unidos, isa sa bawat 15 katao ang naaapektuhan ng pagkabingi. Masasabing ito ay bunga ng labis na pagkarahuyo sa pakikinig sa stereo o sa orkestrang rock na matindi ang ingay.

Ayon sa pagsusuri ng tinurang institusyon, ang pagkabingi ng ma bata ay nagaganap dahil sa malakas na pagbubukas ng radyo, telebisyon o kahilingan sa malakas na bulahaw ng stereo.

Ang sintomas ng pagkabingi ay kung: (1) hindi maintindihan ang sinasabi ng kausap; (2) nahihirapang makihalubilo sa mga pag-uusap ng maraming tao; at (3) kailangang tingnan ang galaw ng labi ng kausap upang maunawaan ang sinasabi nito.

Sa pagsusuri ng Kawanihan ng Mababang Paaralan sa kalaganapan ng pagkawala ng pandinig, mula 1974 hanggang sa kasalukuyan ay umabot na sa 20% ng mga mag-aaral ang dumaranas ng sensory-neutral na uri ng pagkabingi. Ayon naman kay James Macmahon ng Liga ng Mahina ang Pandinig sa taong 2000 ay hindi namagkakarinigan ang bawat isa sa atin kapag hindi gumamit ng hearing aid o dili kaya’y kailangang operahan ang tainga upang makarinig.

Kayat sa pagsusuring ito ay napag-alamang ang mga nagtatrabaho sa pagawaan ng lubid, mga damit at iba pa ang hindi lubusang makaiwas sa pinsala sa nerbiyos at sa pandinig. Gayundin naman ang mga naninirahan sa tabi ng mga pangunahing paliparan ay namamatay sa sakit sa puso, nagkakaroon ng atake o may pagkakataong nais magpakamatay.karamihan sa mga sinuri niya ay nasa pagitan ng 45-54 ay nagpakamatay dahil sa lakas ng ingay ng mga eroplanong jet. Sinabi rin sa pagsusuri ay nalantad sa ingay sa buong araw at gabi.

Maaaring maiwasan ang masamang epekto ng ingay sa pamamaraang hindi ito makapagdudulot ng pinsala sa katawan. Ang pagpapahina sa pakikinig o ang pag-alis sa lugar na nakababagabag sa katawan ang maaaring makapagbigay ng kagalingan sa problemang ito.

Ang mga pag-iingat na ibinibigay ng Kagawaran ng Paghahanapbuhay at Paggawa sa bawat kompanya o pagawaan ay isang mabisang paraan upang masugpo ang pagiging imbalido ng mga tao sa ingay na nakabibingi at nakamamatay.

Kayat ang panahon ay ngayon na at hindi bukas upang labanan natin ang polusyong nakabibingi at nakamamatay

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved