Thursday, November 25, 2010

LINDOL! KAGULAT-GULAT NA LAKAS!



Tunay na kahanga-hanga ang paglikha ng Panginoon sa sandaigdigan, sa hiwaga ng langit at lupa gayundin sa kagandahan ng ating kalikasan. Subalit sino nga ba ang makatatalos sa kakaibang dulot nito na maging galit ng kalikasan ay nadarama ng tao… ang lindol!

Hanggang ngayon, ang lindol ay para ring isang mahiwagang sikreto ng kalikasan. Ang bagyo at pagsabog ng vulkan ay kapwa mapaghahandaan ng tao bago dumating. Ngunit ang lindol ay ngayon pa lamang kinikilala ng mga siyentifiko, ngayon pa lamang puspusang pinag-aaralan. Sa siyentifik na pag-aaral ukol sa lindol ay mga intsik ang nangunguna at isa sa pinakaefektiv sa larangang ito. Sila’y masipag sa pag-aaral tungkol sa lindol at kalikasan.

Walang nakatatakbo nang malayo kapag lumilindol. Sa unang yanig, ito ay may mabilis na pitong kilometro bawat saglit. Sinuman ang abutin ng unang bayo nito ay makararanas gaya ng isang nakatayong pasenjer sa bus na nabangga nang malakas sa likuran. Kasunod nito mababawasan ng kalahati ang bilis ng bayo ng lindol.

Karaniwan, ang dahilan ng lindol ay nasa ilalim ng lupa, mga 30 hanggang 70 kilometrong lalim. Ito’y dulot ng diin ng bigat na nagaganap sa pook na iyon hanggang sa biglang maghiwalay ang nagkakasanib na batong palanas na siyang nagdadala ng bigat. Ang padulas na paghihiwalay na palanas ay lumilikha ng “seismic wave” o matinding yugyog na ang malakas na bayo ay tumatakbo sa lahat ng tunguhin at nagpapayanig sa bawat daanan.

Ang lindol ay likha ng mga sumasabog na vulkan. Ang mga pagpapasabog ng nuclear bomb sa ilalim ng lupa ay higit na malakas sa lindol. Ngunit sa paghahambing, ang lindol ng nuclear bomb ay walang iniwan sa 1/100,000 lakas na pinakamalakas na likas na lindol. Dito masusulat ang kapangyarihan at mapangwasak na lakas ng lindol.

Kaya’t sino nga ba ang makatatakas sa hiwaga ng kalikasan, sa hiwaga ng lindol. Ahhh… tanging SIYA lamang.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved