Friday, November 26, 2010

PEOPLE POWER SA EDSA



ni Bb. Marilyn M. Lalunio

Sa EDSA’y ipinamalas itong pagkakaisa

Mga mamamayan na may taus-pusong pananampalataya

Sa Poong Maykapal ipinagkatiwala

Ganap na kalayaan ay makamtan na.

Mga Pari, estudyante, propesyonal at mangangalakal

At iba pang mga tao mula sa lalawigan

Nagkatipun-tipon upang kanilang ipaglaban

Maitaboy ang pinunong umabuso sa kapangyarihan

Naging kapanalig ilang pinuno ng bansa

Enrile at Ramos sa Administrasyong Marcos biglang kumaliwa

Nakiisa sa mamamayang naghahangad ng paglaya

Nagkapit-bisig ang lahat sa isang adhika

Tangkang pandigma’y naagapan

Di na dumanak ang dugo, at di kumitil ng buhay

Sa bisa ng pagkain at bulaklak na inialay

Di natuloy ang marahas na labanan.

Apat na gabi at tatlong araw, itinagal

People power revolution sa EDSA, naging makasaysayan

Pangulong Marcos, kasama ang pamilya’y lumisan

Namalagi sila sa bansang Hawaii.

Babaeng pangulo’y naluklok sa kapangyarihan

Pangulong Corazon C. Aquino ang kanyang pangalan

Nanumpa siya sa harap ng Kataas-taasang Pinuno ng Hukuman

Ibinalik ang demokrasyang kay tagal na inasam.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved