Friday, November 26, 2010

MAHUSAY NA PINUNO… ANO ANG SIKRETO?



Sinasabi na nasa kamay ng pangulo o pinuno ang pinakamabigat na tungkulin upang maging maayos ang isang bansa o anumang organisasyon o samahan. Sa isang kaharian, nasa kamay ng hari ang mabuting pamamahala upang maging maayos ang kaharian. Alamin natin ang sikreto ng kilalang hari o pinuno, ang hari ng Israel, si Haring Solomon. Siya ang haring nagkaroon ng walang kapantay na karunungan, kayamanan at karangalan.

Minsan, pumunta si Solomon sa Gabaon upang maghandog, sapagkat iyon ang pangunahing sambahan sa burol. Nag-alay na siya roon ng daan-daang handog na susunugin noong una. Kinagabihan, samantalang siya’y naroon pa sa Gabaon, nagpakita sa kanya si Yahweh sa panaginip. “Ano ang maibibigay ko sa iyo? Sabihin mo! wika sa kanya.

Sumagot si Solomon; “Kinahabagan ninyo at puspusang minahal ang aking amang si David na naging tapat sa inyo, matuwid at malinis ang puso. At ipinagpatuloy ninyo ang inyong pagkalinga sa kanya nang marapatin ninyong paluklukin sa kanyang trono ang isa niyang anak. Yahweh, aking Diyos, ginawa mo akong hari bilang kahalili ng aking amang si David, bagaman ako’y bata pa’t walang karanasan. Pinapamuno mo ako sa Iyong bayan, sa bayang ito na hindi na mabilang sa dami. Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling. Sapagkat sino ang maaaring maghari sa bayan Mong ito na napakalaki?

Ikinalugod ni Yahweh ang hiling ni Solomon. Kaya’t sinabi sa kanya: “Yamang hindi ka humiling para sa iyong sarili ng mahabang buhay, o kayamanan, o kamatayan ng iyong mga kaaway, kundi ang hiniling mo’y pagkaunawa at katalinuhang humatol, ipinagkakaloob ko sa iyo ang hinihiling mo. Binibigyan kita ng karunungang walang kapantay, maging sa mga nauna, maging sa susunod pa sa iyo. At bibigyan kita ng mga bagay na hindi mo hiningi; kayamanan at karangalan na di mapapantayan ng sinumang hari sa tanang buhay mo. At kung mamumuhay ka ayon sa Kalooban Ko, kung susundin mo ang Aking mga batas at mga utos, tulad ng iyong amang si David, pagkakalooban pa kita ng mahabang buhay. (Hari 3: 4-15).

Iyan ang sikreto ni Haring Solomon, ang haring nagkaroon ng walang kapantay na katalinuhan, kayamanan at karangalan. Dahil sa kanyang mahusay na pamumuno sa bayan ng Israel nagkaroon ang lahat ng magalang na pagkatakot sa kanya. Napatunayan nila na sumasakanya ang karunungan ng Diyos upang humatol nang makatarungan.

Ang pinunong may takot sa Diyos at marunong magpakumbaba at di nag-iisip ng sariling kapakinabangan sa halip ang kapakanan ng taong kanyang nasasakupan, ay isang mahusay na pinuno. Sa kanyang panunungkulan, kakamtin niya ang walang hanggang pagpapala at gabay ng Poong Maykapal.

9 comments:

Anonymous said...

pwede po bang magtanong anong uri po ng diskurso ito? At mayroon po bang bagong salita dito?ano po ang mga hiram na salita sa teksto?

Unknown on December 4, 2013 at 4:26 AM said...

ano po ba dito ang salitang hiram?, mga dyalektal na salita?, pagpapakahulugan sa mga salitang naiiba ang kahulugan? at ,ga bagong salita? email po sa popeyedol15@yahoo.com MARAMING SALAMAT :D

Unknown on March 19, 2019 at 11:15 PM said...

ano po ba dito ang salitang hiram?, mga dyalektal na salita?, pagpapakahulugan sa mga salitang naiiba ang kahulugan? at ,ga bagong salita? email po sa emierossangel28@gmail.com

Unknown on February 22, 2020 at 8:45 PM said...

ano ano ang mahahalagang konseptong nakuha sa teksto?ibigay pakibigay nalang po ng paliwanang

Unknown on February 22, 2020 at 8:47 PM said...

email po sa elenalapinid@gmail.com

Unknown on April 14, 2021 at 5:14 AM said...

Kng Sino mu Alam pakisagot po pls

Anonymous said...

Ano po Dito ang mga pangatnig na makikita sa bawat pangungusap sa sanaysay na ito? eh email nyo po Dito inionsharonrose24@gmail.com

Unknown on January 29, 2022 at 1:02 AM said...

Yan din tanong ko po...

Unknown on January 29, 2022 at 1:03 AM said...

pwede po bang magtanong anong uri po ng diskurso ito? At mayroon po bang bagong salita dito?ano po ang mga hiram na salita sa teksto salamat po.

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved