Kung tagurian siya’y “Champion of the Masses”. Tunay na idolo ng masang Pilipino, si Ramon del Fiero Magsaysay ay nanungkulan bilang ikatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos niyang talunin ang dating Pangulong Quirino sa halalang pampanguluhan noong 1953.
Napatanim sa puso ng taumbayan si Magsaysay dahil ang sa kapakanan ng karamihang tao ang binigyang-diin ng kanyang pangasiwaan. Dahil sa kanya, naibalik ang paniniwala at pagtitiwala ng tao sa pamahalaan. Pinagbuti niya ang kalagayan ng mahihirap sa pamamagitan ng pagtatatag niya ng PACD (Presidential Assistant on Community Development) sa paggawa ng mga daan, tulay at poso sa mga baryo. Binuksan niya ang pinto ng Malacañang sa mahihirap at itinakda niya ang isang mataas na pamantayang moral sa mga pinuno ng pamahalaan sa pamumuno niya.
Si Pangulong Magsaysay ang sumugpo sa panganib ng mga Huk sa pamamagitan ng paggamit ng lakas at pamumudmod ng lupa. Nahikayat niya ang mga ito na sumuko sa pamahalaan at mamuhay ng mapayapa. Nagtatag siya ng mga proyektong panahanan para sa mga nagsisuko. Ang katapatan at karisma ni Magsaysay ay nadama ng mga rebelde.
Ang pakikipag-ugnayang panlabas ay binigyan din ng pangulo. Kabilang sa mga bansang naging kalapit ng bansa hindi lamang sa aspetong pulitikal at pangkabuhayan ay Amerika at ang Hapon.
Hindi natapos ang panunungkulan ni Pangulong Magsaysay dahil sa pagkamatay niya sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan niya sa Bundok Manunggal sa Cebu noong Mayo 17,1957.
1 comments:
i like this page!!!!!
Post a Comment