Thursday, November 25, 2010

PARAAN NG PAKIKIPAGKALAKALAN SA MGA KOREANO


Bawa't bansa'y may iba't ibang kulturang kinagisnan. Kulturang nagiging batayan ng kanilang paniniwala, pamumuhay at pakikitungo sa kapwa.

Nais mo bang malaman kung paano isinasagawa ang pakikipagkalakalan sa mga Koreano?

Narito ang mga paraang nararapat isagawa upang maging matagumpay ang isang pakikipagnegosasyon.

Pagtawag sa Pangalan

Unang-una dapat tandaan ang paraan ng pagtawag sa isang taga-South Korea. Sa kanila, dapat tawagin ang isang tao sa titulo o huling pangalan lamang. Halimbawa: Doktor of Doktor Lee. Bago tawagin ang Koreano sa kanyang unang pangalan, dapat na ipagpaalam muna ito sa kanya. Kung gayon, kailangan ang pag-iingat upang maiwasan ang di pagkakaunawaan.

Pakikipagnegosasyon

Ikalawang dapat tandaan ay sa pakikipagnegosasyon. Hindi dapat gumamit ng pulang tinta sa pagpuna o pagsusulat ng pangalan ng isang tao. Ang ibig sabihin nito para sa kanila ay patay na ang tao kung gayon dapat na laging may dalang business cards upang may maibigay kung kinakailangan. Sa likod ng kard ay kailangang nakasalin sa wikang Koreano ang nasa kard. Hindi rin dapat sulatan ang kard na natanggap dahil ito'y isang paglabag sa kagandahang-asal. Sa unang pakikipagpulong sa kliyente, di-pinag-uusapan ang negosyo para lamang ito sa pakikipagkilala. Kapag pumasok sa kanilang tanggapan, hindi dapat umupo hangga't di-pinauupo.

Isa sa pinakamataas na "per capita" sa alkohol ang Korea. Nangangahulugan itong mahilig silang uminom kaya di-naaalis sa kanila ang inuman lalung-lalo na sa pakikipagbusiness deal. Hindi maaari sa kanila ang isang baso lamang, kailangang uminom din nang marami. Pinagdududahan nila ang isang taong ayaw uminom na baka ito'y may itinatago sa ganitong sitwasyon, karaniwang di naisasara ang deal o walang kinahahantungan ang usapan. Kailangang may makatwirang dahilan kung saka-sakaling ayaw uminom. Halimbawa'y ipinagbabawal ng relihiyon o kaya'y may mabigat na karamdaman.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved