Thursday, November 25, 2010

Ang Kalakalan sa Pilipinas



Kahirapan… isang pangunahing suliranin ng ating bansa na unti-unting kumikitil sa pag-asa ng mga mamamayan na magsikap makamit ang kaunlarang hinahangad ng lahat. Ang ugat - patuloy na pagbaba ng ekonomiya at pagbagsak ng halaga ng piso. Nakalulungkot isipin na kung gaano kabilis ang paglago ng makabagong teknolohiya ay ganoon naman kabagal ang pag-angat ng kabuhayan ng ating bansa noong sinaunang panahon hanggang sa pagdating ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa, at maitatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas?

Ang kasaysayan ng kalakalan ng Pilipinas ay dumaan sa ilang yugto, bago pa man natin nararating ang sistemang ginagamit natin sa kasalukuyan.

Ang mga sinaunang pamayanang Pilipino ang nagpasimula ng pangangalakal sa ating bansa. Ang sistema ng kanilang pangangalakal ay barter o palitan, kung saan ang dalawang mangangalakal ay magpapalitan lamang ng kani-kanilang mga kalakal. Limitado ang mga produktong naipagpapalit ng ating mga ninuno sa mga dayuhang mangangalakal sapagkat umaasa lamang sila sa produkto ng kalikasan tulad ng perlas, mga lamang-dagat, mga kabibe, mga isda at mga yamang mineral tulad ng ginto.

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, binago nila ang simpleng sistema ng pangangalakal ng ating mga ninuno. Ipinakilala nila ang bagong sistema ng pamilihan. Bagama't nagtagumpay ang mga Kastila sa pagpapaunlad ng ating ekonomiya, nagkaroon din sila ng mga suliranin sa sistemang ito. Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nagsikap na palaguin ang kanilang produksyon sapagkat malaking bahagi nito ay napupunta lamang sa pamahalaan at ang natitira ay halos hindi makasapat sa kanilang pangangailangan.

Ang mga tributo, "reales compras", kalakalang galyon at pang-aabuso ng mga alkalde ang nagbigay ng negatibong epekto sa ekonomiya ng bansa. Natuto ang mga Pilipino maging pabaya sa panloob na kalakalan. Sa kabila ng kalagayang ito, napayaman din ng bansa ang kulturang taglay sa larangan ng kalakalan. Ang dating barter ay naging malayang kalakalan na gumagamit ng salapi.

Malaki ang naiambag ng mga Amerikano ng dumating sila sa bansa. Nagkaroon ng bagong sigla sa pangkabuhayang pag-unlad ang Pilipinas. Napaunlad na mabuti ang anim na pangunahing produkto ng bansa: bigas, mais, niyog, abaka, asukal at tabako. Lubos na napabuti ang pagsasaka. Lumaki ang produksyon kaya't umangat ang pamumuhay ng mga tao.

Nakaragdag sa kalakalang panlabas ng Pilipinas ang pagtatatag ng limitadong malayang kalakalan sa Estados Unidos noong 1909. Sa tulong ng Amerika, malaki ang iniunlad ng kabuhayan ng bansa.

Nang matamo ng Pilipinas ang kasarinlan noong 1946, malaki ang iniunlad ng pangkabuhayan ng mga Pilipino. Sa panahon ding ito itinakda ang Batas Bell sa kalakalan. Ito ang batas na nagtatakda ng ugnayang-pangkalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na umiral hanggang 1954. Pangunahing probisyon nito ang pagtatakda ng malayang kalakalan.

Sa bawat panahong pamumuno ng iba't ibang pangulo ng bansa, sinikap nilang maibangon ang unti-unting pagbagsak ng ekonomiya ng bansa. Bumuo ang bawat isa sa kanila ng programa upang mapahusay ang takbo ng ating ekonomiya at maiangat ang pamantayan ng kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino.

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating kalakalan, malaki pa ang pag-asa ng ating bansa na mapabuti ang kalagayan nito kung tayo ay sama-samang kikilos bago mahuli ang lahat!

15 comments:

Anonymous said...

ganda ng background music..

Anonymous said...

maliit ang naitulong nito sa aking ass

Anonymous said...

tnx sa tulong.. gnda ng blog mu.. my background music pa..

Anonymous said...

maganda ang blog kaso sagabal po ang bgmusic in my opinion

Anonymous said...

nice background music!!! :)

Anonymous said...

mas maganda po sana kung dadagdagan pa po ung mga ideas!!!pero maganda na rin naman po!!!:):):)

Unknown on November 15, 2011 at 3:34 AM said...

wow ah kala ko kung ano

Anonymous said...

thanks sa tulong ni2!!

POLIKY on January 29, 2012 at 5:53 PM said...

nice

Sol on February 19, 2012 at 12:43 AM said...

salamat sa impormasyon, magagamit ki bilang spring board sa paksa namin tungkol sa tingiang tindahan

Sol on February 19, 2012 at 12:48 AM said...

salamat sa impormasyon, magagamit ki bilang spring board sa paksa namin tungkol sa tingiang tindahan

Anonymous said...

astig din ung mouse cursor

Anonymous said...

..ang ganda ngah ng cursur!!!!!!!
,,bonggah mkabayang mkabayan!!

Anonymous said...

ganda ng background music...love ur site!!!!!

Anonymous said...

ganda ng background music...love ur site!!!!!

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved