Ang Suliranin ay bahagi ng ating buhay sapagkat ito ay isa sa mga dahilan kung bakit kailangan nating mag-isip ng mga paraan upang malutas ang isang suliranin. Kaya ang ating buhay ay nagiging masalimuot dahil sa iba't ibang suliranin at nararanasan. Ang kakapusan ay pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliraning pang-ekonomiya dahil sa pagnanais na matugunan ang walang katapusang pangangailangan at hilig ng tao, kailangang isipin ang mga paraan upang magamit nang lubusan ang mga pinagkukunang-yaman. Samakatwid dalawang magkakaugnay na suliranin ang kailangang harapin ng isang lipunan, suliranin sa produksyon at distribusyon.
Sa produksyon, alamin ang pangangailangan ng lipunan. Tulad halimbawa sa ating bansa, dapat alamin ang mga produkto o serbisyong kailangan ng tao at ng ekonomiya. Bigas ba o mga elektroniks at makinarya? kotse o mga pagkaing pangkalusugan? Kaya dapat piliin ang produktong ipoprodyus batay sa pangangailangan ng nakararaming miyembro ng lipunan upang ito ay mapakinabangan at makatulong sa pagtatamo ng hangaring mapanatiling buhay ang bawat miyembro ng lipunan pagkat ito ang pangunahing layunin ng isang ekonomiya.
Kung gayon dapat na dumaan sa iba't ibang proseso ang paglikha ng mga produkto upang maisaalang-alang ang mga bagay na makatutulong sa pagbuo ng produkto. Samakatwid, gamitin ang labor-intensive technique kung mayaman sa lakas-paggawa ang bansa sa mga produkto na makatutugon sa pangangailangan ng bansa. Kaya napagpasyahan na lilikha ng mga produktong naaayon sa pangunahing pangangailangan ng tao, tulad ng bigas. Alamin kung ilang porsyento ng mamamayan ang higit na nagpapahalaga sa produktong ito upang masiguro na hindi magkakaroon ng kakulangan ng produkto sa pamilihan.
Nagiging makabuluhan ang produksyon kung ang produkto ay maipamamahagi.
15 comments:
ok naman talaga ang post na ito...
nakakatulong sya kahit papaano sa mga tulad kong highschool na may reporting, nakakadagdag ng kaalaman..
tnx,.,. kua john
--oni
salamat .. . kaka tulong talaga. . .. . . :D
ayun !!
tnx d2 report ku bukas !!
haha slmat sa kaalaman !!
salamat!!!
salamat :)
thnx..
thnak you poh :)
lupet ! nkatulong ng sobra sobra :D
Thanks for this!! This is so much helpful
chuchungga
thank you!! malaking tulong ito for my report;
bangis
natuto ako sa post mo =)
anung school ka
SJA ako
tyy.
thank you
Post a Comment