Noong Setyembre, 1935 ay nagdaos ng halalan para sa mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt. Nagkaiisa ang mga mambabatas na "Anti" at "Pro" upang magsanib at magtatag ng Partido Coalition sa ilalim ng pamumuno nina Quezon at Osmeña. Nahalal si Manuel L. Quezon upang manungkulang Pangulo ng bansa at si Sergio Osmeña ang Pangalawang Pangulo.
Masiglang pinasinayaan ang pagbubukas ng pamahalaang Komonwelt noong ika-15 ng Nobyembre, 1935 upang mapangasiwaan ang pamamahala sa bansa nang maisakatuparan ang pagbibigay sa mga taong bayan ng tunay na kalayaan, maprotektahan ang pang-ekonomiyang interes ng Estados Unidos sa Pilipinas, matugunan ang papalakas na banta ng digmaan sa Pasifiko at maisa-ayos at mapatatag ang katayuang pampulitika.
Sa panunungkulan ni Quezon umabot sa 73 bahagdan ang kabuuan ng mga iniluluwas at inaangkat na produkto na nagbigay sigla sa usaping pangkabuhayan. Marami sa mga banyagang Amerikano ang nabigyan ng pagkakataong maglagay ng 537 milyong dolyar na investment upang magkaroon ng malaking puhunan sa bansa kaya't naging pag-aari nila ang may 18.9 bahagdan ng industriya at asukal noong 1939.
Ang malungkot nito, bilang kapalit ng kalayaan, itinakda ng Batas Tyding-McDuffie na ang mga produkto mula sa Estados Unidos ay ipapasok sa bansa ng walang taripa nang maproteksyunan ang mga Amerikano. Ito'y naging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas at nagbunga ng lalong pagdarahop ng mga Pilipino.
Ilang beses na nakipag-usap si Quezon sa mga pinuno ng Estados Unidos upang magkaroon ng mabuting pakikitungong pang-ekonomiya sa mga Amerikano. Noong 1937 lumikha ng Joint Preparatory Committee on Philippine Affairs sina Quezon at Roosevelt upang pag-aralan ang mga probisyong pang-ekonomiya ng Batas Tydings-McDuffie. Nagkaroon ito ng dalawang kasunduan para sa esktensyong ng malayang kalakalan hanggang 1960 at ang Hulyo 4, 1946, ang takdang paglaya ng Pilipinas.
3 comments:
tnx
nandyan lahat halos ng detalye X)
TNX
Thanks for the accurate info.
Post a Comment