Thursday, November 25, 2010

PANAWAGAN SA PAMILYA



ni Gng. Erlinda D.G. Antaran

Kilalang-kilala sa ngayon ang awiting “Selfless Love”. Isang awiting may malalim na kahulugan ang bawat kataga. Binibigyang pagpapahalaga ang matibay na relasyon ng pamilya. Ang pagmamalasakit ng mga magulang sa kanyang mga anak gayundin naman ang pag-ibig ng anak sa kanyang magulang.

Subalit nakakabahala na rin ang patuloy na suliranin ng bawat pamilya. Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga pamilyang nagkakawatak-watak. Ang patuloy na pagsira ng kanilang magandang kinabukasan. Mga kabataang nawawalan ng pag-asa. Mga pamilyang pinaghaharian ng galit, inggit, selos a kawalang pakialam sa kanyang paligid.

Hindi pa huli ang lahat. Isang panawagan ng pagkamulat at pagkagising sa kabutihan ng bawat pamilya ang hinihingi ng ating lipunan. Magbalik-loob sa ating Panginoon at manalanging muling mabuo ang pamilya. Hindi bukas kundi ngayon.

Panahon na upang ibalik ang buo at nagkakaisang tahanan, may pagmamalasakit sa kapwa at kapaligiran. Ito ang tunay na kayamanang na magliligtas sa nagigipit nating mga pamilya, lipunan at daigdig.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved