Bagama’t ito’y tumatagal lamang ng isang sandali, alaala nito ay maaaring manatili sa iyo. Isang kayamanang makapagpapasigla sa iba. Isang ngiti.
Ang isang ngiti ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapaikli ng isang kalamnan kung saan nagniningning ang mga mata at bahagyang kumukuha nang pataas ang mga gilid ng bibig na nagpapahiwatig ng kasiyahan. Ahhh… kaysarap ngumiti. Nakapagpapasaya na ay nakatutulong pa sa kalusugan. Nakakapagrelaks at nakapagpapatibay pa ng loob ng ibang tao. Ibinabadya din ng isang taimtim na ngiti ang ating mga damdamin kahit hindi tayo magsalita, ito man ay isang ngiti ng pagbati, ng simpatiya o ng pampatibay ng loob.
Ayon sa Kawikaan 3:27, “Huwag mong ipagkait ang mabuti doon sa mga kinauukulan, kapag nasa kapangyarihan ng iyong kamay na gawin ito”. Oo, sa pamamagitan ng simpleng pagngiti, makikinabang tayo at iba. Magsikap tayong ibahagi ang pinakamahalagang kaloob na ito, ang isang magiliw na ngiti. Uso man o hindi, linangin natin ang kakayahang ngumiti. Kung sa iba’y tila imposibleng gawin, simulan mo kaibigan. Sa iyong ngiti makikita at madarama ang tunay na pagkakaiba.
0 comments:
Post a Comment