Pananaliksik Tungkol Sa Paninigarilyo
I. PANIMULA
Sa panahon ngayon, hindi maitatangging tunay na laganap na ang paninigarilyo sa Pilipinas. Kung inyong mapapansin, tila bawat sulok ng ating bansa ay pinupugaran ng mga nagbebenta at gumagamit ng sigarilyo Mapaartista man o propesyunal, drayber o kahit ang mismong mga doktor at nars sa mga ospital ay kabilang sa populasyong ito. Kahit na ang mga mahihirap o tambay na ginagapang na lamang ang kanilang pang-araw araw na kakainin ay maaaring malakas ding manigarilyo. Dahil dito, hindi na nakapagtataka pa kung tutularan ng kabataan ang ganitong gawain.
Ang paninigarilyo ng kabataan ay maituturing na isa sa mga nangungunang isyung patuloy na pinagtatalunan at sinusubukang maibsan. Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nalululong sa bisyong ito. Dagdag pa rito ang kaalamang dumarami at tila pabata pa nang pabata ang mga sumusubok manigarilyo. Patuloy ang ganitong paglaganap kahit na marami ng mga solusyon at batas ang isinasagawa at isinasakatuparan upang labanan o di kaya naman ay mabawasan ang paglaganap ng gawaing ito.
Ang pamanahong papel na ito ay nagbibigay atensyon sa mga karanasan ng mga batang Pilipinong naninigarilyo. Kabilang na rito ang kanilang mga dahilan at pananaw ukol sa paninigarilyo pati na rin ang pagbabagong naidulot nito sa kanilang pamumuhay. Nakapaloob din dito ang ilang mga suhestyon sa pagtigil o pagbabawas ng paninigarilyo.
II. PAGPAPASALAMAT
Maraming maraming salamat sa mga tumulong sa akin upang maisakatuparan ko itong aking proyekto. Unang una sa lahat salamat sa mga kaklase ko dahil sa pagsagot sa aking mga katanungan, sa aking mga magulang na nagbigay sa akin ng pera, sa mga tambay na nagpainterbyu sa akin, at sympre sa aming guro na palaging nagtuturo sa amin maraming maraming salamat sa inyong lahat.
III. MGA TIYAK NA LAYUNIN
Nais makamit ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na layunin: paglalahad ng mga impormasyon tungkol sa kalagayan ng mga kabataang Pilipino kaugnay sa paninigarilyo; pagtatala ng mga karaniwang dahilan at salik na nakaaapekto sa desisyon ng kabataan na manigarilyo at mga karaniwang epekto ng paninigarilyo lalo na kung bata pa lamang ay nasimulan na ang ganitong bisyo; at pagbibigay ng ilang mga mungkahi at solusyon upang makatulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo.
IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.
Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.
V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik tungkol sa “Epekto ng Paninigarilyo” ay sumasakop lamang sa epekto ng paninigarilyo sa katawan ng mga tao sa bansang Pilipinas. Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.
VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang mga salita o katagang ginamit ay mahalaga upang Makita ang kabuluhan ng paksa at upang mailahad ang mga aral na nais nitong ipahiwatig. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideyang napapaloob sa pananaliksik.
VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAYAN NG
LITERATURA
Sa pamamagitan ng dokumentaryo, balita sa peryodiko at telebisyon, mababatid natin ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Lalung-lalo na ang mga bagay na nagaganap pantungkol sa kalagayan ng mga taong Naghihirap at nagkakaroon ng malubhang sakit katulad na lamang ng malnutrisyon.
VIII. ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUKUNAN NG DATOS
Sa pangangalap ng mga datos, Gumamit ako ng cellphone na recorder upang mabalikan ang mga panayam sa panahon ng kanilang pagsulat. Nagtanong tanong din ako sa mga taong nagninigarilyo sa loob at labas ng aming paaralan. Naginterbyu din ako ng aking kaklase na mahilig manigarilyo kahit na wala itong permiso ng kanyang mga magulang.
IX. PAGLALAHAD
A. Kalagayan ng Paninigarilyo ng Kabataan sa Pilipinas
Laganap na sa ating lipunan ngayon ang mga batang naninigarilyo. Nakalahad dito ang ilang istadistika at impormasyon tungkol sa mga batang naninigarilyo sa Pilipinas:
· 20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC, 2001)
· Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng World Health
Organization at Center for Disease Control and Prevention, 2007)
· Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)
· Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR, 2003)
· Isa sa walong estudyante na may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. (CDC-MMWR,
2003)
· May mas malaking posibilidad na manigarilyo ang mga batang lalaki kaysa sa mga babae. (CDC-MMWR, 2003)
· Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)
· 62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-MMWR, 2005)
· Ang mga bata na malapit sa kanilang mga magulang ay may mas mababang posibilidad na manigarilyo. (Teen
Tobacco Epidemic in Asia, 2004)
Sa mga susunod na bahagi ng pag-aaral na ito ay ipapakita ang ilang mga dahilan kung bakit mahirap tanggalin sa ating lipunan ang bisyong ito.
B. Mga Salik at Dahilan ng Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino
Sa bawat batang naninigarilyo ay mayroong kwento sa likod nito. Pare-pareho man silang nag- umpisang manigarilyo sa murang edad, iba-iba pa rin ang kani-kanilang mga dahilan. Ilan sa mga dahilan o salik na nakaaapekto sa kanilang desisyong manigarilyo ay ang mga sumusunod: Estado o kalagayan sa buhay, paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang kamag-anak, kakulangan ng patnubay ng magulang sa paglaki, peer pressure, kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema, pampalipas oras (relaxation or to relieve stress) at ang availability at murang presyo ng sigarilyo. (J. S. Ahluwalia, K. Resnicow, at W. S. Clark. 1998)
Hindi nililimita sa mga nakalista sa itaas ang mga maaring dahilan o salik sa paninigarilyo ng kabataan, sapagkat ang desisyong manigarilyo ay sadyang sabdyektibo.
C. Mga Nilalaman ng Sigarilyo na Nakaaapekto sa Kalusugan ng Gumagamit
Ang isang sigarilyo ay binubuo ng iba't ibang kemikal na ginagamit sa pang araw araw na buhay sa pormang insecticide (Nicotine), ginagamit sa lason (Arsenic) hanggang sa mga kilalang kemikal na nakapagsisimula ng kanser. Ang mga sumusunod ay ang mga pangunahing nakasisira sa kalusugan ng sino mang naninigarilyo:
· Nicotine
Ito ay isang insecticide at herbicide na nakalalason sa nervous system ng isang tao. Ito ang pangunahing nakadudulot ng adiksyon sa naninigarilyo. Pinaparalisa nito ang mga muscles of respiration o paghinga kapag ito ay kinonsumo nang higit sa kaya ng ating katawan. Ang taong makalalanghap ng nicotine ay makakaramdam ng pagkairita, pagkagutom at pagbaba ng konsentrasyon.
Ang nicotine na may mahinang konsentrasyon ay isang stimulant na nakapagpapahusay ng kaisipan, konsentrasyon at memorya ng isang tao (helpwithsmoking.com). Ito ay isang droga na nakapagpapataas ng bahagdan ng dami ng Dopamine, isang neurotransmitter na may kaugnayan sa sensation ng sarap at saya, sa ating katawan. Ito ang dahilan kung kaya nakadarama ng sensation ng pagka-relax ang mga gumagamit nito.
Ang nicotine din ay nakakapagpahina ng gana kumain kaya naman ang mga kababaihan na gumagamit nito ay nahihirapan tumigil sapagkat sila'y nangangamba na bigla silang tataba sa paghinto nila nito. Kahit na kaunting nicotine lang ang pumapasok sa loob ng katawan, may kakayahan pa rin ito na gawing nicotine dependent ang sinumang gumamit kaya naman napakahirap para sa kanila ang huminto sa paninigarilyo. Ang mga taong naadik dito ay nakararanas ng mga tinatawag na withdrawal symptoms tulad ng pagkahilo, pagkagalit, at lubos na kalungkutan sa tuwing sinusubukan nilang ihinto ito.
1. Tar
Ito ay isa sa mga nagdudulot ng kanser sa mga naninigarilyo. 95% ng insidente ng lung cancer ay nag-uugat sa pagkalanghap ng tar. Kapag sumobra ang exposure sa kemikal na ito, naninigarilyo man o hindi ay magkakaroon ng malaking posibilidad na magkaroon ng kanser sa baga.
· Carbon Monoxide
Pinapalitan nito ang oxygen sa katawan na makasasama sa kalusugan ng tao; mauubusan ang supply ng oxygen sa buong katawan na magdudulot ng pagkahina ng mga ugat at tissue na kapag hindi nabigyan ng sapat na hangin ay mamamatay hanggang ang indibidwal ay mamamatay rin. Ito rin ay nagdudulot ng pagsikip ng mga daluyan ng dugo na dahilan ng mga komplikasyon sa puso.
Karamihan sa mga kemikal ng sigarilyo ay tinatawag na irritants. Sinisira nito ang mga sinasabing cilia o filter ng ating respiratory system hanggang sa puntong hindi na maaaring linisin ang anumang hangin na pumapasok dito. Dahil dito, makararanas ang gumagamit ng matinding pag-ubo, kahirapan sa paghinga, hanggang sa pagkasira ng baga. Sinasabing umaabot sa 4000 ang mga irritants sa isang sigarilyo at lahat ng iyon ay nalalanghap, hindi lamang ng gumagamit kundi pati na rin ang mga tao sa kanyang paligid.
D. Mga Epekto ng Paninigarilyo
Alam nating maraming masasamang epekto ang paninigarilyo sa ating populasyon. Ngunit, bakit nga ba patuloy pa rin ang paglaganap nito hanggang sa kasalukuyan? Isa sa pinakamahalagang dahilan ay ang tinatatawag na peer pressure kung saan naiimpluwensyahang manigarilyo ang isang bata ng kanyang mga kaibigan dahilan sa kagustuhang makisama sa mga ito (helpwithsmoking.com). Ang ilan naman ay nagsasabi na ito ay nakapagbibigay ng relaxing sensation, ngunit sa katunayan ay nagdudulot ito ng ganitong pakiramdam dahil may iba pang ginagawa ang tao na nakapagpapa-relax habang naninigarilyo tulad ng pag-upo, pakikipagkwentuhan, atbp. (helpwithsmoking.com). Ang ilan naman ay nagsasabi na ang paninigarilyo ay nakatutulong mag-isip. Ito ay nakapagbibigay ng bagay (ang sigarilyo) para pagtuunan ng ating kumpletong atensyon at samakatuwid nakakatulong sa ating konsentrasyon (Dichter 1947), ngunit ito ay maituturing lamang na sekondaryang epekto. Ang ilang nabanggit na mga psychological na epekto ng paninigarilyo ay hindi nangyayari sa lahat sapagkat nasa isip lang ito ng gumagamit. Bagamat sinasabi ng ilan na nakakatulong ito sa kanila, kaakibat naman nito ang mga pinsalang matatamo sa paggamit nito at hindi ito matutumbasan ng mga nabanggit na mabuting epekto.
Ang pinakakilalang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao ay ang pagiging mas vulnerable sa sakit (Martin, 2008). Ilan sa mga sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo ay ang kanser sa baga at ilang mga komplikasyon sa puso. Maaari rin itong magresulta sa abnormal na panganganak sa mga naninigarilyong kababaihan (www.prolife.org.ph). Ito rin ay maaaring makasira sa itsura ng isang tao tulad ng paninilaw ng labi at mga daliri pati na rin ang pagkasira ng ngipin, at pagbaho ng katawan (Clarke, 1986). Nasisira din ang reputasyon ng mga gumagamit nito sapagkat ang kultura natin ay mayroong negatibong pananaw sa mga naninigarilyo (www.prolife.org.ph). Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring magdulot ng adiksyon, kung saan sa patuloy na paggamit ng sigarilyo ay unti-unti silang sumasalalay dito (Salazar, 2007). Ang mga taong naadik dito, lalo na ang mga mahihirap, ay maaaring magkaroon ng dagdag na gastos na siya namang magdudulot ng dagdag na kahirapan (Mahonev, 2003). Siyam sa bawat sampung naninigarilyo ay may kaalaman sa mga bantang ito subalit patuloy pa rin silang naninigarilyo (Pazzibugan, 2008).
E. Paano Mababawasan ang Paninigarilyo ng Kabataang Pilipino?
1. Paano Pipigilin?
Ang mga magulang ay may pinakamalaking impluwensya sa kanilang mga anak. Ang mga bata ay natututo sa panggagaya sa kanilang mga nakikita, partikular sa mga gawain ng kanilang mga magulang. Dahil dito, napakaimportanteng magsilbing mabuting modelo ang mga magulang at patnubayan ang mga anak habang sila ay lumalaki. Ang mga sumusunod ay mga pahayag ni Scott, S.,L.P.C.,L.M.F.T. na tungkol sa ilan sa mga maaaring gawin ng mga magulang upang maiwasan na matutong manigarilyo ang kani-kanilang anak: maging isang mabuting modelo sa anak; kung ayaw ninyo silang manigarilyo, siguraduhing kayo mismo ay hindi naninigarilyo; turuan at ipaalam sa anak ang mga hindi mabuting epekto ng paninigarilyo tulad ng mga sakit na maidudulot nito, mga masasayang na pera at ang kasamaang dulot nito sa kalikasan; maging vocal sa pagsulong ng isang smoke-free environment. Halimbawa, sa bahay, siguraduhing walang mga sigarilyo at ashtrays; sa tuwing kayo ay kakain sa labas, imungkahi sa restawran na magsadya ng mas malaking espasyo para sa non-smoking area kaysa sa mga smoking areas; magreklamo sa mga kompanya ng tobacco na ang kanilang mga advertisements ay hindi kaaya-ayang makita ng mga batang nasa murang edad; at turuan ang mga anak na manindigan sa mga prinsipyo lalo na kapag nariyan na ang salik na peer pressure. Laging tatandaan na timbangin ang masama at mabuti sa bawat desisyon na gagawin. Hindi kailangang magkaroon ng ganitong uri ng bisyo para lang maging in o maging cool.
2. Paano tigilan ang paninigarilyo?
Si Proctor (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan upang matigil ang paninigarilyo:
panindigan ang desisyong pagtigil sa paninigarilyo; pangalagaan ang pangangatawan: sikapin matulog ng walong oras, uminom ng walong baso ng tubig, kumain ng masusustansyang pagkain at magehersisyo; lantarang ipahayag ang pagkagusto at ang nararamdamang tuwa dahil ikaw na ngayon ay tobacco-free; kapag inalok ka ng sigarilyo, manindigan na tumanggi rito. Maghanap ng mga taong susuporta sa iyo (mga kaibigan at pamilya); tanungin ang sarili kung ang paninigarilyo ba ay nakatutulong sa mga responsibilidad mo sa buhay; at magtala ng datos kung ilang beses mo naramdaman sa isang araw na kagustuhang manigarilyo.
3. Para sa mga kaibigan na nais tulungan ang kaibigan tumigil sa paninigarilyo
Si Ferguson (1996) ay nagbigay ng ilang mga paraan: huwag pagalitan o pagbantaan ang kaibigan. Sa ganitong paraan, makonsensya man ang kaibigang naninigarilyo, gugustuhin niya pa ring humithit ng sigarilyo para hindi na makonsensya pa. Ito ay nagtutulak pa sa kanya sa paninigarilyo; huwag isiping iisa ang paninigarilyo at ang nagsisigarilyo. Isipin pa rin natin na ang naninigarilyo ay tao pa rin at may damdamin. Subukang lumagay sa kinaroroonan ng kaibigang naninigarilyo upang maintindihan kung ano ang kanyang nararamdaman; huwag pagsabihan ang kaibigan kung ano ang dapat nilang gawin; sabihan ang kaibigan na gawin niya kung ano ang tingin niyang pinakamakabubuti para sa kanya; mag-alok sa kaibigan ng ilang mga maaring gawin katulad ng sports upang mapalitan nito ang paninigarilyo; purihin ang kaibigan sa bawat pagtanggi o pagpigil sa sariling manigarilyo.
X. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON
Sa pagtatapos ng papel na ito, napagtanto ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: una, masasaksihan sa panahon ngayon na dumarami at pabata nang pabata ang mga kabataang nagsisimulang manigarilyo; ikalawa, kahit sabdyektib ang desisyong manigarilyo, mayroon pa ring mga dahilang magkakapareho tulad ng pamilya, kaibigan, problema at paniniwala sa buhay na nakapag-uudyok na magsimulang manigarilyo; ikatlo, iba-iba man ang mga dahilan ng mga naninigarilyo, iisa lamang ang kanilang kahihinatnan, sapagkat pare-pareho lamang ang nilalaman ng sigarilyo. Halos lahat ng mga epekto nito ay nararamdaman ng naninigarilyo, maaaring magkaiba lamang sila sa paraan nang pagtanggap dito.
XI. PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON
Upang malutasan ang lumalalang isyu ng paninigarilyo sa mga kabataan, dapat pagtuunan ng pansin ang mga sumusunod: una, iminumungkahi ng mga manunulat na pagtibayin ang patnubay ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na habang sila ay bata pa lamang. Maging mabuting modelo sa mga anak; huwag hayaang sa mga magulang mismo mapulot ng mga anak ang mga hindi magagandang gawain. Ikalawa, maging mabuting impluwensya sa mga kaibigan. Ang pagiging mabuting kaibigan ay nangangahulugang hindi mo hahayaang ituloy ng iyong kaibigan ang kanyang ginagawang hindi maganda; dapat pa nga ay ikaw ang isa sa mga unang magpapatigil sa iyong kaibigan imbis na sabayan mo pa siya sa bisyong ito. Ikatlo, mahalin at pahalagahan ang sarili, ibang mga tao at ang kapaligiran. Isipin nang mabuti kung makasasama ba o makabubuti sa iyo at sa iba ang paninigarilyo.
XIII. BIBLIOGRAPI
Ahluwalia, J., Resnicow, K., Clark, W. (1998). Ethnicity and Disease Journal: Article: pp.385-393, Volume 8, Issue 3 (October 1998). Nakuha noong Disyembre 2009 sa http://atp.allenpress.com/perlserv/?request=get- abstract&doi=10.1043%2F1049510x.(1998)008%5B0385%3AKASRES%5D2.3L0%3B2&ct=1
BloodIndex. Nakuha noong January 2009 sa http://www.bloodindex.org/content_cigarette.php
Dichter, E. (1947). Why Do We Smoke Cigarettes?. Nakuha noong Enero 2009 sa http://smokingsides.com/docs/ whysmoke.html
Emer. (2008). Teenage Smoking in the Philippines. Nakuha noong Disyembre 2009 sa http://emeritus.blogspot.com/2008/01/teenage-smoking-in-philippines.html
How to Stop Smoking. Philippine Publishing House, Manila, Philippines. (1996) Clarke, D. (1996). Why I Smoke. How to Stop Smoking, 7. Ferguson, T. (1996). Helping A Friend Quit. How to Stop Smoking, 10- 11.
Proctor, S. (1996). How To Stop Smoking. How to Stop Smoking, 14-15.
Scott, S. (1996). Helping Children Resist. How to Stop Smoking, 12-13.
Mahonev, K. (2003). Facts About Smoking for Teen Christians. Nakuha noong Disyambre 2008 sa http://christianteens.about.com/od/advice/a/SmokingFacts.com
Martin, T.. (2008). Smoking Facts for Parent and Teens, The Dangers of Secondhand Smoke and More. Nakuha noong Enero 2009 sa http://quitsmoking.about.com/od/teensmoking/a/teensmokefacts.htm
Pazzibugan, D. (2008). Women smokers in RP getting younger. Nakuha noong Disyembre 2008 sa http://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/nation/view/ 20081204-176137/Women-smokers-in-RP getting-younger
Salazar, T. (2007). Will new Smoking pill work?. Philippine Daily Inquirer (October 6, 2007)
Smoking - Cigarette Contents. (2004). Nakuha noong January 2009 sa http://www.50plushealth.co.uk/index.cfm?articleid=922&ArticleAction=print
Smoking: Straight Talk for Teenagers. Nakuha noong Nobyembre 2008 sa http://www.prolife.org.ph/page/teen_touch10
Tobacco Use Among Students Aged 13-15 Years --- Philippines, 2000 and 2003. (2005) Nakuha noong Disyembre 2008 sa http:// www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/mm5404a3.htm
Why do people smoke - reasons why people start and continue to smoke. Nakuha noong Enero 2009 sa http://www.helpwithsmoking. com/why-people-smoke.php
World Health Organization. Nakuha noong Disyembre 2008 sa http://www.wpro.who.int/media_centre/fact_sheets/fs_20050528.htm
20 comments:
salamat :)
salamat sa lahat nagng gumagawa ng panaliksik na ito
parang nakakaiyak nmn yung music
T_T hehe
salamat po ng marami dito..
wow..nyc information that i learn so much... thank you
Salamat may project na ako
thanks makakatlong ito para mamulat ang mga gumagam8 ng sigarilyo...
Ang astig mo po kuya.
salamat po kuya :D
..slamat po..
thanks sa gumawa nito.. madami ako nakuhang info.. thanks po.. :)
salamat sa mga nanaliksik nito dahil malaki ang inyong naitutulong sa ating mga kababayan at sa labas ng ating bansa at isa rin ako sa sumasang ayon sa inyong mga information.
salamat sa pananaliksik na ito dahil nabubuksan ang isip ng mga kabataan sa masamang paggamit ng sigarilyo o paninigarilyo
salamat sa pananaliksik na ito dahil nabubuksan ang isip ng mga kabataan sa masamang paggamit ng sigarilyo o paninigarilyo
thanks
- maraming maraming salamat sa inyo !you're the best!keep up the good work
great :)
helpful much!!!!
Lokasyon at populasyon ng pag-aaral, paki please
Post a Comment