Sunday, November 21, 2010

Pamanahunang Papel(Autism)


Autism


I. PAGPAPASALAMAT

Maraming maraming salamat sa mga tumulong saken. Unang una sa lahat ang diyos dahil tinulungan niya akong matapos itong proyektong ito. Sa aking mga magulang dahil kung wala silang pera hindi ko rin masasakatuparan itong aking proyekto. At ang aming guro na kahit lagi siyang busy sa mga laban sa ibang paaralan maraming maraming salamat sa inyo.


II. INTRODUKSYON

Sa Ingles, autism ang tawag sa espesyal na kondisyon ng taong may di-normal na pag unlad. “May sariling mundo” ang bansag naman sa Tagalog bilang paglalarawan sa autism. Ang manipestasyon kasi ng di-normal na kalagayang ito ay kilos na parang walang kaugnayan sa paligid ng tao at mistulang gumagalaw siya sa sariling kapaligiran. Ang autism o autistic spectrum disorder ay isang komplikadong kapansanan na may kaugnayan sa pag-unlad o paglaki ng bata, na may mahalagang epekto sa paraan kung paano ang isang tao ay nakikipagtalastasan, nakikisalamuha sa ibang tao at makapagsaad ng emosyon at ideya. Ang mga salitang “Autistic Spectrum” ay kalimitang ginagamit sapagkat ang ganitong kalagayan ay nagkakaiba–iba sa mga tao. Ang Asperger Syndrome ay isang kalagayan na nasa hulihang bahagi ng spectrum kung saan mas maayos ang kalagayan o “more able end”. Sa bahaging hulihan ng spectrum kung saan hindi gaanong maayos ang kalagayan o “less able end” ay ang Kanner’s Syndrome o pinagsama-samang sintomas ng sakit na ito, na tinutukoy na klasikong autism. Ang autism ay abnormalidad kung saan nahihirapan ang utak sa pagproproseso sa mga nakalap nitong impormasyon o pakiramdam. Ito ay nagdudulot ng suliranin sa isang batang autistic dahil apektado ang kanyang pakikisalamuha at pagkatuto. Laganap ang autism sa buong mundo at karaniwang makikita ang mga sintomas nito sa unang tatlong taon ng isang bata.

Ang mga kondisyon at balangkas ng pag-uugali kaugnay ng “early infantile autism” o “maagang autism na nagmula pa sa pagkasanggol” ay unang inilarawan ng psychiatrist sa bata na si Leo Kanner (1943). Ayon kay Kanner, kabilang sa mga pangunahing katangian ng ganitong kundisyon ang matinding kaibahan sa pakikisalamuha sa lipunan, sa pakikipagtalastasan, masyadong mahirap ang proseso ng pag-iisip at may mga ritwal na balangkas ng pag-uugali. Sa halos kasabay na panahon sa Europa, isang halos katulad na grupo ng mga bata ang inilarawan ni Hans Asperger (1944), natatangi sila dahil sa pagiging kakaiba, inosenti at hindi naaangkop na pakikisalamuha sa lipunan, mahabang bulul-bulol at putul-putol na pananalita, kahinaan sa hindi-berbal na pakikipagtalastasan, mababaw na mga interes at mahinang kakayanan sa koordinasyon sa pagkilos ng katawan at sa pag-iisip. Inilarawan din sila na nahihirapan sa paggamit ng kasanayan sa isang paraang maaaring baguhin at kapaki-pakinabang. Ang ginawa ni Leo Kanner (1943) at ni Hans Asperger (1944) ang siyang bumuo ng batayan ng ating pagkaunawa sa Autistic Spectrum Disorder sa kasalukuyan. Habang marami pang mga debate tungkol sa kahulugan ng autism, at lalong-lalo na sa Asperger Syndrome, tanggap na ngayon sa pangkalahatan na ang autism pati na ang Asperger Syndrome ay kabilang sa isang mas malaking grupo ng mga sakit na may kaugnayan sa pakikisalamuha at pakikipagtastasan sa lipunan, na karaniwang kilala bilang Autistic Spectrum Disorder (ASD).



III. MGA TIYAK NA LAYUNIN
Ang pamanahong-papel na ito ay nagbibigay ng impormasyon hinggil sa autism at naglalayong matugunan ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang kahulugan ng autism?
2. Ano ang sanhi ng autism at mayroon bang lunas ito?
3. Anu-ano ang mga damdamin ng mga maysakit na autism? Nang kanilang
pamilya?
4. Ano ang damdamin pananaw at saloobin ng mga mamamayan sa autism?
5. Sapat na ba ang mga programa ng gobyerno at medya tungkol sa autism?


IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Sa kasalukuyan, marami na sa bawat miyembro ng pamilya ang nagkakaroon ng autism. Kaya naniniwala ang mga mananaliksik sa kahalagahan ng pag-aaral nito. Lingid sa kaalaman ng mga tao, lalo na sa mga ordinaryong mamamayan ang tunay na kahulugan ng autism. Marami ang natatakot o di kaya’y kinakaawaan ang taong may sakit na autism. Sa tulong ng pananaliksik na ito ay maibibigay ang tamang impormasyon sa mga mamayan. Mahalaga ang mga impormasyong ito, upang makatulong lalung-lalo na sa may autistic sa pamilya. Sa pamamagitan nito, ay malalaman nila ang sanhi, bunga at kung may lunas ba ito? Makakatulong din ito upang maibahagi sa mga mambabasa ang saloobin ng mga autistic at pati na rin ang kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa autism at kung ano ang mga saloobin nila. Bukod dito, maaari ring malaman kung sapat na ba ang tulong at impormasyong naipamahagi ng gobyerno tungkol dito.

Samakatuwid, sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, ang mga mamamayan ay magkakaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling makasalamuha sila ng isang taong may autism. Nais ding maipamamahagi ng mga mananaliksik na hindi dapat katakutan, kaawaan o pandirihan ang taong may autism. Bagkus ay kailangan nila ang pang-unawa at pagmamahal.


V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay-linaw tungkol sa kahulugan, sanhi at lunas kung mayroon man ang austism. Saklaw din ng pananaliksik na ito ang pagsusuri ng damdamin, pananaw, kaalaman at saloobin ng mga mamamayan tungkol sa autism. Limitado lamang ang dami ng respondente at mas binigyang pansin ang mga ordinaryong mamamayan sa pag-aaral na ito dahil sa kakulangan sa panahon.

Pinili rin ng mga mananaliksik ang mga ordinaryong mamamayan pagkat sila ang sumasalamin sa tunay na katayuan ng isang Juan dela Cruz sa ating bayan. Mula sa kanila ay malalaman kung sapat na ba ang impormasyon at tulong ng ibinibigay ng gobyerno.


VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang aking mga salitang o katagang ginamit ay hindi masyadong kilala ng mga ibang tao. Kaya’t hinusayan ko ang aking pagpapaliwanag upang mas maintindihan ng mga mambabasa kung ano ba ang mga gusto kong iparating.



VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA
Sa pamamagitan ng internet na siyang tumulong sakin upang mahanap ang mga impormasyong kailangan, sa dyaryo, at sa mga dokumentaryo tungkol sa autism. Lalung lalo na ang mga bagay tungkol sa autism.



VIII. . STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng sarbey-kwestyuneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, pananaw at kaalaman sa autism ng mga respondente.
Nagsagawa rin ng mga pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklat, proposal, pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.



IX. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON
Batay sa mga nakalap na datos, humantong ang mga mananaliksik sa sumusunod na kongklusyon:

a. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa autism ay katamtaman lamang.
b. Ang kaalaman ng mga respondente hinggil sa sanhi ng autism ay kaunti
lamang.
c. Karamihan din sa may autism sa pamilya ay nahihiya na ipaalam ang kanilang kalagayan at karamihan din sa kanila ang nahihrapan na tanggapin ito.
d. Karamihan sa mga respondente ay nababahala kung sila ay magkakaroon ng kamag-anak na may autism.
e. . Telebisyon ang pinakakaraniwang hanguan ng impormasyon hinggil sa
autism.
f. Karamihan sa mga respondente ay naaawa sa mga taong may autism.



X. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON
Batay sa mga napormulang kongklusyon, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod.
a. Para sa pamahalaan, paigtingin pa ang pagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan hinggil sa autism upang magkaroon ng sapat na impormasyon at kaalaman kung ano ang dapat gawin kung saka-sakaling makasalamuha sila ng isang taong may autism. Karaniwan sa telebisyon naririnig ng mga tao ang autism kaya dapat lang na palawakin ng medya ang pagbibigay ng impormasyon sa radyo, dyaryo at iba pa.
b. Para sa mga namumuno sa mga ospital at klinika, magsagawa ng mga seminar na maaring pamunuan ng mga dalubhasang mga empleyado sa ospital upang higit na mabigyan ng kaalaman ang mga tao hinggil sa autism.
c. Para sa mga propesor sa bawat kolehiyo, lalo na sa mga nagtuturo ng mga may kinalaman sa kursong narsing, nawa’y maging instrumento sila sa pagpapalaganap ng mga impormasyong kaugnay sa autism.
d. Para sa mga mag-aaral, mas palawakin pa ang kaalaman sa autism upang
maging mas epektib na nars sa hinaharap.
e. Para sa may mga autistic sa pamilya dapat hindi nila ito ikahiya bagkus ay bigyan ng pagmamahal at pagunawa.
f. Para sa may autism sa pamilya dapat ay hindi sila mahiya at matakot upang matulungan sila at mas maging madali na maunawaan nila ang dapat na gawin sa sitwaston na ito.



XI. PAGLALAHAD

Ang isyu ng Autism ay hindi na lingid sa kaalaman ng mga tao. Marami nang pag-aaral ang ginawa hinggil dito. 1 sa 150 na bata sa buong mundo ay may autism. Sa Pilipinas na lamang, tinatayang kalahating milyon ang mayroong kondisyon na ganito. Pero hindi dapat ito ituring na katapusan ng mundo, dahil sa tamang paggabay ng mga magulang pwede parin silang mamuhay ng normal, o hindi kaya’y maging matagumpay tulad ng ilang mga may autism, na ngayon ay unti-unti na rin lumilikha ng sarili nilang pangalan.

Ayon kay Eric Schopler & Gary Mesibov (1992), ang autism ay karaniwang nagkakaroon ng misconception sa mga tao. Ang autism ay isang neurological illness na nakakaapekto sa isang indibidwal sa kakayahan nitong makipag-usap at makisalamuha sa iba. Sila rin ay maaring makaranas ng mag isyu sa kanilang motor skils at pag poproseso ng impormasyon. Sinabi rin ni Wing, na hindi kilala ang eksaktong sanhi ng autism. Ito ay pinaniniwalaan na resulta ng abnormalidad sa estraktura ng utak. Ito rin ay pinaniniwalaang namamana at genetic.

Ayon din sa aklat ni Patricia Howlin (Autism - preparing for adulthood), nagkakaroon din kadalasan ng autism ang bata kapag sa panahon ng pagbubuntis ng ina ay may medical na isyu tulad ng x syndrome, esklerosis, rubella at iba pa. Naging argumento rin kung ang standard vaccine ay maari ring mag resulta sa autism.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Dr John Cannell, sinasaad na ang ating utak ay kumokolekta ng mgha impormasyon na nasa ating paligid. Nakukuha ang mga impormasyong ito mula sa ating senses – sa ating nakikita, naririnig, nahahawakan, nalalasahan at naamoy. Ang ating utak ang siyang responsible sa mga senses na ito at nagre-react sa impormasyong ating natatanggap.

Ngunit sa mga taong may autism ang impormasyong ito ay nakukuha nila ngunit hindi kayang tanggapin ang lahat ng ito ng kanilang utak. Normal ang kanilang pandinig, ngunit hindi nila maintindihan ang sinasabi ng kanilang kausap. At kung minsan ang tunog na mahina sa iba ay parang sobrang lakas sa kanila. Normal rin ang kanilang paningin ngunit may mga bagay na hindi kayang tanggapin ng kanilang mga mata pero may iba kinagigiliwan naman nila. Mahirap para sa kanila ang maintindihan ang nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Palatandaan ng autism
Kapag may ngumiti, iisipin mong Masaya ang taong ito o kaya’y nakikipagkaibigan. Alam ng ating utak kung anong ibig ipakahulugan ng ngiti. Ngunit ang mga taong may autism ay hindi alam ang bagay na ito. Sanay rin ang mga normal na tao sa mga ingay na naririnig sa araw-araw tulad ng ingay ng trapiko, tawanan ng mga bata, kantahan sa mga bar at iba pa. sa mga may autism hindi nila gusto ang mga ingay na ito dahil sensitibo ang kanilang tainga sa mga ito. Mapapansin din na ang ibang kilos at pananalita nila ay paulit-ulit at ayaw nilang makipag eye contact sa kausap. Mahirap din para sa kanila ang magsalita at umintindi sa sinasabi ng ibang tao.

Kung ang isang normal na tao ay gusting-gusto na makasama ang mga kaibigan, ang mga taong may autism naman ay nahihiyang makisalamuha sa iba maging sa kanilang sariling pamilya. Lahat tayo ay may kaibahan at uniqueness. Ang taong may autism rin ay ganoon, ilan sa kanila ay hirap intindihin ang buhay habang ang iba naman ay hindi gaano kalaki ang problema. Ang mga normal na bata ay nag-aaral sa iskwelahan, habang ang mga batang may autism ay nagaaral sa mga special centers o bahay na lang at may iba rin pumapasok sa ilang regular schools na tumatanggap ng mga special childrens. Ang mga normal na estudyante ay maraming mapag-aaralan sa loob ng isang araw samantalang ang mga may autism ay isa o dalawang bagay lang ang kanyang naiintindihan, bagama’t mataas ang kanilang kaalaman sa bagay na ito.

Hindi agad malalaman kung may autism ang isang bata. Hindi ito malalaman kahit magpakuha pa ng blood test para malaman ba kung may autism ba ang isang bata o wala. Minsan kinakailangan ng isang propesyonal o grupo ng mga espesyalista para masabing may autism ang isang bata. Ang mga taong ito ay maaring pediatrician, speech panthologist o mga magulang na may anak na may autism na higit na nakakaintindi sa kalagayan ng batang may autism.

Napansin ko na mula sa mga pag-aaral na nabanggit ay kadalasang nagkakaroon ng misconception ang mga tao hinggil sa mga taong may autism. Hindi rin nilalahad dito ang pananaw at damdamin ng mga mamamayan. Nawa’y ang pananaliksik na ito ay maging gabay nila at maging panimula upang malaman ang kahulugan ng autism. At sa pag-aaral din na ito ay mailahad ang pananaw at damdamin ng mga mamamayan hinggil sa autism.



XII. BIBLIOGRAPIYA
Berkell, D. (1992). Autism, identification, education and treatment. Hillsdale, NJ: Lawrence Erlbaum & Associates Publishers.
Cohen, D.J., & Donnellan, A. (1987). Handbook of autism and pervasive developmental disorders. New York: Wiley.
Gerlach, E.K. (1996). Autism treatment guide. Eugene, OR: Four Leaf Press.
Grandin, T. (1995). Thinking in pictures and other reports from my life with autism. New York: Doubleday.
Greenspan, S.I. (1992). Infancy and early childhood: The practice of clinical assessment and intervention with emotional and developmental challenges. Madison, CT: International University Press.
Harris, S. (1994). Siblings of children with autism: A guide for families. Bethesda, MD: Woodbine House.
Koegel, L.K., Koegel, R.L., & Dunlap, G. (1996). Positive behavioral support. Baltimore, MD: Paul H. Brookes Publishing Company.
Koegel, R.L., & Koegel, L.K. (1995). Teaching children with autism: Strategies for initiating positive interactions and improving learning opportunities. Baltimore, MD: Paul H. Brooks Publishing Company.
Mash, E.J., & Barkely, R.A. (1989). Treatment of childhood disorders. New York: Gilford.
Maurice, C. (1996). Behavior intervention for young children with autism: A manual for parents and professionals. Austin, TX: Pro-Ed.
Maurice, C. (1993). Let me hear your voice. New York: Knopf.
Powers, M.D. (1989). Children with autism: A parents guide.. Rockville, MD: Woodbine House.
Powers, M.D. (1996). Educating children with autism: A guide to selecting an appropriate program. Rockville, MD: Woodbine House.
Quill, K. (1995 ). Teaching children with autism: Strategies to enhance communication and socialization. Albany, NY: Del Mar Publishers.
Schopler, E., Van Bourgondien, M.E., & Bristol, M.M. (1993). Preschool issues m uutism. New York: Plenum Press.
Schreibman, L. (1988). Autism. Beverly Hills, CA: Sage. Siegel, B. (1996). The world of the autistic child. New York: Oxford University Press.
Siegel, B., & Silverstein, S.C. (1994). What about me: Growing up with u developmentally disabled sibling. New York: Plenum Press.
Smith, M.D. (1989). Autism and life in the community: Successful interventions for behavioral challenges. Baltimore, MD: Paul H. Brookes Publishing Company.
Wodrich, D.L., & Kush, S.A. (1990). Children's psychological testing: A guide for nonpsychologists (2nd Ed.). Baltimore, MD: Paul H. Brookes Publishing Company.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved