Sunday, November 21, 2010

Pamanahunang Papel(BAWAL NA GAMOT)



BAWAL NA GAMOT


I. PANIMULA

Napakaraming problema sa Pilipinas na kaugnay ang proseso ng pagtanda. Isa rito ay ang mali o ang pang-aabuso sa droga. Ang mga batang katulad namin ay madami na ring naririnig patungkol sa mga drogang nakapagpapabago ng isipan sa pamamagitan ng pakikinig sa mga balita. Pati rin ang barkada, kung saan makakakuha ng mga baluktot o maling impormasyon. Pangkaraniwan na sa ating kaalaman na ang uri ng kabuhayan, ang sosyolohikal at pisyolohikal ang mga dahilan kung bakit tumataas ang insidente ng paggamit ng droga ng mga teenagers.

II. PAGPAPASALAMAT

Unang-una ay nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi niya ako pinabayaan na masaktan ng mga taong na-interview ko. Nagpapasalamat din ako sa mga taong nagbogay ng kani-kaniyang mga pahayag ukol sa aking mga katanungan. Maraming salamat din sa aking mga kaklase sapagkat isa sila sa mga tumulong sa akin upang makapag-serbey. Kahuli-hulihan ay nagpapasalamat din ako sa computer shop na pinagpa-printan ko sapagkat sobra ang kanilang isinukli.

III. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Layunin ng aking pamanahunang papel na imulat ang mga kabataan ukol sa mga masasamang maidudulot ng droga, hindi lamang sa katawan kundi pati na rin sa isipan. Tatalakayin rin dito kung ano nga ba ang ibig sabihin ng droga at kung paano o saan ito ginagamit ng tama, o kailan mali ang paggamit nito, o kung bakit ito inaabuso.

IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Matututuhan rito ang iba’t-ibang uri ng droga ayon sa gamit at epekto, tama at maling paggamit ng droga, at ang mga pang-aabuso sa mga ito. Malalaman natin ang mga maaaring mangyari kung sakaling gumamit tayo ng droga at kung nakamamatay ba ito. Makadaragdag ito ng husto sa ating kaalaman at maiiwasan natin ang pagiging inosente.

V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Mahalagang ito’y matutuhan sapagkat may mga pagkakataon kung kailan nasasama ang usapan tungkol sa droga. Bagamat maselan ang mga ganitong bagay, mayroon ka namang kaunting kaalaman tungkol sa droga kaya kung sakaling may nakapagsabi ng maling impormasyon tungkol sa droga madali mo na ito maitatama.

VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

1. DROGA→ isang uri ng medisina na ginagamit sa iba’t-ibang bagay.

2. MASELAN→ pagiging sensitibo sa kung anumang bagay.

VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAYAN NG LITERATURA

Iba’t-iba ang aking mga naging sandigan, ngunit pinakamarami rito ay nanggaling sa mga libro at opinyon ng mga tao. Sa libro ay marami kang detalyeng makukuha at magiging matipid ka pa sa oras.

Malaki rin ang kaugnayan ng literatura sa aking pamanahunang papel sapagkat mas napadali ang aking pag-iisip ukol sa mga droga. Dahil din dito ay nadagdagan pa ang aking kaalaman kung bakit nga ba marami sa mga Pilipino ang nalululong sa masamang bisyo.

VIII. ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUKUNAN NG DATOS

Unang-una ay gumamit at nagbasa muna ako ng mga aklat na patungkol sa droga. Pagkatapos nama’y nagresearch ako sa internet upang madagdagan pa ang aking mga nakalap na impormasyon. Pagkatapos ay nag-serbey ako sa mga tao kung saan malalaman natin ang kanilang mga opinyon ukol sa paggamit ng droga.

IX. PAGLALAHAD

Ano nga ba ang droga? Ano ba ang kahalagahan nito sa bilang isang medisina? Anu-ano ang mga drogang naaabuso?

Ang droga ay isang uri ng gamot na ginagamit sa pantukoy ng karamdaman, panggamot, o para makaiwas sa mga sakit na dala ng tao o hayop. Ito rin ay kemikal na ginagamit upang makagawa ng isa pang medisina.

Ang droga ay nakatutulong din sa katawan at sa utak ng tao na mas mapaganda ang pagtatrabaho nito. Ngunit kinakailangang gamitin ito ng tama o ng nasa ayos, dahil ang maling gamot at maling dami nito ay maaaring magpalala ng karamdaman, makasira ng dudo, ng katawan at maaari pang magdulot ng kamaytayan.

Mayroong dalawang uri ang droga, may nakabubuti at may nakasasama. Ilan sa mga nakasasama ay ang shabu at ang marijuana. Nakasasama ito sa atin sapagkat ito’y naaabuso. Ang mga drogand naaabuso ay mayroong isang bagay na pagkakapareho. Sila’y nakapagpapabago ng kondisyon at asal ng mga tao.

Kabilang dito ang tinatawag na stimulants o mga drogang nagpapabilis ng trabaho ng nervous system. Ilang mga kilalang droga ang mag sumusunod:

1. CAFFEINE→ nakukuha sa kape, tsaa, tsokolate, softdrinks at iba pa.

2. SHABU o “poor man’s coccaine→ methampetamine hydrochloride ang katawagan dito. Ito’y isang central nervous system stimulant na kulay puti at parang maliliit na batong pulbo na may mapait na lasa. Ito ay maaaring singhutin o iturok sa katawan.

Isa rin sa mga nakasasama na kilalang-kilala dito sa paaralan ay ang marijuana. May botanical name na Cannabis Sativa. Paano nga ba ito ginagamit? Ang mga tuyong dahon nito at mga bulaklak ay dinudurog at ginagawang sigarilyo. Ang usok nito ay may matamis na amoy na parang sinusunog na tuyong damo. Ang marijuana ay binabago ang panlasa, pandama, pandinig at ang pang-amoy. Pinabibilis nito ang pagtibok ng puso, pinapababa ang temperatura ng katawan at ang lebel ng asukal sa katawan. Sa katagalan ay madaragdagan ang kahiligan na kumain. Bakit nga ba gumagamit ang mga tao ng mga ipinagbabawal na gamot? Gumawa ako ng serbey at ang mga teenagers ay tinanong ko kung bakit ang mga batang tulad niyo ay gumagamit ng droga. Nasa ibaba ang resulta ng serbey:


MGA DAHILAN

barakada

pagtakas sa problema na dala ng lipunan

pagliliwaliw

problema sa pamilya

para maging tigasin at magpasikat

magmukhang matanda na

nayayamot sa buhay

pagrerebelde

pagwawalang-bahala ng magulang

iba pang dahilan

walang sagot

PORSYENTO

29

26

15

11

10

8

2

2

1

3

9


Ang mga sumagot ay naniniwala na ang droga ay ginagamit upang masolusyonan ang kanilang mga problema.


X. PAGLALAGOM


Ang mga ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng iba’t-ibang epekto sa ating pangangatawan at pag-iisip kabilang rito ang malnutrisyon, mga sakit sa balat, at mga pisyolohikal at sosyolohikal na problema. Makasisira din ito sa ating pagdedesisyon at mahihirapan rin tayong makakuha ng trabaho.

XI. PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON

Ang mga drogang ito ay walang mabuting maidudulot sa atin sapagkat wala itong problemang masosolusyonan at nakadaragdag pa ito sa ating problema.mag-aral na lang kayo ng mabuti at bawas-bawasan ang madalas na paglabas ng bahay o kaya’y pagliban sa klase, higit sa lahat ay magdasal at manalangin sa Diyos upang gabayan niya tayo sa tamang landas.

XII. BIBLIOGRAPI

Zulueta, Francisco M. The Humanities (Revised ed.).

National Book Store, Manila, 1994.

4 comments:

Anonymous said...

tama!

Anonymous said...

.. qud !

Anonymous said...

:) Really Good!

Anonymous said...

correct!!!!!!!!!!
nka help gd n xa oder pipol!!!
and samun project....

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved