I.PAGPAPASALAMAT
Maraming salamat sa mga taong tumulong sa akin upang matapos ko itong proyektong ito. Maraming salamat sa mga inenterbyu ko na kahit na maseselan ang aking mga pinagtatanong kung ano nga ba ang seks. Salamat na din sa mga kaklase ko na tumulong sa akin upang maisakatuparan ko ito. Salamat din sa aking magulang dahil pinayagan nila akong magpunta sa ibang lugar upang maginterbyu ng mga taong bayaran at sila rin ang nagbigay sa akin ng pera upang matapos ko ito. Salamat din sa aming guro na si ma’am aida t. aspado kung hindi dahil sa kanya hindi naming ito magagawa ng maayos.
II.PANIMULA
Sa gitna ng krisis na ating kinakaharap ngayon, hindi natin maikakaila na ang kahirapan ay ang ating pinakamatinding suliranin. Dagdag pa rito ang malaking porsyento ng mga mamamayan ang walang trabaho, kaya naman maraming Pilipino ang pumapasok sa mga ilegal na gawain o kabuhayan, tulad na lamang ng prostitusyon--ang pagkakaloob ng sekswal na serbisyo kapalit ng pera. Kaugnay nito, mapapansin din ang lumalaking industriya ng student prostitution o ang pagpasok ng mga magaaral sa prostitusyon upang matugunan hindi lamang ang kanilang gastusin sa paaralan, kundi pati narin ng buong pamilya. Ngunit hindi natin maiiwasan na itanong sa ating mga sarili: ito nga ba ang sagot sa kanilang suliranin?
Sinasabing ”easy money” ang prostitusyon, at maari ring masabi na ito’y nakatutulong sa pagreresolba ng mga pinansyal na problema. Ngunit kapalit nito, nahaharap naman sa iba’t ibang uri ng panganib ang mga indibidwal na pumapasok sa ganitong kabuhayan.
Ang mga kabataang nahaharap sa ganitong uri ng suliranin ay natatambad sa iba’t ibang karamdaman na maaaring makuha sa pakikipagtalik. Ang mga student prostitute ay maaari ring maging biktima ng pang-gagahasa, pang-aabuso, at samu’t saring banta sa kanilang mga buhay. Dagdag pa rito, ang trabahong ito’y nagdudulot ng unti-unting pagkawala ng dignidad ng isang tao. Masasabing ang prostitusyon ay sanhi rin ng pagbaba ng tingin ng mga student prostitute sa kanilang mga sarili.
Sa pagpapatuloy ng pag-ulagta ng pangdaigdigang ekonomiya, mahihinuha ang hindi mapigilang pagtaaas ng bahagdan ng mga pumapasok sa ganitong trabaho. Ito ang nagudyok sa aming grupo na magsagawa ng pananaliksik ukol sa student prostitution.
III.MGA TIYAK NA LAYUNIN
Sabi ng ilan, “money is the root of all evil”. Taliwas naman sa akin ang kasabihang ito, bagkus ang kawalan ng pera ang pinaguugatan ng kasamaan. Dahil sa kahirapan maraming kabataan ang napapasok sa mga ilegal na trabaho gaya na lang ng prostitusyon. Ang Pilipinas bilang isang konserbatibo at Katolikong bansa, ay kinokonsidera ang prostitusyon na hindi katanggap-tanggap at kahiya-hiya. Ang paninging ito ay nagdudulot ng diskriminasyon kung saan ang mga student prostitute, na ang tanging nais lamang ay ang makatulong sa kanilang pamilya at ang makapagaral, ang nayuyurak. Layunin ng pag-aaral na itong maglahad ng mga impormasyon ukol sa kalagayan ng mga student prostitute sa kasalukayan nang sa gayo’y mamulat ang madla sa estado at iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga student prostitute, at kahit papano’y mabago ang paningin ng tao sa kanila.
IV.KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Mahalagang matalakay ang mga problema ng ating bansa isa na dio ay ang prostitusyon na lubhang dumadami dahil sa kahirapan. Mahalagang mapag-aralan ito upang malaman natin kung ano ang mga masamang maidudulot nito sa lipunan at sa ating mga sarili. Mahalaga din itong pag-aralan upang umonte ang mga taong pinagpapalit ang laman para lamang sa aliw at mamulat sila na mali ang kanilang ginagawa dahil may mga iba pa naming paraan upang kumita. Hindi lamang ang pagbebenta ng laman.
V.SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral kong ito ay nakapokus lamang sa prostitusyon. Hindi lamang dito sa pilipinas pati na rin sa mga ibang bansa. Kaugnay na dito ang mga panganib na naidudulot sa pakikipagseks, mga sanhi kung bakit nila binebenta ang kanilang mga laman. Pati na rin ang iba’t ibang epekto nito sa mga tao, at sa ating lipunan.
VI.KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang mga salitang o katagang aking ginamit ay makatotohanan dahil sa panahon ngayon madami nangkatiwalian ang nangyayari. Upang mailahad ko ng maayos ang gusto kong maiparating gumamit ako ng mga talinhaga, at gumamit din ako ng wikang ingles upang mas lalong maintindihan ng mga mambabasa ang aking pamanahong papel.
VII.SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA
Sa pamamagitan ng panunuod ng mga dokumentaryo sa telebisyon tulad na lamang ng “reporter’s note book”, “I Witness”, at iba pa , sa balita sa peryodiko. Mababatid natin na habang tumatagal ay humihirap na ang mga tao dahil sa kawalan ng trabaho kaya natututo silang ibenta pati ang sarili nilang katawan
VIII.STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS
Ang paraang aking ginamit upang bumuo ng datos ay nagtanong tanong ako sa mga kaklase ko, at sa mga kaibigan ko. Naginterbyu din ako ng isang lalaking bayaran. Marami pati akong nakuhang makatutulong na impormasyon sa internet at sa YM. Nakahanap din ako sa iba’t ibang libro ng mga tungkol sa prostitusyon.
IX.PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON
Sa kasalukuyan, hindi natin maikakaila na laganap ang kahirapan sa ating bansa. Maraming pamilya ngayon ang walang makain sa kanilang hapag-kainan, walang disenteng tirahan, at walang permanenteng pinagkakakitaan. Lumobo din ang bilang ng mga kabataang hindi maipagpapatuloy ang kanilang paga-aral dahil sa kakapusan. Kung hindi nama’y pinagsasabay nila ang pagaaral at pagtratrabaho. Ang iba’y estudyante sa araw, waiter o waitress naman sa gabi. Ang ilan ay naninilbihan bilang mga clerk sa library ng kanilang mga unibersidad. At may mga ilan na nagtratrabaho bilang mga prostitute.
Mababa ang tingin ng ating komunidad sa mga prostitute. Ngunit naitanong na ba natin sa ating mga sarili kung ginusto ba nila ito? May magagawa pa ba sila? Nais ng pangkat na sa pananaliksik na ito, maiiba ang mga pananaw ng madla sa mga student prostitute.
Sa aming pag-aaral, natukoy namin ang dahilan ng ilang mga estudyante kung bakit sila napasok sa kalakarang ito. Natalakay din ang iba’t ibang isyung kinakaharap ng mga nasabing student prostitute. Napag-alaman ng aming grupo na kadalasa’y napapasok ang mga kabataan sa ganitong uri ng kabuhayan unang-una dahil sa kakulangan sa pera. Hindi nila ginustong mapasok dito ngunit dahil sa mabilis ang kita, na nakakatulong sa pagtitipid ng oras, napilitan silang makipagsapalaran.
Ang mga student prostitute ay mga mag-aaral din gaya natin. Kung tutuusin masmabuti pa silang mga estudyante kumpara sa atin. Sila’y determinadong makapag-aral at makamit ang kanilang pangarap, mula’t rin sila sa matinding pangangailangang makatapos upang maiahon ang kanilang mga pamilya.
Naugnay man sa ganitong propesyon, ang mga kabataang ito’y nagpakita ng matinding pagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at pagsusumikap upang makamtam ang kanilang mga pangarap sa buhay. Nawa’y seryosohin ng lipunan ang mga isyung kinakaharap ng mga kabataang ito upang mabigyang kalutsan ang kanilang mga problema nang sa gayo’y sila’y makapagbagong buhay.
X.PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON
Kaugnay ng nasabing konklusyon, buong pagpapakumbabang inererekomenda ng aming grupo ang mga sumusunod:
a. Para sa mga estudyanteng nagigipit at nangangailangan ng pinansyal na suporta, sana’y pag-isipan ninyong mabuti ang mga desisyon na inyong gagawin upang matugunan ang inyong mga pangangailangan. Nawa’y lubos niyo nang naunawaan ang mga masamang dulot ng mga trabahong mabilis ang kita gaya na lamang ng prostitusyon.
b. Para sa mga kasalukyang nagtratrabaho bilang isang student prostitute, sana’y huwag kayong mawalan ng pag-asang mapabuti ang inyong kalagayan.
c. Para sa madla, sana’y maging bukas ang inyong kalooban sa kalagayan ng mga student prostitute nang sa gayo’y inyong maintindihan ang kanilang kalagayan at kahit papaano’y magbago ang tingin ninyo sa kanila.
d. Para sa mga mananaliksik, sana’y inyong pagibayuhin ang pananaliksik sa pamamagitan ng higit pang relevant na mga datos, pagdaragdag ng bilang ng mga respondent, at pagpapalawak ng sakop na respondent, nang sa gayo’y higit pang mapalawak ang kaalaman hinggil sa mga student prostitute.
XI.PAGLALAHAD
I. Prostitusyon
Ang Prostitusyon, ayon sa Canadian Encyclopedia at sa West’s Encyclopedia of American Law, ay ang pagbenta o paggamit ng sekswal na serbisyo (halimbawa: oral sex, sexual intercourse) para kumita ng pera. Ayon naman sa Brainy Quotes, ang prostitusyon ay isang gawain kung saan inaalay ng babae ang kanyang katawan para sa pakikipagpagtalik sa lalaki.
Ang prostitusyon ay itinuturing ng karamihang relihiyon na ilegal o makasalanan, at ang mga prostitutes ay pinapaniwalaang mababa ang antsas, estado o katayuan sa komunidad. Sa West’s Encyclopedia of American Law, ang prostitusyon ay inilalarawan bilang isa sa pinakamatandang propesyon sa mundo. Ayon rito, ang prostitusyon ay tumatalakay sa malawak na class lines, mula sa mga mahihirap na “streetwalkers,” hanggang sa mga “abusive pimps.” Sinabi rin ng West’s Encyclopedia of American law na ang isang prostitute ay habang buhay na mananatiling isang prostitute at hindi na ito maaalis sa kanyang pamumuhay. Ayon sa kanilang pagsusuri, na taliwas naman sa pagkakahulugan ng Canadian Encyclopedia, parehong mga lalaki at mga babae ang pumapasok sa ganitong trabaho. Dagdag din nila, marami ang nahahawahan ng karamdaman (mga sexually transmitted diseases) sa ganitong trabaho.
Ayon sa Canandian Encyclopedia, ang prostitute ay isang sex worker na nagbebenta ng sekswal na serbisyo. Mula naman sa isang artikulo ni Perkins (1991), ang prostitute daw ay isang babaeng pumapasok o sumusubok ng pakikipagtalik para sa pera at kabuhayan.
II. Mga Salik na Naguudyok ng Pagpasok sa Prostitusyon
Ayon sa Ministry of Justice Law Review Committee (2008) at sa Canadian Encyclopedia, nakikipagsapalaran ang mga tao sa ganitong trabaho unang-una dahil sa problema o suliraning pampinansyal. Karamihan sa kanila ay walang makain sa kanilang mga hapag-kainan, walang pang matrikula, o walang panustos sa pamilya.
Para naman sa ibang tao, ang pagiging isang prostitute ay isa lamang libangan. Sila ay nasisiyahan sa ganitong uri ng trabaho o di kaya nama’y sadyang mausisa at gusto lamang makaranas ng ekspiryens.
Ang iba’y maaaring dahil sa impluwensya ng mga kamag-anak, kaibigan, o kaklaseng nagtratrabaho sa mga club o barikan. Ang pagkakaroon ng isang sirang pagsasama sa pamilya ay maaaring magbunsod sa pagiging prostitute ng isa sa mga kasapi nito.
III. Kalagayan ng Prostitusyon sa Pilipinas
Ang prostitusyon sa Pilipinas ay itinuturing na ilegal sa batas. Isa itong seryosong krimen na pwedeng magtungo pa sa panghabang buhay na pagkakakulong. Ayon sa The International Labor Organization(ILO) at The Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), umabot ng kalahating milyon ang bilang nga mga prostitutes sa Pilipinas, noong taong 1993 at 1994, at 400,000 naman noong 1998. Ang prostitusyon ay nakaaapekto sa turismo lalong-lalo na sa Pilipinas, mas kilala ito sa tawag na “Sex Tourism” kung saan ang pagbibigay aliw ang dinarayo ng mga tao. Ang prostitusyon sa Pilipinas ay kumekeyter sa mga lokal na kostomer at mga dayuhan na siya namang madalas na maging kliyente ng mga nasabing prostitutes. Kahit na ipinagbabawal ang mga ganitong gawain, hindi maiiwasan ang mga ito. At kahit marami na ang mga nahuhuli, hindi pa rin nasusupil ang prostitusyon.
Ang mga syudad na may mataas na insidente ng prostitusyon ay ang Angeles, Olongapo, Subic Bay, at Pasay city na karamihan sa mga kostomer ay mga foreign businessman galing sa East Asian at Western Nations (Wikipedia.org).
Ang prostitusyon sa Olongapo City at Angeles City ay pinakaprominente noong panahon na nanatili ang mga Amerikano dito at magtayo ng kani-kanilang baseng pangmilitar, ang Subic Bay Naval Base at ang Clark Air Base. Nang ang Bulkang Pinatubo ay pumutok noong 1991, sinira nito halos lahat ng Clark Air Base at sinara ito ng U.S. noong 1992.
Dahil rito humina ang industriya ng prostitusyon sa kalapit na lugar, ngunit noong pinasara ni Mayor Alfredo Lim ang mga barikan na sangkot sa prostitusyon sa Ermita sa Maynila, karamihan sa mga ito ay lumipat sa Angeles City, kung saan nakahanap sila ng mga bagong kostomer na nagsilbing dahilan sa pagtaas ng turismo sa lugar na iyon. Ibang tourist areas tulad ng Cebu ay nagkaroon din ng mataas na insedente ng prostitusyon noong mga panahon na iyon.
IV. Student Prostitution o Children Prostitution
Ang student o child prostitution ay mga estudyante o mga kabataang nagtatrabaho bilang isang sex worker para kumita ng pera (Cantarini, 2007). Ayon naman sa International Labour Organization (ILO), tumutukoy ito sa mga batang nasa edad na 18 at pababa. Sinabi din ng ILO (Worst Forms of Child Labour Convention, 1999) na ang child prostitution ay isa sa pinakamalupit o pinakamasama na uri na child labor. Binigyang diin sa Convention na ang mga ganitong uri ng child labor ay dapat ng itigil.
Ang mga kabataang prostitute ay maagang naharap sa sexual intercourse. Karamihan daw sa kanila ay napapasok sa ganitong trabaho dahil napagdesisyunan nila na suportahan ang kanilang pamilya. Ang iba, hindi na matiis at naaawa na sa kanilang mga magulang. Sisinasabi rin naman na marami ang nagtatrabaho bilang isang prostitute at hindi ito ipinaaalam sa mga kamag-anak.
V. Mga Panganib na Hinaharap ng mga Student Prostitutes
Ang mga panganib na pwede nilang harapin ay maaaring pang-madalian o pang-matagalan (Hongach, 2007). Ang mga pangmadalian o tinatawag ding intermediate ay ang mga pambubugbog o pisisikal, mental, at emosyonal na pagpapahirap.
Ang mga pangmatagalan naman o tinatawag ding long term dangers ay ang mga sakit tulad na lang ng Sexually Transmitted Diseases, drug addictions, adverse psychological effects, at maaari din namang kamatayan. Ang pinakapanganib o kapalit ng pagiging isang prostitute ay ang mataas na probabilidad na sila ay makakaranas ng violent assault. Maaari din silang makaranas ng rape at abuso.
Natatakot ang mga estudyante na nabibilang sa ganitong trabaho na magsumbong sa mga nakakataas dahil iniisip nila na baka hindi seryosohin ng mga otoridad ang kaso at sila pa mismo ang huliin.
XII.APENDIKS
abusive pimps, 6
adverse psychological effects, 8
Brainy Quotes, 5
Canadian Encyclopedia at sa West’s Encyclopedia of American Law, 5, 6
child prostitution , 7
class lines, 6
club o barikan, 6
drug addictions,8
easy money, 1
foreign businessman, 7
Ministry of Justice Law Review Committee (2008), 6
money is the root of all evil,2
prostitute, 4,6,7,8
Sex Tourism, 7
sex worker , 7
sex worker, 6
sexual intercourse, 8
Sexually Transmitted Diseases,8
streetwalkers,6
student o child prostitution , 7
student prostitution, 1, 2, 4
The Coalition Against Trafficking in Women-Asia Pacific (CATW-AP), 6
The International Labor Organization(ILO), 6
violent assault, 8
XIII.BIBLIOGRAPIYA
Ambrogi, R. J. (2008). Porn Star, Hooker, Law Student. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://legalblogwatch.typepad.com/legal_blog_watch/2008/08/porn-star-hooke.html
Bangkok Post. (2001). More students selling sex for extra cash. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.thailandlife.com/thaiyouth_39.html
Bullough, V. L. "Prostitution in the Later Middle Ages. " Sexual Practices and the Medieval Church. Ed. Vern L. Bullough and James Brundage. Buffalo: Prometheus Books, 1982, pp.176-86.
Cantarini, A. (2007). Child Prostitution in the Philippines. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.slideshare.net/andrea1129/child-prostitution-in-the-philippines2
Farmer, B. (2007). Cambridge students 'work as prostitutes'. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.telegraph.co.uk/news/1565748/Cambridge-students-‘work-as-prostitutes’.html
Hickenbottom, I.L. (2002). Prositution: Then and Now. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.cwrl.utexas.edu/~ulrich/femhist/sex_works.shtml
Hongach, W. (2007). National Center for Missing & Exploited Children. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.missingkids.com/missingkids/servlet/PageServlet?LanguageCountry=en_US&PageID=1494
Hughes, D.M. (2007). Factbook on Global Sexual Exploitation The Philippines. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa http://www.uri.edu/artsci/wms/hughes/philippi.htm
McLeod, D. (2008). PIMPS IN SCHOOLS: Boys running prostitution ring in four institutions. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.jamaica-star.com/thestar/20080118/news/news1.html
Montaldo, C. (2007). Prostitution: A Victimless Crime?. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://crime.about.com/ad/a/prostitution.htm
Perkins, R. (1991). Working Girls: Prostitutes, Their Life and Social Control. Nakuha noong Pebrero 15, 2009 sa
http://www.ncjrs.gov/App/publications/abstract.aspx?ID=133758
Riva, M. (n.d.). Prostitution in the Middle Ages. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.brown.edu/Departments/Italian_Studies/dweb/society/sex/prostitution.shtml
The Canadian Encyclopedia. (2007). Prostitution. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://thecanadianencyclopedia.com/index.cfm?PgNm=TCE&Params=A1ARTA0006521
West Encyclopedia of American Law. Prostitution. Nakuha noong Pebrero 15, 2009 sa
http://www.answers.com/topic/prostitution
Wikipedia.Org Encyclopedia. (n.d). Prostitution. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://www.aboutsociology.com/sociology/Prostitution
Wikipedia.Org Encyclopedia. (n.d). Prostitution in the Philippines. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Prostitution_in_the_Philippines
Wikipedia.Org Encyclopedia. (n.d). Prostitution of children. Nakuha noong Enero 3, 2009 sa
http://en.wikipedia.org/wiki/Prostitution_of_children
Worst Forms of Labour Convention. (1999). Worst Forms of Child Labour Convention, 1999 (No. 182), Article 3. Nakuha noong Pebrero 15, 2009 sa
http://www2.ohchr.org/english/law/childlabour.htm#wp1046402
1 comments:
salamat dhil nagkaron aq ng ideya qng pano gumawa ng isang term paper^_^
Post a Comment