I. PAGPAPASALAMAT
Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, marami ang nakatulong sa akin upang magawa ito ng tama at matagumpay. Nagpapasalamat ako unang una sa diyos na siyang gumabay sa akin upang matapos itong proyektong ito. Sa aking mga magulang na nagbigay tulong pinansyal upang matapos at magawa ko ito ng maayos. At sa aming guro na walang sawang nagtuturo kahit na busing busy siya dahil sa dami ng mga ginagawa. Maraming maraming salamat sa inyo.
II. PANIMULA
Pinagdaanan ng Pag-aaral
Pinag-eeksperimentuhan, pinaglalaruan, sinasakyan, inaalisan ng balahibo, nginangaso, binubuhusan ng mainit na tubig, pinuputulan ng buntot, kinakain, sinusuot, pinagkakasiyahan, pinagpupustahan, pinapahirapan, pinapatay at marami pang iba. Yan ang mga ilan lamang sa mga ginagawa sa hayop noon at lumalala pa maging sa ngayon. Para sa mga tao ay pangkaraniwan lamang. Para naman sa mga hayop ay talagang napakalaking kawalan. Kahit saang lugar mang pumunta, makikita ang kawalan ng katarungang nararanasan nila ngayon.
Kaya gumawa ng pag-aaral ang mananaliksik upang malaman pa ang mga nararanasan ng mga hayop at kung anu-ano ang mga maaaring gawin upang matulungan ang mga ito na makamit gamit ang mga iba't ibang libro, internet, mga balita sa radio at TV at tugon nga mga tao sa kuwestiyuner.
Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema
Bago pa man malikha ang mga tao, naninirahan na ang mga hayop dito sa lupa. Nangangahulugan itong hindi kailanman ginawa ang mga hayop para sa mga tao. Sa halip, ang mga tao ay ginawa para makasama ng mga hayop. Kaya walang karapatan ang mga tao para alisin ang mga karapatan ng mga hayop. Gayunpaman, hindi ito sinusunod ng mga tao. Dahil dito, nilalayon ng pananaliksik na ito na sagutin ang mga sumusunod:
· Talaga nga bang naaalisan na ng mga karapatan ang karamihan sa mga hayop?
· Naituturing bang pantay pa rin ang mga batas na naipatutupad para sa mga hayop at mga tao?
· Nabibigyan ba nga tamang pangangalaga ang mga hayop?
Haypoteses
• Karamihan sa mga hayop ay patuloy na naaalisan ng karapatan.
• Hindi pantay ang mga batas na naipapatupad para sa mga tao at hayop.
• Hindi nabibigyan ng tamang pangangalaga ang mga hayop.
III.MGA TIYAK NA LAYUNIN
Ang mga pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung ano ang mga maaaring gawin upang maitaguyod ang tamang pagpapakita sa paggalang ng mga karapatang panhayop at kung paano makapamuhay kasama nila nang hindi sila napapahamak.
Layunin rin ng pag-aaral na ito na alamin ang lahat ng mga dapat na sundin na mga karapatan ng mga hayop, alamin kung bakit nilalabag ang kanilang mga karapatan at alamin ang mga iba't ibang pinaggagagawa ng mga tao na hindi nagpapakita ng paggalang sa mga naipatupad na karapatan ng mga hayop.
IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL
Hindi ginawa ang mga hayop upang pagkasiyahan ng mg a tao. Hindi rin ito ginawa mamuhay nang gaya rin ng mga tao. Ang mga hayop ay may sariling mga karapatan tulad rin ng mga tao. Ngunit naalisan sila nga mga ito sa pamamagitan ng mga pagpapahirap at pagpatay. Ang malala pa rito ay walang itinakdang kaparusahan para sa mga gumagawa nito. Hindi nabibigyan ng kahalagahan ang kanilang mga buhay kahit pa man pare-parehas din naman ang pagpapahalagang ginagawa ng Diyos na siyang talagang lumalang sa kanila at maging sa mga tao.
Isa pa, hindi lamang ang kanilang karapan ang nawala sa kanila. Gayundin ang katarungang dapat ay tinatamasa nila.
Kaya naman ang pananaliksik na ito ay naghahangad ng mga impormasyon upang malaman ng mga mambabasa ang mga maaari nilang maitulong upang mabawasan ang mga hirap na nararanasan ng mga hayop at upang malaman rin na mayroon pa ring mga karapatan ang mga hayop na kailangang respetuhin at masunod.
V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
· Alamin kung anu-ano ang mga pangunahing karapatan ng mga hayop.
· Alamin ang mga dahilan ng mga paglabag sa karapatang panhayop.
· Alamin kung anu-ano ang mga ginagawa ng mga tao na hindi rumerespeto sa mga karapatan ng mga hayop.
VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT
Ang Mga salitang aking ginamit ay puro pangkaraniwan lamang upang mas madali itop maintindihan ng mga babasa ng aking pamanahong papel. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideyang napapaloob sa pananaliksik.
VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA
Ang mga ginamit na mga materyales sa pag-aaral na ito ay ang mga panulat at talaan upang mas makuha ng detalyado ang mga sinasabi ng mga rumiresponde. Malaki rin ang tulong ng internet dahil karamihang sa mga impormasyon na narito ay galing sa mga nahanap na kaugnay na mga katanungan.
VIII. STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS
Upang makakuha ng mas maraming impormasyon galing sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga hayop, nakisali ang mananaliksik sa isang organisasyong may malaking pagpapahalaga sa mga hayop. Ito at ang organisasyon ng "peta" kung saan noong una pa lang ay gumagawa na ng mga paraan upang malayo ang mga hayop sa mga pagmamalupit ng mga ginagawa ng mga tao. Ang mga impormasyon ay eksklusibo lamang para sa mga magpapamiyembro sa organisasyong ito upang hindi manganib ang bawat magiging plano na gagawin. At kung isa na sa mga miyembro, maaari ng maghanap ng mga impormasyon hanggang saan naisin.
Gumamit rin ang mananaliksik ng mga website tulad ng pinoyhenyo.com, friendster.com at ang yahoomessenger para makuha ang mga opinyon ng mga iba't ibang tao na galing sa ibang mga lugar hindi lamang sa Baguo at sa Pilipinas hinggil sa kawalang-hustiyang pinaparanas ng mga tao sa mga hayop.
Isa ring pamamaraang ginamit ay ang pag-iinterbyu sa mga taong kilala hindi lamang sa mga taong may pagkahilig sa mga pag-aalaga ng mga hayop at sa halip, sa mga tao ring kilala dahil sa pagmamalupit sa mga hayop at pagkain ng mga di-pangkaraniwang mga hayop.
IX. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON
Sa mga naging resulta ng pag-aaral, pinapakitang marami pa ring nawiwili sa pag- aalaga ng mga hayop. Mas marami ang populasyon ng mga taong may inaalagaang hayop sa loob at labas ng kanilang mga bahay. Marami sa kanila ang may mahilig sa mga aso at ang ilan naman ay nawiwili sa mga pusa, daga at kabayo. Ang tsart sa ibaba ay nagpapakita ng diperensiya ng bilang ng mga taong may inaalagaang hayop sa bilang ng mga taong walang inaalagaang hayop.
Sa resulta ng pag-aaral, ang tanging sinang-ayunan lamang ng karamihan sa lahat ng pagpapahirap ay ang pag-eeksperimento sa mga hayop sapagkat karamihan ng mga natanong ay mga estudyante, kung kaya't nais din nilang mabigyan ng sapat na impormasyon tungkol sa mga maaaring mangyari sa mga katawan kapawa ng tao at mga hayop.
X. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON
Nalaman na kung ano-ano ang mga ginagawang pagpapahirap sa mga hayop.
Mas makabubuti naman kung ang mga sumusunod ay makukuha sa susunod na mga pag- aaral:
• Kung anu-ano ang ginagawang mga pagpoprotesta ng marami hinggil sa mga karapatan ng mga hayop.
• Kung saang lugar mas laganap ang mga pagpapahirap sa mga hayop.
• Kung anu-ano ang mga hayop na nangangailangan pa ng mas maraming pag- aalaga
• Kung-ano ang pananaw ng Bibliya sa mga ganitong pagpapahirap.
XI. PAGLALAHAD
Sa pag-aaral na ito, maraming nahanap ang mag-aaral na mga iba't ibang mga pamamaraan kung saan pinapakita ang mga hindi pagpapahalaga na mga tao sa mga hayop. Naitala ang lahat ng mga ito at mga ito ay ang sumusunod:
MGA HAYOP NA GINAGAMIT BILANG PAGKAIN¼
Ang mga hayop sa mga pabrika ng sakahan ay trinatrato bilang laman, gatas, at makina ng mga itlog. Ang mga manok ay mayroong mga tukang binabalutan ng mga mainit na talim. Ang mga lalaking baka at baboy ay kinakapon at pinapatay na wala man lang pamatay ng sakit. Ginugugol ng mga manok, pabo, at mga baboy pangsakahan ang kanilang mga buhay sa isang madilim at masikip na mga bodega. Marami sa kanila ang napupulikat dahil hindi man lang sila makagalaw, makaikot o maiunat man lang ang kanilang mga bagwis. Nanghihina sila gawa ng kanilang mga sariling dumi. Pinupuno ng alingasaw ng mga masangsang na amoy ang kanilang mga nilalanghap ng mga hangin. Ang mga hayop na pinalaki para sa pagkain ay napipilitang lumaki hanggang sa maaari at tumanda ng mabilis hanggang sa maaari - marami ang nagiging sobrang bigat na umaabot sa pagkapilay dala-dala ang kanilang mismong bigat at pagkamatay sa loob ng pulgada ng kanilang pangangailangan sa tubig.
Hindi nasisilayan ng mga hayop sa mga pabrika ang araw ni makalanghap man lamang ng sariwang hangin hangga't hindi nagkakabagyo o nauubusan ng makakain sapagkat dinadala na sila ng mga trak papunta sa kani-kanilang mga destinasyon upang doon mamatay. Ngunit hindi pa man nakakarating sa kani-kanilang mga destinasyon, marami na ang mga namamatay o kaya'y mga nagkakasakit dahil sa hirap na mga natamo. Ang mga hayop na nakaligtas sa ganitong makaimpyernong pagpapahirap ay binibitin pabaligtad na nakalantad ang mga hiwa-
hiwang mga lalamunan kadalasang ginagawa habang nakamulat ang kanilang mga mata. Marami pa rin ang mga nabubuhay matapos na maalis ang kanilang mga balat, tinadtad ng pira-piraso at masunog sa tangke.
Kung sasanayin natin ang pagkain ng mga gulay lamang, maaari nating maligtas ang mahigit isang daang hayop bawat isang taon sa ganitong dalita. Ang mga hayop ay hindi sa atin para kainin.
MGA HAYOP NA GINAGAMIT PARA MAGING PANAMIT¼
Lana (Wool)
Maaaring galing ito sa mga tupa, kambing o mga antelope. Tinatawag itong "lana", "mohira," "pasmina," o "kasmere." Ngunit kahit ano pang paraan para tawagin ito, nangangahulugan pa rin ito ng masamang balita para sa mga hayop.
Sa industriya ng lana, linggo pa lamang matapos maisilang, binubutas na ang tainga ng mga batang tupa, hinihiwa ang kanilang mga buntot at pinapahirapan ang mga lalaki, lahat ay walang mga pampahilom. Para mapigilan ang sakit na flystrike (pangangati ng balat), gumagawa ng operasyon ang mga siyentista galing sa Australia, kung saan nabibilang ang malaking parte ng mga laman ng tupa .
Katad (Leather)
Hindi isa ng produkto galing sa lugar kung saan pinapatay ang mga hayop. Ang tagumpay ng ekonomiya sa mga sakahan ng pabrika ay tuwirang may kinalaman sa sa pagbebenta ng mga paninandang katad. Habang nababawasan ang pangangailangan sa pagkain ng mga hayop at mga produktong katad, nababawasan rin ang bilang ng mga kalabaw na napupunta sa mga pabrika ng mga sakahan.
Mga Balahibo ng Hayop (Fur)
Sa lahat ng mga taong gumagamit ng mga palamuti at mga barong na gawa sa mga balahibo ng hayop, nasa kamay nila ang mga dugo ng mga alamid, leon, tigre, at iba pang mga hayop. Ginugugol nila ang kanilang buhay sa mga maliliit na hawla kung saan mayroong mga anal na nagiging dahilan ng kanilang sakit sa puso. Ang mga iba ay binabalatan ng buhay. Ang mga mababangis na uring hayop ay hinuhulog na lamang sa mga bitag at mga patibong bago sila mamatay o pa tayin.
Para maiwasan ang mga nasabing mga pangyayari, iwasan natin ang pamimili at paggamit ng mga damit na yari sa mga balahibo ng hayop. Ang mga hayop ay hindi sa atin upang ating suotin.
PAGSUSURI SA MGA HAYOP
Marami ang mga hayop sa mga laboratoryo at marami ring mga tala ang hindi nakatago para sa lahat ng mga hayop. Natantiya ang bilang ng mga hayop na napahirapan at pinatay sa Estados Unidos bawat taon at lumabas na milyon-milyong mga hayop ang mga nadamay sa mga ganitong pagpapahirap. Ang Animal Welfare Actay humihiling na ibigay ng mga laboratory ang bilang ng mga hayop na kanilang nagamit sa mga eksperimento, ngunit hindi nito sina sama ang mga daga at ibon (ginagamit sa mga 80 hanggang 95 porsiyentong mga pag-aaral). Dahil hindi kasama ang mga hayop na iyon sa nasabing kilos, nananatili silang hindi bilang, at maaarilang nating hulaan kung ilan ang mga talagang nagdudusa at namamatay bawat taon. Marami pa ring produktong pambahay at mga kumpaniyang pangkosmetiks ang mga naglalagay ng mga kanilang mga produkto sa tiyan ng mga hayop at pinapahid sa kanilang mga kutis, nialalagay sa kanilang mga mata o kaya'y pinipilit ang mga hayop na amuyin ang kanilang ginawang mga produktong pangwisik.
Parating iniiwang nakabukas ang mga tiyan ng mga hayop, nilalason, at pinipilit na patirahin sa mga mapapayat na aserong mga hawla sa maraming taon. Kahit ipina pakita ng mga pag-aaral na ang mas pinalawak na pisyolohikang pagbabago sa mga nasasangkot, ang mga reaksyon pa rin ng mga tao sa mga karamdaman at mga medisina ay ibang-iba sa mga hayop. Ang mga ginagamit ngayong mga pamamaraan na hindi nasasangkot ang mga hayop ay mas makatao, mas wasto, mas mura, at hindi gumugugol ng maraming oras kaysa sa mga pag- eeksperimento ng mga hayop, pero masyadong mabagal ang pagbabago at hindi layong mag-iba ng mga mananaliksik ng kanilang estratihiya para sa mas mataas na uri ng teknolohikal na pagsulong. Ang pagsubok sa mga hayop ay hindi lamang pumipigil sa atin na mag-aral ng mas mahahalagang mga impormasyon , pinipinsala rin nito ng tuluyan ang mga hayop at pati ang mga tao bawat taon.
Ang mga hayop ay hindi sa atin para pag-eksperimentuhan.
MGA HAYOP NA GINAGAMIT SA PAGLILIBANG
Hindi gusto ng mga hayop na sumakay sa mga bisekleta, tumayo sa kanilang mga ulo, magbalanse sa mga malalaking bola, ni tumalon sa mga apoy. Nakakalungkot man, wala silang mapagpipilian. Gumagamit ang mga tagapagsanay ng mga kasangkapang pangmamalabis tulad ng mga pamalo, latigo at pilitin silang magtanghal.
Hindi lamang pang-aabuso mula sa mga tagapagsanay ang nararanasan ng mga elepante, oso, tigre at iba pang mga hayop, nagdudusa rin sila sa sukdulang pag-iisa, pagkainip, panghahadlang dahil sa kanilang pagkakakulong sa mga masisikip na hawla sa bawat buwan at bawat mga lungsod na mapupuntahan. Sa halip na tratuhin na parang mga gamit na isinasakay at inalalabas sa mga trak at an o mang mga pinagtataguan, ang mga gantong hayop ay dapat nasa kanilang natural na tirahan, naglilibang, naghahanap ng mga mapapangasawa at gumagawa ng sariling pamilya.
BUOD NG TINALAKAY NA PAKSA
Sa lahat ng mga nakalat na impormasyon galing sa internet at mga tugon ng mga tao, makikitang marami pa rin ang nagpapahalaga sa mga buhay ng mga hayop. Ngunit hindi nila alam kung paano makatulong sa kanila sa praktikal ng mga paraan. Hindi rin nila alam na ang kanilang mga pang-araw-araw na mga gawain ay may kinalaman sa pagpapahirap sa mga hayop.
Marami ang mga pamamaraan na pagpapahirap sa mga hayop tulad ng pagpatay sa kanila ng walang-awa. Kasama na rito ang pagbuhos ng mainit na tubig, pagbabalat at paghiwa sa kanila habang buhay pa. Hindi rin sila nabibigyan ng maayos na tirahan upang makapahinga, sa halip, nilalagay lamang sila sa mga liblib, masisikip at mababahong mga yungib. Ang mga karaniwang nakikita rin ng marami ngunit para sa iba ay ayos lang ay mga paraan din ng pagdudusa ng mga hayop. Ang pagkain sa kanila, pagsusuot, ang pinagkakasiyahan sila sa pamamagitan ng mga sabong at iba pang may kinalaman sa mga sirkus, at ang pag- eeksperimento sa kanila.
Hindi maituturing na pantay ang mga karapatang maaaring maibigay sa mga tao at hayop ngunit ang masama lang ay ang tuluyang pag-alis ng kanilang mga karapatan. Ang ilan sa kanila ay hindi na nabibigyan ng maayos na pangagalaga .
Solusyon sa Suliranin
Marami ang maaaring maging praktikal na solusyon upang maiwasan ang mga paghihirap na dinaranas ng mga hayop. Ang isa sa mga paraang ito ay ang pagkain ng mga gulay sa halip na mga karne ng mga hayop. Kahit ang mga manok na kadalasang paboritong kainin ng marami ay nabibilang na sa mga pinakainaabusong hayop.
Marami ring mga uso, magaganda at mas matitibay na mga alternatibong damit, walang rason para gumamit ng mga damit na yari sa balat ng mga hayop. At, isa pa, malalaman nating
ang mga alternatibong ito ay mas mura pa kaysa sa mga nabibiling mga damit na lana.
Laganap na rin sa ngayon ang mga mga makabagong teknolohiya na malamang na mas makatao, wasto, mura, at kaunti lamang ang magugugol na panahon para mapag-aralan. Sa halip na pag-eeksperimento sa mga hayop ang gawin, mas makabubuti ang pag-aaral gamit ang mga mas pinabagong mga kagamitan kaysa dumaan pa sa mga pagpapahirap sa mga hayop.
Isa rin sa mga pinakamainam na paraan ay ang pagkakaroon ng sariling alagang hayop kahit sa labas ng bahay. Hindi lang natin sila matutulungan sa kanilang paghihirap, kundi matutulungan rin nila tayo upang malayo rin sa mga kapahamakan.
XII. APENDIX
HAYOP NA GINAGAMIT PARA MAGING PANAMIT, 5
Katad (Leather). 5,6
Lana (Wool), 5
Mga Balahibo ng Hayop (Fur), 6
MGA HAYOP NA GINAGAMIT BILANG PAGKAIN, 4,5
MGA HAYOP NA GINAGAMIT SA PAGLILIBANG, 7
PAGSUSURI SA MGA HAYOP, 6
Solusyon sa Suliranin, 8
XIII. BIBLIOGRAPIYA
Adams, Carol J. The Sexual Politics of Meat: A Feminist-Vegetarian Critical Theory. New York: Continuum, 1996.
Auxter, Thomas. The Right Not to Be Eaten
Best, Steven. Terrorists or Freedom Fighters? Reflections on the Liberation of Animals, Lantern
Books, 2004. ISBN 159056054x
Clark, Ward M. Misplaced Compassion: The Animal Rights Movement Exposed, Writer's Club Press, 2001.
Dunayer, Joan. "Animal Equality, Language and Liberation" 2001.
Favre, David S. Animal Law: Welfare, Interests, and Rights, Aspen Law, Stu. Stg. edition, 2008\
Mann, Keith, (2007) From Dusk 'til Dawn: An Insider's View of the Growth of the Animal
Liberation Movement, Puppy Pincher Press, ISBN 978-0-9555850-0-5
Scruton, Roger. Animal Rights and Wrongs Claridge Press, 2000
Wolfe, Cary. Animal Rites: American Culture, the Discourse of Species, and Posthumanist
Theory, Chicago: University of Chicago Press: 2003.
1 comments:
bat wala ung mga pics?????????
Post a Comment