Monday, November 22, 2010

Pamanahunang Papel (Masamang Dulot Ng Alak)


A. PAGPAPASALAMAT

Nais kong pasalamatan unang-una na ang diyos, dahil natapos ko sa oras ang proyektong ito. Pinasasalamatan ko rin ang aming guro. Lalo na sa Filipino dahil sa walang sawang pagtuturo nito. Pinasasalamatan ko ang aking pamilya na sumusuporta sa aking pag-aaral. Pinasasalamatan ko din ang aking mga kaibigan ng tumulong sa akin upang maisakatuparan ko ang proyektong ito.

B. PANIMULA

Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan sa ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa paulit-ulit ng pagkonsumo nito,unti-unting nasasanay ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot na inuming ito.” Upang makalimutan ang problema” ang laging bukambibig ng mga taong regular na kumokonsumo ng alak. Dahil sa kanilang palagay ay nababawasan ang bigat ng kanilang suliranin ngunit hindi nila alam ay lalo pa itong nadaragdagan sapagkat maaari silang magkasakit sa labis na pagkonsumo nito.

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Layunin kong ipahatid sa mga mambabasa, kapwa ko mag-aaral at mga guro ang tungkol sa pagtaas ng bilang ng mga taong nalululong sa pag-inom ng alak. Nang sa gayon ay maimulat sila sa katotohanang nagaganap sa kanilang paligid. Layunin din ng aking pananaliksik na ipaalam sa lahat ang maaring maging epekto ng pag-inom ng alak, sa ating kalusugan. Kaugnay nito ang katotohanan ukol sa mga haka-haka ukol sa pag-inom ng alak.

D. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Mahalaga mapag-aralan ang mga suliranin sa ating lipunan ng sa gayon ay magkaroon tayo ng kaalaman sa kung anu mang nagaganap sa ating kapaligiran. Ang mga ideya at impormasyong nakalap ay nagsisilbing gabay upang maiwasan ang ganitong suliranin.

E. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw at limitasyon ng aking pananaliksik ay ang pinagmulan ng alak, iba’t-ibang epekto nito sa tao at ang kaugnayan nito sa iba’t-ibang suliranin sa panlipunan. Kaugnay na dito ang dahilan kung bakit marami ang kumokonsumo ng alak.

F. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang mga salita o katagang ginamit ay mahalaga upang Makita ang kabuluhan ng paksa at upang mailahad ang mga aral na nais nitong ipahiwatig. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideyang napapaloob sa pananaliksik.

G. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA

Sa pamamagitan ng dokumentaryo, balita sa peryodiko at telebisyon, mababatid natin ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Lalung-lalo na ang mga bagay na nagaganap pantungkol sa kalagayan ng mga taong nalululong sa pag-inom ng alak.

H. STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS

Ang mga paraang ginamit ko upang mabuo ang tesis na ito ay pagtatanong sa mga nakatatanda na kadalasang umiinom ng alak, nanuod din ako ng mga dokumentaryo ukol sa paksang aking napili at naghanap din ako ng karagdagang impormasyon sa libro at sa internet.

I. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Ang paglango sa alak ay maaaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan para sa mga kumukonsumo ng alak at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ito ay isang sakit na kumikitil ng milyung-milyong buhay bawat taon.

J. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON

Ang ganitong suliranin ay kailangang pagtuunan ng pansin at unti-unting sugpuin. Maraming programa na ang mga naitatag upang tulungan ang mga biktima nito at ng maiwasan ang paglala ng ganitong suliranin. May mga bagong batas at alituntunin ang nagbibigay ng karagdagang suporta para masupit ito.

K. PAGLALAHAD

Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapaalsa, ang proseso ng paggawa ng alcoholikong inumin. Kapag ang asukal na galling sa prutas o butil ng bigas ay sinamahan ng pampaalsa at tubig, ang kakalabasan nito ay alcohol. Ang alak ay isang gamot at tulad ng lahat ng gamot, ito ay may epekto sa katawan at isip ng tao. Dahil sa pag-inom ng alak, pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising. Sa tingin nila ito ay pampasigla. Ngunit ang katotohanan ito ay nakakapagpatamlay, at pinababagal nito ang paggalaw ng ating central nervous system. Ang maliit na halaga ng alcohol ay nakakaapekto sa kaayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng maraming alcohol ay nakamamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa loob ng 20 minuto ng pagpasok nito sa tiyan,may 10% ng alcohol ang nasisipsip ng daluyan ng dugo. Halos 5% ng alcohol ang naiiwan sa katawan na nagiging ihi,pawis, at hininga. Ang pag-inom ng alak ay hindi nakakadagdag ng timbang, iyan ay napatunayan na ng napakaraming pag-aaral. Ang alcohol ay salik sa pagtaas ng bilang ng krimen tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao, 62% ng pambubugbog, 54% ng pagtatangkang pagpapakamatay, 48% ng pa nanakaw at 44% ng panloloob.

ALKOHOLISMO

Ang alkoholismo ay isang salitang may iba't iba ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak.

Habang kailangan ang pag-inom ng alak upang magkaroon ng alkoholismo, hindi nangangahulugang magkakaroon ang isang tao ng alkoholismo base lamang sa pag-inom ng alak. Iba-iba ang epekto ng alak—at ang pagkakaroon ng alkoholismo—sa bawat tao, lalo na sa mga aspeto ng kung gaano karami at gaano kadalas uminom ng alak. Dagdag pa rito, hindi pa man alam ng mga mananaliksik ang mga mekanismo sa katawan ng tao na mag-uugnay sa pagkakaroon ng alkoholismo, ilang mapapanganib na katungkulan ang nakilala na gaya ng paligirang panlipunan (social environment), kalusugang pang-emosyonal (emotional health), at kalagayang henetika (genetic predisposition)

Epidemiyolohiya

Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak at droga. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng nagpapalunas ang alak. Samantala sa United Kingdom, itinala na mahigit sa 2.8 milyon ang bilang ng mga "mapang-asang manginginom" (dependent drinkers) noong 2001. Inestima naman ng World Health Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapang-asang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad.

Pagkilala at dayagnosis

Iba't ibang kagamitan ang kasalukuyang ginagamit para sa mga nais magsagawa ng iskrining para sa alkoholismo. Mahirap makilala ang alkoholismo dahil wala pa ring tiyak na pagkakaiba sa pangangatawan ng isang taong madalas umiinom ng alak kumpara sa isang taong may alkoholismo. Dahil dito, may kinalaman ang pagkilala sa nagawang pagkasira sa buhay ng manginginom nang dahil sa sobrang pag-inom ng alak kumpara sa inaakalang benepisyo na nakukuha niya dahil dito.

Ilan sa mga ginagamit bilang pagsusulit at iskrining upang malaman ang antas ng alkoholismo ng isang tao ay ang "CAGE Questionnaire" at ang "Michigan Alcohol Screening Test"

Epekto sa lipunan

Iniuugnay ang madalas na pagkakalulong sa alak sa ilang mga problema sa sarili at sa lipunan, kabilang na rito ang pang-aabusong sekswal at sa droga, pagpapakamatay, mga kaguluhan, at ilang krimen.

L. APENDIKS


alcohol ,5

alkoholismo, 5, 6

CAGE Questionnaire, 6

epekto sa katawan, 5

krimen, 5, 7

kumokonsumo ng alak, 2

Michigan Alcohol Screening Test, 6

serbesa, 5

World Health Organization, 5


M. BIBLIOGRAPIYA

Hahn Dale B. and Payne, Wayne A. 1997. Focus on Health, Third Edition Ohio: Merill Publishing Co.

Richards, Donna Beck. 1993.Living with Health. NewYork: McGraw hill Inc.

Sagalongos, Felicidad. 2000. DiksyunaryongIngles-Filipino, Filipino-Ingles. Philippines National Bookstore Publishing Co.

14 comments:

Anonymous said...

haii !! salamat po sa topic na toh .. it's really a big help for my research paper :) ..

thanx Ü

john enrico comia on January 24, 2011 at 9:43 AM said...

wlang anuman ^^

Anonymous said...

ba't hindi ko makita ang mga nka sulat ?

Anonymous said...

thank you sa pag post.. makakagraduate na kami dahil dito. a big THANK YOU BRO. thanks !

Anonymous said...

..maraming salamat po..malaki po ang naiambag nito sa aming papel pananaliksik....

Anonymous said...

bkt d nmin mkta ang ibang nakasulat????

Anonymous said...

hist! tnx d2

Anonymous said...

thank you its a big help to me

Anonymous said...

thank u dto

Anonymous said...

thanks its really abig help!

Anonymous said...

bakit walng mga nkasulat un iba?

Anonymous said...

ANO ba to?

Anonymous said...

ANO ba to?

Anonymous said...

Wala akong nakikitang mga texto... :(

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved