Monday, November 22, 2010

Pamanahunang papel(Dahilan Kung Bakit Bumabagsak Sa Pagsusulit ang Isang Estudyante)


I. PANIMULA

Pagtalakay sa paksa na itinuturing na problema

Sa panahon ngayon, marami sa mga estudyante ang bumabagsak sa kanilang eksaminasyo n sapagkat hindi sila nakakapag-aral ng husto, ang iba naman ay maraming ginagawa kaya hindi sila nakakapag-aral. Ang suliraning ito ng mga estudyante ay maaaring mapatunayan. Marami ang nagsasabi na ang prosesong ito ng mga mag-aaral ay patok sa marami, halos lahat ng estudyante ay may sari-sariling paraan ng pag-aaral, hindi man napapansin ng kanilang mga magulang na sila ay nag-aaral ngunit sila naman ay nakakapasa, kani-kaniyang solusyon kung paano makapasa. Ang isang suliranin ng mga estudyanteng hindi nakakapag-aral ay ang pag-budyet ng kanilang mga oras, ang iba ay nagmamadali sa ibang mga gawain kaya nawawalan ng oras ang isa pang mahalagang bagay na dapat nilang gawin. Hindi nila marahil alam kung paano mag-budyet ng kanilang oras, marahil ay para sa ibang mga estudyante, kulang na kulang ang dalawampu’t apat na oras sa isang araw upang magawa nila ang lahat ng bagay na dapat nilang gawin.

Haypotesis

1. Ang mga estudyante ay tinatamad nang mag-aral o magbasa ng kanilang mga aralin.

2. Ang mga estudyante ay may ibang may bagay na pinagkaka-abalahan kaya naisasang-tabi ang kanilang pag-aaral.

3. Ang mga estudyante ay nasanay nang magbasa ng kanilang aralin isa o dalawang araw bago ang kanilang eksaminasyon.

II. PAGPAPASALAMAT

Ang pamanahong papel na ito ay nagawa sa tulong ng ilang mga tao.

Nagpapasalamat ako, una, sa Panginoon, sa pagbibigay sa pag-gabay sa akin upang matapos ko ang pamanahong papel na ito, pangalawa, sa aking mga magulang na sumusuporta sa akin sa paaralan, pangatlo, sa aking mga guro na gumagabay sa akin sa paaralan, at huli, sa mga kaklase at kaibigan kong tumulong upang magkaroon ako ng ideya sa gagawin ko sa pamanahong papel na ito.

Natapos ko ito sa tulong nilang lahat, kaya lubos akong nagpapasalamat sa kanila.

III. MGA TIYAK NA LAYUNIN

o Pangkalahatang Layunin

· Alamin ang dahilan ng mga estudyante sa pagmamadali nilang pag-aaral bago ang isang eksaminasyon.

o Ispesipik na Layunin

· Alamin kung bakit hindi nakakapagbasa ang ibang estudyante sa tamang panahon.

· Alamin ang ibang pinagkaka-abalahan ng ibang estudyante.

· Alamin ang ibang epekto ng pagmamadali ng ibang estudyante sa pag-aaral sa kanilang grado.

· Tukuyin ang mabuti at masamang epekto ng pagmamadali sa pag-aaral.

Aking napili ang suliraning ito sapagkat nais kong alamin ang mga dahilan ng mga estudyante kung bakit sila nagbabasa ng kanilang aralin isa o dalawang araw lamang bago ang naitakdang araw ng kanilang eksaminasyon.

·

IV. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman ng mambabasa kung ano ang iba’t-ibang dahilan sa madaliang pagbabasa ng mga estudyante at makatutulong rin ito sa mga estudyanteng apektado o nasa nasabing sitwasyon.

V. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw At limitasyon ng aking pananaliksik ay ang mga dahilan kung bakit bumabagsak ang mga estudyante, at ang iba;t ibang epekto nito sa kanilang marka. Kaugnay na dito ang dahilan kung bakit marami ang bumabagsak o bumababa sa kanilang marka o sa pagsusulit.

VI. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang mga salita o katagang ginamit ay mahalaga upang Makita ang kabuluhan ng paksa at upang mailahad ang mga aral na nais nitong ipahiwatig. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideyang napapaloob sa pananaliksik tungkol sa kung bakit maraming tao ang bumabagsak sa pagsusulit.

VII. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT MGA KAUGNAYAN NG

LITERATURA

Sa pamamagitan ng dokumentaryo, balita sa peryodiko at telebisyon, mababatid natin ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng mga estudyante. Lalung-lalo na ang mga bagay na nagaganap pantungkol sa kalagayan ng mga estudyanteng bumabagsak at nagkakaroon ng mababang marka sa pagsusulit na ibinigay sa kanila.

VIII. ISTRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUKUNAN NG DATOS

Ang mga paraang ginamit ko upang mabuo ang tesis na ito ay pagtatanong sa mga kaklase ko at sa mga kaibigan kong estudyante nagbasa din ako ng mga dyaryo ukol sa paksang aking napili at naghanap din ako ng karagdagang impormasyon sa libro at sa internet.

IX. PAGLALAHAD

Katawan

Edukasyon, isang mahalagang aspeto sa buhay ng mga kabataan, maraming nabiyayaan ng prebilihiyong makapag-aral, ngunit kanila ba itong pinahahalagahan? Isa sa mga suliranin ng mga estudyante sa loob ng paaralan ay ang pagpapataas ng kanilang mga grado, ang isang dagdag sa kanilang grado ay ang bahagdan ng kanilang eksaminasyon. Ang ibang estudyante ay naghahanda ng husto para dito, nag-aaral ng mabuti at isinasa-isip ang kanilang mga nabasa. Mayroon ding mga estudyanteng nagbabasa lamang isa o dalawang araw bago ang naitakdang araw ng kanilang eksaminasyon, mas tumatatak sa kanilang mga isipan ang mga nabasa nila kung ito ay sariwa, ang ibang estudyanteng nag-aaral ng isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon ay may iba ring mga dahilan, ang iba ay nagtatrabaho upang sila ay may pang-aral kaya nababawasan ang kanilang oras para sa paaralan, ang iba rin naman ay may ibang bagay na pinagkaka-abalahan at mas natututukan nila ang ibang mga bagay na iyon kaysa sa kanilang mga pag-aaral. Mayroon ding mga estudyanteng nakakalimot kaya naman, makakapagbasa na lamang sila ng ilang araw o marahil ay ilang oras bago ang eksaminasyon upang may pumasok sa kanilang isipan, maaaring sila ay may problema sa ibang bagay tulad ng pamilya at mga kaibigan, ang iba naman ay pansariling problema na lamang, kaya sila ay nakakalimot. Ang nibang klase ng estudyante ay may tapang sa kanilang sariling kakayahan na kanila pang naaalala ang mga itinuro ng kanilang guro kaya hindi na sila nagbabasa ng kanilang mga aralin, itinuturing nilang proyekto ang kanilang mga kwaderno na hindi nagagamit, maaaring hindi rin sila nakakapagbasa dahil sa sobrang pagod sa ibang gawain at ang iba ay ayaw lang talagang magbasa, sila ay ang mga estudyanteng tinatamad. Marahil ang iba ay kuntento na sa mga pahula-hula nila sapagkat alam nilang makakapasa sila dahil rito.

Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay nangangailangan ng malalim na pagsusuri sa mga nakuhang impormasyon sa pakikipanayam ng may-akda sa iba’t-ibang estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan, ang may-akda ay nakapag-isip ng maraming mga tanong upang masagot ang kanyang mga layunin at upang makarating sa kanyang solusyon. Ang pangalan ng mga estudyanteng nakapanayam ng may-akda ay hindi maipapalabas sa pamanahong papel na ito at ang kanilang mga kasagutan ay magagamit sa proseso ng pagsusuri ng may-akda.

Obserbasyon, Pagsusuri, Interpretasyon

Sa mga nakapanayam ng may-akda, iba’t-iba ang kanilang mga kasagutan, may sari-sarili silang pananaw sa pag-aaral para sa eksaminasyon, sabi ng ilan, nakakapagbasa sila ng maayos ayon sa kanilang mga oras, ang iba rin ay kulang ang kanilang oras para magkaroon pa ng oras sa pagbabasa ng kanilang mga aralin sa paaralan, ang iba naman ay sadya ang pagbabasa nila ng isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon sapagkat mas tumatatak ang mga babasahin sa kanilang utak kapag ito ay sariwa. Marami ang nagsabing nakatutulong ang madaliang pagbabasa nila sa kanilang eksaminasyon sapagkat mataas naman ang kanilang mga nakukuhang grado. Ang mga estudyanteng nagbahagi ng kanilang mga panayam ay mula sa iba’t-ibang paaralan at may iba’t-ibang estilo ng pag-aaral. Natutunan ng may-akda na ang mga estudyante ay may sariling estilo sa pag-aaral at hindi lahat ng nagbabasa ng isa o dalawang araw ay tinatawag ng madaliang pag-aaral ng mga estudyante.

SOLUSYON

Isang solusyon na maaaring makatulong sa mga estudyanteng ayaw mag-aral ay ang pagbibigay ng mga guro ng pangunang mga eksaminasyon upang may maisaulo ang mga estudyante bago ang mismong araw ng kanilang eksaminasyon. Maaari rin silang magbigay ng mga nakaka-ingganyong sabi upang magkaroon ng motibo ang mga estudyante para magbasa ng kanilang mga aralin.

X. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Napatunayan ng may-akda na ang mga estudyanteng nagbabasa isa o dalawang araw bago ang kanilang eksaminasyon ay may iba’t-ibang dahilan. Maaaring sila ay tinatamad, ang iba ay may ibang mga gawaing pinagkaka-abalahan kaya nauubusan ng oras para magbasa ng kanilang mga aralin at may mga estudyante rin namang estilo na nila ang magbasa ng isa o dalawang araw bago ang eksaminasyon upang mas sariwa ang kanilang utak ukol sa mga aralin. At ang panghuli ay ang mga estudyanteng hindi nag-aaral sapagkat sila ay tinatamad o ayaw lang talaga nila.

XI. PAGBIBIGAY NG REKOMENDASYON

Maraming dahilan ang mga estudyante, maaaring isa na ang kanilang mga emosyon tungo sa mga eksaminasyong binibigay ng mga guro at sa mga gawaing pinapagawa ng kanilang guro na nakakapagwala ng motibo nila upang mag-aral, ang iba pa ay ang mga pinagdadaanan nilang mga sitwasyon sa kani-kanilang mga bahay na nakakapagpapababa ng kanilang mga sariling kakayahan. Maaaring gugulin ang mga dahilang ito upang malaman ang malalim na mga kadahilanan ng mga estudyanteng apektado ng sitwasyong ito.

XII. BIBLIOGRAPI

Ang mga sangguniang nagamit ko sa aking pag-aaral ay ang mga sumusunod:

· http://www.peyups.com/posts.khtml?mode=viewtopic&topic=22850&forum=10&start=0

· http://www.mindtools.com/pages/main/newMN_HTE.htm

· http://books.google.com.ph/books?id=nZcsOR6rEjEC&pg=PA352&lpg=PA352&dq=student+factor&source=bl&ots=Nq-_70YjnD&sig=92jY0aKk8sIgvC-K6Rgdc2PLxMo&hl=en&ei=hRuzScPUI8nUkAW7ovXJBA&sa=X&oi=book_result&resnum=2&ct=result

· http://www.marketing-ideas.org/personal-biography-example.php?I=12345&T=&PC=-RSS

4 comments:

Anonymous said...

bakit wala pong nalabas?

Anonymous said...

ou nga!!

Haze on July 3, 2017 at 12:49 AM said...

Try niyo po ihighlight :) ako po merong nabasa. Hinighlight ko lang lahat. As if, nakasulat sa puting font color yung content haha

Unknown on February 24, 2019 at 7:25 PM said...

Hahaha kala ko wala😂 magic lang?

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved