Monday, November 22, 2010

Pamanahunang Papel (Malnutrisyon)



A. PAGPAPASALAMAT

Nais kong pasalamatan unang-una na ang diyos, dahil natapos ko sa oras ang proyektong ito. Pinasasalamatan ko rin ang aming guro. Lalo na sa Filipino dahil sa walang sawang pagtuturo nito. Pinasasalamatan ko ang aking pamilya na sumusuporta sa aking pag-aaral. Pinasasalamatan ko din ang aking mga kaibigan ng tumulong sa akin upang maisakatuparan ko ang proyektong ito.

B. PANIMULA

Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa mga mahihirap na bansa. Dahil rito maraming problema ang ating hinaharap. Maraming pamilya ang naghihirap dahil sa ekonomiya ng ating bansa at dito na nagsisimula ang mga problema na hindi natin maiiwasan. At isa dito ang problema ng Malnutrisyon.

Ang malnutrisyon ay isang kalagayan kung saan ang ating katawan ay hindi nakakakuha ng sapat na bitamina, mineral at sustansya upang mapanatili ang kalusugan ng ating katawan. Taliwas sa kaalaman ng karamihan, hindi lamang ang mga taong hindi nakakain ng madalas ang nakakaranas ng malnutrisyon, maari din makaranas ng ganitong kalagayan ang mga taong may sapat ngang pagkain ngunit walang sapat na bitamina, mineral at sustansya.

C. MGA TIYAK NA LAYUNIN

Ang aking pamanahunang papel ay may layunin mag-bigay ng kaalaman sa mga mambabasa na ang malnutrisyon ay tuluyang kumakalat sa ating bansa at ito ay may malaking epekto sa paglikha ng ating lipunan ng mga makalidad na tao. Nilalayon ng aming pangkat na maglahad ng mga datos upang mapatunayan na hindi dapat magsawalang bahala sa ganitong isyu at kailangan ng agaran na solusyon dahil ito ay palala ng palala na nagdudulot ng epekto sa ating ekonomiya at kumakalat sa iba’t ibang sulok ng ating bansa na parang isang edidemyang nakakamatay. Nais naming ipamahagi ang mga nakalap naming mga impormasyon upang mas maging pamilyar ang mga tao sa mga sintomas ng malnutrisyon. Nais rin naming manghikayat ng mga mambabasa na tumulong sa pagkalat ng mga impormasyon na ito at gumawa din ng kanilang sariling pag-aaral ukol dito.

D. KAHALAGAHAN SA PAG-AARAL

Mahalagang Mapag-aralan ang suliranin na ito upang hindi na lumala at dumami. Kaugnay nito kung paano ito maiiwasan, gaano kalala ang malnutrisyon sa ating bansa. Isa itong napakahalagang suliranin ng ating bansa dahil dito nasusukat kung gaano kahirap an gating bansa.

E. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang saklaw at limitasyon ng aking pananaliksik ay ang pinagmulan ng Malnutrisyon iba’t-ibang epekto nito sa tao at ang kaugnayan nito sa iba’t-ibang suliranin sa panlipunan. Kaugnay na dito ang dahilan kung bakit marami ang nagiging malnourish.

F. KATUPARAN NG MGA KATAGANG GINAMIT

Ang mga salita o katagang ginamit ay mahalaga upang Makita ang kabuluhan ng paksa at upang mailahad ang mga aral na nais nitong ipahiwatig. Nakatutulong ito upang lubos na maunawaan ng mga mambabasa ang ideyang napapaloob sa pananaliksik.

G. SANDIGAN NG PAG-AARAL AT KAUGNAYAN NITO SA LITERATURA

Sa pamamagitan ng dokumentaryo, balita sa peryodiko at telebisyon, mababatid natin ang iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng ating bayan. Lalung-lalo na ang mga bagay na nagaganap pantungkol sa kalagayan ng mga taong Naghihirap at nagkakaroon ng malubhang sakit katulad na lamang ng malnutrisyon.

H. STRATEHIYANG GINAMIT AT PINAGKUNANG DATOS

Ang mga paraang ginamit ko upang mabuo ang tesis na ito ay pagtatanong sa mga taong lubhang mapayat o kulang sa nutrisyon nanuod din ako ng mga dokumentaryo ukol sa paksang aking napili at naghanap din ako ng karagdagang impormasyon sa libro at sa internet.

I. PAGLALAGOM AT KONGKLUSYON

Ang malnutrisyon ay isang malubhang suliranin ng bansa partikular na ng mga maralita. Ang batang mayroon nito ay makakakitaan ng mga pisikal na sintomas tulad ng panunuyo at pagsusugat ng balat, pamumutla, pagkupas ng kulay ng buhok, pamamaga ng mga gilagid, at iba pa. Ayon sa mga datos na aming nakalap, ang lubos na kahirapan ang pangunahing dahilan kung bakit hindi maibigay ng mga magulang ang sapat na nutrisyon sa kanilang mga anak. Kaugnay dito, wala ding sapat na kaalaman ang mga magulang patungkol sa mga kailangan ng isang bata upang lumaking malusog at malaya sa sakit. Kung kaya’t karaniwan silang lumalaking kulang sa timbang at madaling dapuan ng sakit. Sa kabuuan ng aming pag-aaral, mahihinuhang ang mga magulang ay mayroong malaking bahagi sa pagbibigay ng tamang nutrisyon sa kanilang mga anak. Mahalagang magkaroon ng kaalaman kung anu-anong mga uri ng pagkain ang dapat ibigay sa mga anak. Makakamit ito sa pagbisita sa mga ospital o din naman kaya ay sa mga health center. Binibigyang diin din ang kahalagahan ng “breastfeeding” upang mabigyan kaagad ng sapat na nutrisyon ang mga sanggol buhat pa lamang sa pagkasilang.

J. PAGLALAGOM NG REKOMENDASYON

Mga Solusyon sa Malnutrisyon

Sa katunayan, napakaraming proyekto ang isinasagawa ng iba’t ibang organisasyon at mga sangay ng gobyerno laban sa malnutrisyon. Ngunit bakit nga ba nananatili pa rin itong isang malaking problema sa ating bansa? Ito ay dahil ang mga Feeding Programs, Fortification programs at iba pa nilang isinasagawa ay mga “band-aid solutions” lamang. Mainam nga ang mga pagkain na kanilang ibinibigay ngunit hindi nito tinutugunan ang punot-dulo ng problema. Kinakailangan ng gobyerno kasama ng iba’t ibang organisasyon na tutukan ang mga magulang upang magkaroon ang mga ito ng mapagkukunan ng hindi lamang ng pambili ng pagkain kundi pati na rin ang dunong sa pagpili ng mga ito. Kailangan nilang gumawa ng mga proyekto na magbibigay sa ating mga kababayan ng mga trabaho at tamang edukasyon ukol pagkain ng tama. Sa kabuuan ng aming pananaliksik,masasabi naming malaki ang pag-asa na maresolba ang problemang ito basta magtulung-tulungan lamang tayong lahat.

Ang maitutulong ng lipunan sa Malnutrisyon

Malaki ang maidudulot ng lipunan sa Malnutrisyon kung ito ay bibigyang pinsan lamang. Ang lipunan ay maaaring magtulungan upang labanan ang mga ganitong problema sa mahihirap. Hindi naman kailangang gumastos ng malaki, ang mahalaga ay lahat ay nagtutulungan upang matulungan ang isa’t isa. Kapag natugunan ang problema ng malnutrisyon lalo na sa mga bata, malaki ang maiitulong nila sa ekonomiya ng bansa. Ang mga bata na malusog at na sa maayos na kalagayan ay makakapag-aral ng maayos at madali nilang makakamit ang kanilang mga pangarap sa buhay. Dahil dito, hindi sila makakadagdag sa problema ng lipunan at ng bansa.

Mga maaaring pokus ng mga susunod na mananaliksik ng Malnutrisyon

Nalathala na sa aming pananaliksik papel ang tungkol sa malnutrisyon, dahilan, epekto, mga bilang ng malnutrisyon sa iba’t ibang lugar at iba pa. Maraming nakakaranas ng malnutrisyon at ang mga nakakaranas nito ay ang mga walang kaya sa buhay. Maaaring magsagawa ng pananaliksik tungkol sa mga pagkain na abot-kaya sa mga mahihirap ngunit masusustansya. Ito ay malaking tulong hindi lamang sa mga mahihirap, ngunit pati na rin sa mga nagnanais tumulong sa kanila.


K. PAGLALAHAD

Ayon sa National Nutrition Council (NNC) noong 2008, ang malnutrisyon ay isang kondisyon kung saan ang katawan ay kulang o sobra ng mga mahahalagang sangkap na naaangkop sa tamang paglaki.Ito ay isang palansak na kataga sa kondisyong medikal na sanhi ng mali o kakulangan sa pagkain. Karaniwang ginagamit ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang pagkatunaw, o labis na pagkawala ng sustansya. Ang katagang ito ay lumalagom din sa labis na nutrisyon na bunga ng sobrang pagkain ng tiyak na sustansya. Makararanas ang isang tao ng malnutrisyon kapag ang sapat na dami, uri o kalidad ng sustansya ng sinasabing malusog na pagkain ay hindi kinakain sa mahabang panahon. (Wikipedia, 2008)

http://i307.photobucket.com/albums/nn286/arniprants/PhilippineMapVECTOR2small.jpgB. Grapiko ng Ilang mga Bahagdan ng Kaso ng Malnutrisyon sa Iba’t-Ibang Lugar sa Bansa

C. Ang mga Dahilan

Sa buong mundo, ang mga maralita ang kadalasang nakakaranas ng malnutrisyon sapagkat malimit na hindi sapat ang kanilang pagkain sa araw-araw. Pinapalalala pa ang sitwasyon kung kay dami pa ng magsasalo-salo sa kakarampot na kakanin. (Santiago, 2007) Ayon din naman kay Mildred Guirindola ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) noong 2007, ang patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihan at di-sapat na kaalaman ng mga magulang sa paghahanda ng mga masusustansyang pagkain ay ilan pang mga dahilan sa hindi mapigilang paglobo ng mga kaso ng malnutrisyon.

D. Ang mga Epekto

Ang malnutrisyon ay kakulangan o kalabisan sa bitamina, mineral, at sustansya sa katawan. Kaugnay nito, naaapektuhan ang katawan at pag-iisip ng isang taong malnourished. Ilan lamang sa mga epekto nito ay ang mga sumusunod:

· Pagkatuyo ng balat

· Pamamaga ng mga gilagid

· Sirang mga ngipin

· Mabagal na paglaki

· Mababa o mataas sa normal na timbang

· Paglaki ng tiyan

· Osteoporosis

· Pagiging matamlay

· Madalas na pagkahilo

· Mahina ang pag-iisip

E. Mga Solusyon

Ayon sa DSWD at City Health Department, magsasagawa sila ng mga pulongsa mga guro upang palawakin ang edukasyon ukol sa kalusugan at kallinissan. Hinihikayat rin nila ang pagtatanim ng mga gulay at prutas sa bakuran ng mga tahanan. Nagrekomenda sila ng isang nutritionist bawat ssiyudad upang tuklasin ang mga masustansya at murang pagkain. Ayon kay Councilor Chris Alix, magpapamahagi sila ng lugaw na mayaman sa bitamina, kasama nito ang regular na pagsusuri ng kalusugan ng mga bata. Binibigyang diin din ang epektibong pagpapaplano ng pamilya at pagpapasuso. At ang pinakamainam pa ring solusyon ay ang paghihikayat sa mga magulang na maghanap ng trabaho upang mapakain ng mainam ang kanilang buong pamilya.

Ayon sa Department of Education, isang solusyon ay “food for school program” sa pangunguna ni Secretary Jesli Lapus. Ang mga mag-aaral sa kindergarten at sa unang baitang sa mga napiling pinakamahirap na paaralan ay nakatanggap ng isang kilo ng bigas, pan de coco, at gatas mula sa National Dairy Authority.

Isang abot-kayang alternatibong pampaganang gamot sa presyong pitong piso bawat pakete na naglalaman ng powdered mixture ay kasalukuyang ipinapakilala ng isang programa sa Los Baños, Laguna upang labanan ang malnutrisyon lalo na sa rural na mga komunidad at upang matulungan ding mapagbuti ang mga bata maging ang mga buntis at nagpapasusong mga ina.

Ang nasabing pampagana ay tinawag na Kalinga. Ito ay yinari ng Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), isang sangay na programa ng Institute of Human Nutrition nad Food (IHNF) ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños. Ito ay naglalayong mapaunlad ang food and nutrition security ng mga rural na komunidad sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga kolehiyo, unibersidad, at lokal na gobyerno.

Ayon sa isang mananaliksik ng BIDANI na si Charina Moneja, sa mga mahihirap na pook, ang mga bata ay madalas na pinapakain laman ng kanin at sabaw at ang masaklap pa nito ay hindi sila kumakain ng gulay at wala din sa kanilang kakayahang makabili ng karneo isda man lamang.

Bilang tugon sa problema, nagsagawa sila ng mga feeding program at ang mga pinapakain nila ay hinahaluan nila ng Kalinga.

Bilang patunay sa husay ng Kalinga, ipinahayag ni Aileen Delferio, 25taong gulang, mayroong dalawang anak na dinadala sa feeding program tuwing hapon sa Purok 4, Barangay Masaya, Bay, Laguna na siya ay lubhang natutuwa sa programa matapos namakitang tumaas ang timbang at gumanang kuamin ang kanyang mga anak.

Ipinakita lamang nito ang mga hakbang na ginagawa ng mga ilang organisasyon upang malabanan ang malnutrisyon. Sila ay umiisip ng mga alternatibong pamamaraan na tiyak na abot-kaya ng mga kapos-palad. Sa pamamagitan nito ay natutugunan ang mga pangunahing kailangan ng isang bata upang lumaking malusog, malakas, at malayo sa sakit.

F. Isyu ng Malnutrisyon sa Ibang Bansa

Ang North Korea ay isa sa mga bansa dito sa Asya na may mataas na bilang ng Malnutrition ayon sa pag-aaral ni Dr. Norbert Vollertsen, isang manggagamot na nagmula sa Germany na nagsagawa ng Medical Mission sa nasabing bansa. Sa mahigit isang taon niyang pananatili ay kanilang napagtanto na 60% ng mga kabataan sa North Korea ay dumaranas ng Malnutrisyon. Ang mga kabataan na may edad 15 ay may tila 10 taong gulang na pangagatawan at makikita sa kanilang mga mukha ang pagod, ni hindi makangiti o makisimangot o maka-iyak dahil ang kanilang mga mukha ay parang buto’t balat. Sa kanyang paglalakbay ay napansin niya na ang pangunahing nila ginagawa ay malimos, magpulot ng basura o di kaya naman ay kumain ng mga insekto sa mga kalye. Walang malinis na tubig na maiinom at walang makuhanan ng pagkain maswerte na kung may mga gulay sa mga tabi ng kalye. Walang bigas ngunit merong alak na tinatawag nila Sojo, ito ay mura ngunit madaling makalasing kaya ito ang kanilang ginagamit upang makalimutan ang gutom at para sumaya kahit panandalian. (Rebecca Leung, 2003)

L. APENDIKS


Ang mga Epekto ng Malnutrisyon, 7

Barangay Integrated Development Approach for Nutrition Improvement (BIDANI), 8

DSWD at City Health Department, 7

feeding program, 4,7,8

Food and Nutrition Research Institute (FNRI), 6

food for school program, 7

Institute of Human Nutrition nad Food (IHNF), 8

National Nutrition Council (NNC), 5


M. BIBLIOGRAPIYA

14.5 experienced hunger, says SWS, 7/22/08, Inquirer.net

Agence France. DepEd expands school rice program as costs soar, 4/14/08, Inquirer.net

Bulacao intensifies feeding program, 8/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net

Child Health and Development Strategic Plan Year 01-04, www.expatforum.com/articles/health-care-in-the-philippines.html

Edson C. Tandoc, Jr. Malnutrition still high in Malabon., 3/3/07, Inquirer.net

Gerry Esplanada. DepEd feeding program not affected by rice problem – Lapus, 4/11/08, Inquirer.net

Gerry Esplanada. Malnutrition rate among pupils down-DepEd chief, 1/8/08, Inquirer net

Joey A. Gabieta. More E. Visayas Kids Suffering from Malnutrition, 9/15/07, Inquiret.net

Joey Gabieta. Address malnutrition, council exec urges LGUs, 07/08/08, Inquirer.net

John J. Caroll, S.J. Marikina revisited and Payatas, 5/30/08, Inquirer.net

Low-cost food add-on fights malnutrition, 12/22/08, Inquirer.net

Ma. Ceres P. Dayo. We’re only hungry, 11/6/08, Inquirer.net

Malnutrition, www.globalcitizencorps.org/issues.htm?page=issues_hunger

Maricar Cinco. Town finds Hope in Feeding Program, Inquirer.net

Marlon Ramos. Feeding program to benefit kids from 2 QC barangays, 07/09/08, Philippine Daily Inquirer

Mila Ager. Feeding program for schoolchildren hit, 7/15/08, Inquirer.net

Queena Lee Chua. Filipino Kids Lack Fruits and vegetables, Inquirer.net

Serious Childhood problems in countries with Limited resources, www.who.int/publications/2004/9241562692

Talisay sets plans to solve problems on malnutrition, 7/13/07, Cebu daily news, Inquirer.net

Tj Burgonia. Anti-poverty body, DSWD agencies defend feeding program, 3/25/07, inquirer.net

Vincent Cabreza. Palace exec counters study on Cordillera hunger, 7/20/07, Inquirer.net

3 comments:

Anonymous said...

With everything which

seems to be developing inside this specific area, all your perspectives are generally rather radical.

Nonetheless, I appologize, but I do not give credence to your entire plan,
all be it exciting none the

less. It looks to everybody that your remarks

are actually not entirely justified and in fact you are generally your self not even
wholly convinced of your point. In any

event I did enjoy examining it.

my site: bjoyful.us

Anonymous said...

hello there and thanks on your information - I’ve

certainly picked up something new from right here. I did alternatively expertise several technical points the use of

this web site, as I skilled to reload the site lots

of instances previous to I may just get it to load properly.
I

were pondering in case

your hosting is OK? Now not that I'm complaining, but sluggish loading instances times will sometimes affect your placement in google and can injury your quality score if ads and ***********

Also visit my website :: www.snafu.co

Anonymous said...

I will right away grasp your rss as I can not find your e-mail subscription hyperlink or e-newsletter
service. Do

you've any? Please allow me recognize so that I could subscribe. Thanks.

Feel free to surf to my homepage - http://www.billboardtalent.com

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved