Sunday, November 21, 2010

Freaky Friday


I. Direksyon

Ang director ng pelikula ay ang sikat na si mr. Mark waters. Ang kwento ay ibinatay sa aklat ni Mary Rodgers. Sa aking panonood, napahanga ako sa ginawang direksyon ni Mr. Naters dahil sa balance ang bawat elemento na ginamit sa pelikula. Mula sa cast hanggang sa setting ng istorya ang mga tauhan ay gumanap ng mahusay sa talagang nagpaganda sa takbo ng istorya.


Ii. Istoryang pampelikula

Ang isang matrabahong ina at ang kanyang anak na babae ay hindi magkasundo na magkasama. Nagpalit sila ng buhay pra sa isang freaky Biyernes. Sa kabuuan, masasabi ko na ang peliulang ito ay isa sa mga pelikulang magustuhan ko dahil sa nakawiwili nitong kwento at ang mga masasayang tunog na inilapat dito. Mahusay po talaga ang pagkakagawa ng pelikula.



Iii. Pagganap

Jamie Lee Curtis ... Tess Coleman
Lindsay Lohan ... Anna Coleman


Iv. Sinematograpiya
kahanga-hanga at maganda ang pelikula dahil magaganda ang mga ginamit na setting. Angkop ang mga ginmit na kulay upang magkaroon ng buhay ang pelikula. Naging masaya ang panonood ko nito dahil ito ay nakakatuwa.


V. Disenyong pamproduksyon
By Cary White
Gumamit sila ng iba’t ibang lugar upang mapaganda ang pelikula. Ang mga ito ay ang restaurant ni Pei-Pei, ang house of Blues, ang hotel na pinagganapan ng weddin rehearsal nila Tess Ryan. Para sa akin, angkop lang ang mga ginamit na luggar.



Vi. Editing
Nagiging maganda ang labas ng pelikula kung mahusay ang pagkakaedit. Sa ginawang pag-eedit ni Mr. Bruce masasabi kong magaling siya dahil mabilis ang galaw ng pelikula madali ko siyang maintindihan.



Vii. Musikal iskoring

By Lisa Brown
Sa pelikulang ito, gumamit ng mga modernong musik ang music supervisor dahil ibinatay niya ito sa katauhan ni Anna na mahilig sa rock music. Ka ito sa mga salik na nagpaganda ng pelikula. Ang sama-sama nila ang mga masasayang tunog.



Viii. Paglapat ng tunog
By Rolfe Kent
Tamang tama ang ginawang paglalapat ng tunog na ginawa sa pelikulang ito. Hindi nahuhuli ang mga tunod sa bawat eksena, at tsaka malinaw ang pagkakabigkas ng dayalogo ng bawat tauhan. Hindi nasassapawan ng lakas ng tunog ang dayalogo ng bawat tauhan.


Ix. Buod
Si Anna ay isang music lover. Gustong-gusto niya ang mga rock music at guitarist siya ng isang band, ang Pink Slip. Si Dr. Tess Coleman naman ang mommy ni Anna na isang Psychologist. Nobyo niya si Ryan.Tuwi-tuwina na lang ay nag-aaway ang mag-inang ito. Dahil ito sa pagrerebelde ni Anna kay Tess. Mag-aasawa na kasi ang kanyang mommy at hindi ito matanggap ni Ana. Isang gabi, naisipan ni Ryan na yayaing kumain sa labas ang mag-iina upang matigil ang alitan sa pagitan nila Tess at Ana. Ang alitang ito ay bunga ng pagkakadetention ni Ana ng dalawang beses sa school at ang pagkakaroon ng “F” sa English termpaper sa Paper’s restaurant muli na naming nag-away ang dalawa dahil sa pagpapaalam ni Anna kay Tess tungkol sa pagsali nito sa Wango Tango audition na gaganapin sa House of Blues sa darating na Biyernes. Hindi pumayag si Tess dahil mahalagang araw ito para sa kanilang pamilya sapagkat Wedding rehearsal day nila ito at hindi siya pwedeng manalo. Nakita ng mama ni Pei-pei ang alitang ito kaya naisipan niyang bigyan silang dalawa ng Fortune cookies. Lingid sa kanilang kaalaman. Ang mga cookies na ito ang nagpapabago ng kanilang buhay. Dumating ang Biyernes. At nangyari na nga ang dapat mangyari nagkapalit sila ng katauhan at tanging tunay napagmamahal ang nagbablik sa dati nilang katauhan.Sa panahong nasa katawan ni Tess si Anna, marami siyang natutunan, nalaman niya ang lihim na paghanga ng kanyang pilyong kapatid na si Harry at ang pagmamahal ni Jake sa kanya. Kay Tess naman natuklasan niya ang tunay na dahilan ng pagrerebelde ni Anna at ang ganda ng musika ni Anna. Sumapit ang gabi, nakabalik silang muli sa dati.


X. Aral o mensahe
Marahil iniisip natin na madali ang ginagawa ng ating mga magulang ngunit pag ito’y ating naranasan sigurado’y sasabihin ninyo sa sarili niyo na mahirap din pala maging magulang.

1 comments:

Anonymous said...

thanks!

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved