Thursday, November 25, 2010
PAKIKIPAGKALAKALAN – SANDIGAN NG KAUNLARAN
Upang mapabuti ang kalagayan ng isang bansa, kailangan ang isang maunlad na kabuhayan. Isa sa mga paraang naisasagawa tungo sa pag-unlad ay ang pakikipagkalakalan. Ang Estados Unidos, Tsina at Hapon ay kabilang sa mga bansang maituturing na mauunlad na ngayon. Kung susuriin ang dahilan ng kanilang pag-uunlad, masasabing isa sa kanilang isinagawa ay ang pakikipagkalakalan.
Sa panahong ito, kailangang makipagsabayan tayo sa ibang bansa. alalaong baga, dapat tayong “globally competitive” o kung hindi, mapag-iiwanan tayo sa pag-unlad. Kailangan ng isang bansa ang maunlad na kabuhayan at maisasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan.
Ang mga produktong sariling atin ay dapat na ting paghusayan ang paggawa. Kailangang maganda ang kalidad nito, matibay at maipanlalaban sa mga gawa ng ibang bansa. Tangkilikin din natin ang anumang yaring Opilipino, sapagkat maaari na anting ihambing sa tibay at sa ganda ang ating mga produkto. Sa ganitong paraan, tataas ang produksyon ng ating kakalakal na magbubunga ng pag-unlad ng ating ekonomiya. Kung patuloy ang paglaki ng produksyon, dadami ang magkakaroon ng hanapbuhay. Lalaki ang kanilang kita at matutugunan ang kanilang mga pangangailngan. Dadami ang prodyuser o mamumuhunan bunga ng paglaki ng kita at mangangahulugan ito ng pag-angat ng kabuhayan ng bansa.
Upang mapag-inam ang produkto, kailangan ang mga makabagong kagamitan gayon din ang makabagong teknolohiya.
Kapag maganda ang pagtanggap sa mga produktong yari sa atin, gaganahan ang mga mamumuhunan na maglagak ng maraming puhunan, sa gayo’y uunlad ang ating kabuhayan. Mahalaga ang puhunan sa kalakalan. Sa pamamagitan nito’y matutustusan ang kagamitan at mga pangangailangan sa paggawa. Kapag naisasaayos ang takbo ng ating kalakalan, magiging maayos din ang takbo ng ating ekonomiya.
Taong 2002. Nagdaos ng halalan sa bansa. Naging mahigpit ang labanan sa panguluhan. Ngunit nagwagi ang karapat-dapat. Naging prayoridad ang pagpapaunlad sa kabuhayan. Namayani ang kapayapaan at pagtutulungan ng mga tao. Muling pumaimbulog ang Pilipinas bilang isa sa bansang tinitingala sa Asya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment