Thursday, November 25, 2010

ANG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO


Nagsimula ang digmaan sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano noong Pebrero 4, 1898. nagsimula ito sa tulay ng San Juan nang barilin ng sundalong Amerikanong si William W. Grayson ang dalawang sundalong Pilipinong naglalakad sa tulay ng San Juan. Tinamaan at napatay ang isa sa sundalong Pilipino habang ang kasama nito ay nakatakas. Maya-maya ay naglabasan na ang mga sundalong Pilipino at nagsimula na ang labanan sa pagitan ng dalawang panig.

Sa pangyayari sa San Juan, ibinintang ng mga Amerikano sa mga Pilipino ang unang nagpaputok. Sinabi rin nila na talagang binalak ng mga Pilipino ang pagsisimula ng labanan. Hindi ito maaaring mangyari dahil sa nang mga sandaling iyon ay nasa isang pagdiriwang si Aguinaldo at iba pang heneral sa Malolos at kasama rin niya roon si Koronel San Miguel na siyang pinuno ng mga sundalong Pilipino sa Masantol. Maging si Antonio Luna na direktor ng digmaan ay nasa San Fernando, Pampanga at ang tanging heneral na nasa kanyang posisyon ay si Heneral Pantaleon Garcia. Ang pangyayaring ang mga heneral ay nasa magkakaibang lugar ang patunay na di nila binalak na lubusin ang mga Amerikano.

Nagkaroon din ng labanan sa iba pang dako ng Maynila. Nang malaman ito ni Aguinaldo, sinulatan niya si Heneral Otis upang mapag-usapan ang mga nangyari ngunit tumanggi si Heneral Otis at sinabing ang pinasimulang labanan ay itutuloy ng mga Amerikano hanggang sa kahuli-hulihang sandali. Walang nagawa si Aguinaldo kundi ibalita sa mga Pilipino na sila’y nasa isang digmaan na naman at ito’y laban sa mga Amerikano.

Mabilis na kumalat ang labanan sa iba pang panig ng Maynila gaya ng Intramuros, La Loma, Caloocan at Tondo. Dumating ang mga tulong-sundalo mula sa Estados Unidos. Ikinalat ang mga ito sa iba’t ibang panig ng kapuluuan kasabay ng utos na sakupin ang mga lalawigan. Nakuha ang Iloilo noong Pebrero 20 gayong malakas ang puwersa ni Heneral Martin Delgado. Ang Cebu ay isinuko noong Pebrero 22 nang walang laban. Galit na galit ang gerilyang Pilipino at binantaan nila na papatayin ang sinumang makipagtulungan sa mga Amerikano. Sa Negros ay nakipagtulungan pa ang mga mayayamang Negrensa sa mga Amerikano kapalit ang pahintulot na paggawa ng saligang-batas sa pamamahala ng lalawigan. Sa Mindanaw, nakipagkasundo ang mga Amerikano sa mga Muslim. Pinagtibay ang Kasunduang Batas na kilalanin ng Sultan ng Jolo ang kapangyarihan ng Estados Unidos at sa mga pulo nito kapalit ang paggalang ng mga Amerikano sa mga karapatan at katayuan ng mga Sultan. Gayundin malayang makipagkalakalan ang Jolo sa iba pang panig ng kapuluan.

Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang tapang sa pakikipaglaban sa mga Amerikano. Isa sa magiting na ito ay si Antonio Luna na dahil sa kanyang matibay na paninindigan ay maraming nakakagalit. Ang bagay na ito ay naging sanhi ng kanyang kamatayan hindi sa kamay ng dayuhan kundi sa kamay ng sarili niyang kababayan. Pinapunta ni Aguinaldo noong Hunyo 5 sa Cabanatuan kung saan ay dito siya napatay. Walang naganap na imbestigasyon sa pagkamatay niya, katunayang binalak ang nasabing pagpaslang.

Iba’t ibang taktikang pandigma ang ginamit ng mga Amerikano upang maputol ang insureksyon. Isinagawa ang pagkokordon, rekonsentrasyon at suspensyon ng “writ of habeas corpus”. Ang mga Pilipinong naninirahan sa isang baryo ay inilipat sa mga kampo at ang sinumang lalabas ay papatayin. Sinunog din ang naiwang kabuhayan. Ang layunin nito’y upang putulin ang pagtulong ng masa sa mga gerilyang lumalaban sa mga Amerikano. Nang mabihag si Aguinaldo noong Marso 23, 1901 at manumpa ito sa pamahalaang Amerikano inakala nilang tapos na ang labanan. Ngunit lalong nagalit ang mga Pilipino at dumami pa ang namuno sa iba’t ibang rebolusyon.

Malakas at mahabang panahon ang naging pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Noong Hulyo 4, 1902, ipinahayag ni Pangulong Theodore Roosevelt na tapos na ang insureksyong Pilipino.

38 comments:

Anonymous said...

ty po

Anonymous said...

tnx a lot !!
God bless & more power !!

Anonymous said...

nakatulong ito sa akin ng malaki!!

Anonymous said...

sure na ba ito?

Anonymous said...

hahai history talaga paiba iba .....

Anonymous said...

may report n k

Anonymous said...

ea ! may project na ko ! thanks HISTORY :')

Anonymous said...

Kailan nagwakas ang digmaan?

Anonymous said...

thanks!!!!

`jERICA GUERRERO GARCIA on November 14, 2011 at 1:10 AM said...

THANK YOU SO MUCH FOR SHARING THAT CAUSE IM SEARCHING ALL THE TIME IN THE INTERNET BUT I CANT SEE THAT DOCUMENT CLEARLY A LOT OF THANKS FROM
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
JERICA GUERRERO GARCIA

Anonymous said...

thank you so much!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


for my hekasi assignmint thank thanks much




be happy be budoy thanksssssssssss

Anonymous said...

Thank you... It helped my son a lot

Anonymous said...

TNX ... may report n aq bukas ... >.<

.
.
.
.
.
.
.
Ram Ace <

Anonymous said...

thank sa pag help sana lagi ka nandyan para may report na aq

Anonymous said...

john adam b. morata!!!!!

Anonymous said...

its such a ridiculous story that you posted
joke!!!
it helped me a lot!!

Anonymous said...

thanks sa history mo my project na ako

Anonymous said...

.....and also me , may project na din ako...

Anonymous said...

Thanks po

Anonymous said...

Thank you po... may maisusulat na rin ako sa project ko sa history

Anonymous said...

HAyd!!thnks po sa inyo!!!

Anonymous said...

tnx a lot:),,ano nga ba yung pangalan ng barko ng mga amnerikano na pinagkamalan na ang mga pilipino ang nagpasabog?

Anonymous said...

THX

andrianne on November 27, 2012 at 5:03 AM said...

Ano pong sources?

Anonymous said...

Thanks for this.. :))

Choi Sulli said...

may summary ba ito?

Anonymous said...

thank you for the info :) really helpful :)

Anonymous said...

salamat sa filipino corner ... it is very helpful to mee...

Anonymous said...

Thank.....:-)

Anonymous said...

shonga ka na

Anonymous said...

its helped me a lot
and i learned so much....
thank you history.........
muah muah muah..........
.
.
.
.
.
.
.
.
by clairox and lorenzkie

Unknown on January 31, 2013 at 3:06 AM said...

wla na po bng pwedeng idagdag diro?? BTW thanks po!! :)

Unknown on January 31, 2013 at 3:09 AM said...

wla na po bng pwedeng idagdag diro?? BTW thanks po!! :)

Anonymous said...

I.R.N.I................ Thanks!!!!!!!!!!!!

Anonymous said...

ty po.. laking tulong to sa report ko..

Anonymous said...

Pakyu

Anonymous said...

daghana og comment oy

Anonymous said...

buang man diay ka

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved