Thursday, November 25, 2010

SULIRANIN NG MANGGAGAWANG PILIPINO



Ang Artex ay isa sa mga pabrikang gumagawa ng magagandang klase ng tela. Kung titingnan ang kanilang mga dokumento, ang kompanya ay nalulugi. Matagal nang welga ang mga manggagawa sa Artex na nagsimula pa noong 1984.

Nagwelga ang mga manggagawa dahil sa ang kompanya ay hindi tumutupad sa batas. Ang sahod ng mga manggagawa bago sila nagwelga ay P23.00. lamang samantalang ang minimum wage nang panahong iyon ay P41.00.

Nagtitipid din nang husto ang Artex. Mayroon silang 3,000 manggagawa. Mula sa bilang na ito ay 9000 lamang ang regular. Nangangahulugang 900 lamang ang tumatanggap ng P23.00 at ang natitira ay sumasahod lamang ng mga P18.00 na lalong mababa. Tinatawag nilang appprentice ang mga manggagawang di-regular, at umaabot sila na hanggag dalawang taon sa kalagayang ito.

Isa pang dahilan ng pagwewelga ng mga manggagawa ay ang kawalan ng kagamitan ng mga manggagawa. Kulang sa malinis na tubig na kailangan ng mga trahabador. Ang nangyayari ay bumibili pa sila ng malinis na tubig sa labas ng kompanya. Malaking kabawasan sa kanilang sinsahod ang araw-araw nilang pagbili ng tubig.

Mahigpit din ang Artex sa pagpapatupad sa oras. Tinipid nila itong mabuti. Ang mga manggagawa ay mayroon lamang tatlumpong minuto para sa lunch break. Ito ay mula sa ika 9:00 hanggang 9:30 ng umaga. Ibig sabihin ay ito ang oras ng kanilang pagkain ng tanghalian. Kung sanay silang kumain ng tanghalian ng alas dose, kailangan niyang magsanay kumain nang mas maaga. Ang masama pa nito, habang lunch break, hindi naman pinapatay ang mga makinarya kung kaya’t nagliliparan ang mga bulak sa paligid. Mahirap ding magpaalam sa Artex. Hanggat di malubha ang kalagayan ng manggagawa ay hindi nila pinapayagan makaalis ng pabrika ang mga trahabador.

Isang pangyayari ang naganap sa welga ng Artex. Isang manggagawa ang namatayan ng anak sa picket line. Ibinurol nila ang bangkay sa mismong lugal ng welga. Dumating ang mga tauhan ng militar. Marami ang nabaril at nasawi sa pangyayaring iyon.

Kung ganito nang ganito ang kalagayan ng mga kompanya, marami pang welga ang ating masasaksihan. Karapatan ng kompanya na pangalagaan ang interes ng kanyang negosyo ngunit dapat ding isaalang-alang ang damdamin at makataong kalagayan ng bawat manggagawa. Hindi mabubuhay ang puhunan kung walang paggawa. Nakasalalay sa kanila ang pag-unlad ng kabuhayan ng bansa.

0 comments:

Post a Comment

Followers


 

Filipino Corner. Copyright 2014 All Rights Reserved