Isang malaking bahagi na ng ating buhay ang pagkain. Iba't ibang putahe ang kinasasabikang kainin. Mga Pilipino nga nama'y sadyang mapag-eksperimento. Simpleng putahe ay napasasarap sa paghahalu-halo ng kung anu-anong sangkap sa araw-araw na pagluluto ay di-nakukuntento hanggang matuklasan ang tunay na sikreto. Paano nga kayang ginawa ang atsara at binuong mangga? Sa puting itlog ay hindi rin nakuntento. Humanap ng paraan upang maging pula ito. Sarap nito ay di-mapapantayan, puwede sa tinapay bilang palaman at sa kanin ay iulam.
Halina at alamin ang proseso kung paanong ito ay nagawa ng mga Pilipino.
Sangkap:
12 itlog ng itik
12 tasa ng asin
12 tasa ng putik
Kagamitan:
Kaserola, palayok, tasang panukat
Pamamaraan:
1. Paghaluin ang putik at asin. Unti-unti itong tubigan hanggang mahalong mabuti at maging katamtaman ang lapot. Hindi maaari ang malabnaw.
2. Ilatag ang pinaghalong putik at asin sa ilalim ng palayok.
3. Balutin sa putik ang mga itlog ng itik.
4. Pagpatung-patungin nang may isa hanggang dalawang pulgadang pagitan ang mga itlog. Kailangang maingat ang gumagawa nito. Alisin agad ang mga basag kung mayroon man.
5. Ibuhos sa palayok ang natirang putik at imbakin ang mga itlog sa loob ng 15 hanggang 18 araw. Kailangan mo ang maghintay upang tumalab ang alat.
6. Hugasan ang itlog at pakuluan ng 10 minuto
7. Maaari rin itong kulayan.
May sarili ka nang negosyo. Hindi mo na kailangan ang magpunta pa sa palengke upang magtinda. Maaari mo itong ialok sa iyong mga kapitbahay at sa kaunting oras lamang ay kikita ka na.
Pamatnubay na tanong:
1. Ano ang prosesong nararapat sundin sa paggawa ng itlog na maalat?
A. Pagsusuri sa binasang texto batay sa;
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1 - Pagbabalita ala Ernie Baron
Iulat sa anyong pagbabalita ang proseso ng paggawa ng itlog na maalat.
0 comments:
Post a Comment